Watch Now

ABS-CBN's trending lyric video of 2022 Christmas station ID gets 1.5M views on YouTube

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 14, 2022
ABS-CBN Christmas station ID
ABS-CBN releases the lyric video of its Christmas station ID this year titled "Tayo ang Ligaya ng Isa't Isa" featuring the network's biggest stars, most in-demand love teams, and most talented singers.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Pumalo na sa 1.5 million views sa YouTube ang lyric video ng ABS-CBN Christmas station ID as of November 14, 2022, three days matapos itong i-release.

Matagal rin itong nanatili sa top trending topics ng Twitter.

ABS-CBN Christmas station ID

Ngayong 2022, "Tayo ang Ligaya ng Isa't Isa" ang tema ng ABS-CBN Christmas station ID.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok sa lyric video ang mga kilalang personalidad at bigating love teams ng Kapamilya network.

Ang Mars Ravelo's Darna lead stars na sina Jane de Leon, Joshua Garcia, at Janella Salvador ang nasa first few frames.

ABS-CBN Christmas Station ID-Darna casts

Bidang-bida naman ang Kapamilya love teams nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (KathNiel), Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle), Alexa Ilacad at KD Estrada (KDLex), Francine Diaz at Seth Fedelin (FranSeth).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABS-CBN Christmas Station ID-Loveteams

Nakikanta rin ang mga bida ng ilang Kapamilya shows:

It's Showtime hosts na sina Anne Curtis, Ogie Alcasid, at Kim Chiu.

ABS-CBN Christmas station ID-It's Showtime

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magandang Buhay hosts Regine Velasquez, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros.

ABS-CBN Christmas station ID-Magandang Buhay

Siyempre, hindi mawawala ang world-class performers na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, at Gary Valenciano...

Christmas Station ID ABS-CBN

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jed Madela, Klarisse de Guzman, Morissette Amon, Angeline Quinto

ABS-CBN Christmas Station Id

Erik Santos, KZ Tandingan, Moira dela Torre, Chito Miranda.

ABS-CBN Christmas station ID

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay-oras din sina Piolo Pascual, Ella Nympha, Darren Espanto, at ang Megastar na si Sharon Cuneta, na siyang nasa end frame.

ABS-CBN Christmas station ID

Ang iba pang Kapamilya stars na kasama ay sina Khimo Gumatay, Anji Salvacion, Bailey May.

ABS-CBN Christmas station ID

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrea Brillantes, Kyle Echarri,at AC Bonifacio.

ABS-CBN Christmas station ID

Ayon kay ABS-CBN Creative Communications Management Division Head Robert Labayen, na siyang sumulat ng bagong Christmas station ID, pasasalamat ang tema ng awitin ngayong taon.

Saad niya sa panayam sa TV Patrol, “Kahit na marami tayong pinagdaanan, kahit marami tayong bagay na masyadong malaki sa atin na hindi natin ma-control, nandiyan pa rin ang ating mga mahal sa buhay, kaibigan, at kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sila ang pinagmumulan ng ligaya natin."

Narito ang ilang linya mula sa "Tayo Ang Ligaya ng Isa't Isa":

Kahit na munti na nakayanan.
Atin itong pagsasaluhan.

Ang saya’y hindi nagkukulang.
Kapag mayro’ng kabutihan.

Mayro’ng liwanag ang simpleng ngiti.
Ang mga ulap ay nahahawi.

Mayro’ng init ang mga yakap.
Gumagaang lahat.

Paghahawak-hawak kamay at ating pagdadamayan.
Nakakarating nasa’n ka man,
Tayo’ng anghel ng isa’t isa.
Tayo na rin ang mga tala
mga tala!

Tayo ang Ligaya ng Isa’t Isa
Kayo ang regalo ng ating Maykapal.

Biyaya sa buhay
kayong nagmamahal.
Salamat sa lalim
ng ating pagsasama.

Tayo ang ligaya
ligaya ng isa’t isa!

Tayo ang ligaya,
Tayo ang ligaya
Tayo!

Tayo ang ligaya
ligaya ng isa’t isa!

Tayo ang ligaya,
Tayo ang ligaya
ng Isa’t Isa.

Samantala, umani ng papuri mula sa Kapamilya fans na karamihan ay nagsabing very inspiring ang mensahe ng video.

Narito ang ilang komento:

ABS-CBN Christmas station ID

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABS-CBN Christmas station IDABS-CBN Christmas station ID

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABS-CBN Christmas station ID

ABS-CBN Christmas station ID

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABS-CBN Christmas station ID

ABS-CBN Christmas station ID

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN releases the lyric video of its Christmas station ID this year titled "Tayo ang Ligaya ng Isa't Isa" featuring the network's biggest stars, most in-demand love teams, and most talented singers.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results