Bubbles Paraiso, Mikaela Lagdameo, and Maggie Wilson host weekly lifestyle web series, Bloom

Kahit sosyal man daw ang perception sa kanila, sinabi nina Bubbles Paraiso, Mikaela Lagdameo, at Maggie Wilson na hindi naman kailangang gumastos ng mahal upang magmukhang sosyal.



May bagong pinagkakaablahan ang magkakaibigang sina Bubbles Paraiso, Mikaela Lagdameo, at Maggie Wilson, ang kanilang bagong online show na Bloom.

Ang Bloom ay pinu-produce ng Digital5 at tatalakay sa mga usapin ng dating, parenting, shopping, cooking, fashion, at sports.

Kuwento ni Mikaela, “Well, I’ve done beauty. Mostly fashion. And then I’ve done also some kitchen bentobox episodes.”

Naka-anim na episodes na daw sila sa show na tumatagal lamang ng lima hanggang walong minuto.

Pagdating sa fashion, meron daw silang mga nakunan nang episodes kung saan may tema silang fashion for less.

Halos lahat naman daw silang tatlo ay may mga kanya-kanyang fashion segments.

Dagdag pa ni Bubbles, “Anything health and fitness, its mine. For anything mommy, its Mika and Maggie.”

Saad ni Maggie, “I also do a lot of beauty segments like makeup and hair.”

Kuwento pa ni Bubbles, “All segments reflect our personalities and our lives.”

NOT A KASOSYALAN SHOW. Webisodes ang tawag nila sa bawat episode nila na mapapanuod sa TV5.com.ph every week.

Hindi naman daw porke’t makikita silang sosyal sa mga events ay sosyal na ang kanilang show.

Lahad ni Maggie, “Actually one of the episodes na na-shoot ko is actually a make-up tutorial video na under P1000 pesos lang lahat. Everything ha in total na ginamit ko.”

Dugtong pa ni Bubbles, “So hindi siya ano… it’s the very opposite of kasosyalan. People think we’re sosyal but we’re not.”

Payo naman ni Maggie, “Being fashionable doesn’t have to be expensive.”

Si Mika ay may 9 to 5 daily job. Si Maggie naman ay full time student, samantalang si Bubbles ay nagtuturo ng children's yoga. Pero, kapag nagkakasama na daw sila sa taping ng show, ang iniisip lang nila ay makapagbigay ng practical tips para sa viewers sa anumang topic na kanilang tatalakayin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN