Watch Now

Is Thea Tolentino ready to take on sexy role? "Ano pong level?"

by Rommel Gonzales
Nov 18, 2022
Thea Tolentino
Thea Tolentino on going sexy: “Open naman po ako. So far wala naman akong hinihindi-an rin na roles..."
PHOTO/S: @theatolentino on Instagram

Hindi raw istrikto ang boyfriend ni Thea Tolentino na si Martin San Miguel.

Ayon sa Sparkle actress, hindi raw niya kinakailangang magpaalam kay Martin, na isang piloto ng PAL Express, kapag may gagawin siyang teleserye o pelikula.

Thea Tolentino and boyfriend Martin San Miguel

Hindi pa naman gumawa si Thea ng isang sexy o daring role, pero kung sakali, papayag kaya si Martin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Thea, “Wala pa naman po at saka nasa sa akin din naman po yun kung kumportable ako. Iyon po ang importante.”

Papayag ba si Thea kung sakaling may alok sa kanya na isang proyekto, isang indie film halimbawa, kung saan kakailanganin niyang magpaseksi?

“Ano pong level?” ang nakangiting balik-tanong ni Thea sa amin.

E, kung may love scene na maiinit at matitindi ang eksena?

Sagot nya, “Siguro po depende sa, depende sa material.”

Halimbawang may temang lesbianism, tulad ng BetCin nina Andrea Torres at Kylie Padilla na isang online series kung saan gumanap bilang lesbian lovers ang dalawa?

Pakli ni Thea, “Why not? It’s a challenge. Although it’s something na nakakakaba na gawin. Parang sensitive siya, e, so challenge siya."

Natatawang sundot pa niya, "Talagang hindi ako mawawalan ng kaba buong project.”

Maraming ginulat sina Andrea at Kylie na napapayag gawin ang BetCin.

Paliwanag pa ni Thea, “Open naman po ako. So far wala naman akong hinihindi-an rin na roles, kasi lalo na po kung talagang makakatulong naman siya sa growth ko as an actress.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumaganap si Thea sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters bilang si Dahlia Chua.

Tinanong namin si Thea kung ano ang pagkakapareho nina Thea Tolentino at Dahlia Chua bilang isang babae?

“Si Thea at Dahlia parehas na breadwinner ng family. So in that sense parehas kami.

“And parehas din naman kaming hardworking, mapagmahal sa family.

“Mas mabait lang si Dahlia,” at muling tumawa si Thea.

“Mabait din po ako.”

Pero mas palaban raw si Thea kaysa kay Dahlia.

“Yes, palaban din naman si Dahlia,” sinabi pa rin ni Thea.

Bukod kay Thea ay bida rin bilang mga kapatid niyang Chua sisters sa teleserye sina Aiko Melendez bilang si Lily Chua, si Angel Guardian bilang si Iris Chua, at si Beauty Gonzalez bilang si Violet Chua.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea Tolentino on going sexy: “Open naman po ako. So far wala naman akong hinihindi-an rin na roles..."
PHOTO/S: @theatolentino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results