Watch Now

How is Lovi Poe one year after moving to ABS-CBN?

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 21, 2022
Lovi Poe- Flower of Evil
Lovi Poe on her first year as a Kapamilya: "My soul has been searching for growth, and that’s what I’ve been going through. I’ve been growing since the day I became a Kapamilya. I’ve been stepping out of my comfort zone, and I’ve been having a lot of dreams come true."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Higit isang taon na ang nakararaan mula nang maging Kapamilya ang dating Kapuso star na si Lovi Poe.

Noong September 16, 2021, pumirma ng exclusive contract si Lovi sa ABS-CBN matapos niyang lisanin ang GMA-7 na naging tahanan niya sa loob ng labinlimang taon.

Read: Lovi Poe transfers to ABS-CBN after 15 years with GMA-7

Sa bloggers conference ng Flower of Evil noong November 18, 2022, na ginanap sa Grandia Place sa Quezon City, nagbalik-tanaw si Lovi sa isang taon niyang pagiging Kapamilya.

Ayon sa 33 year-old actress, malaki ang naitulong ng ABS-CBN sa kanyang personal growth.

Saad niya, “Life’s been great. My soul has been searching for growth, and that’s what I’ve been going through.

"I’ve been growing since the day I became a Kapamilya.

“I’ve been stepping out of my comfort zone, and I’ve been having a lot of dreams come true."

Dagdag pa niya, "It’s been great."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FLOWER OF EVIL

Ang Pinoy adaptation ng Koreanovela Flower of Evil ang unang proyekto ni Lovi sa ABS-CBN.

Read: Lovi Poe, pinatunayang nagmana sa pagiging action star ni Da King FPJ

Dito ay nakatambal niya sa unang pagkakataon si Piolo Pascual na dream come true para sa kanya.

Read: Piolo Pascual impressed with work attitude of Lovi Poe, Paulo Avelino

Malaki raw ang pasasalamat ni Lovi dahil sa kanya ipinagkaloob ang proyektong ito.

Aniya, "Ang dami kong natutunan dito.

"Sa lahat ng mga nakatrabaho ko—from our directors, our production, our cameramen, sound, and everyone—parang may naiuwi akong piece from each and everyone kasi nga iba yung level ng dedication na nakita ko dito.

"Especially na-lock in kami, we were all together in one place and it's been months.

"Kung anuman yung natutunan ko sa kanila, mauuwi ko siya at madadala ko siya sa next na trabaho na gagawin ko.

"When you start doing another project, it’s not just a project na bubuuin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It’s always a learning experience for me. It’s always like going to class."

Hanga rin daw si Lovi sa mga artistang nakasama niya rito, lalo na kay Piolo na hindi niya sukat-akalaing makakatrabaho niya.

Read: Lovi Poe grateful to work with her "mahal" Piolo Pascual in "Flower of Evil"

"Lahat ng nakatrabaho ko dito, yung level of body of work na nagawa nila, I’m always in awe.

"Si Piolo pa lang, ang dami na niyang naging proyekto ring nagawa. And just to share scene with him, kahit nga isa, dream na yun for me.

"Pero dito [sa Flower of Evil], ang dami naming scene na nagawa together. Ang sarap sa feeling!"

DREAM ROLE AND GENRE

Naging bukas si Lovi sa mga dream project, role, at genre na gusto pa niyang gawin sa ABS-CBN.

"I want to portray something like Gone Girl, ganoong klaseng role," pagtukoy ng aktres sa role na ginampanan ng British actress na si Rosamund Pike sa 2014 movie na nagbigay sa kanya ng Oscar nomination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, "And more action series, of course I been saying it out loud I wanna do Ang Panday."

Ang yumaong ama ni Lovi na si Fernando Poe Jr. (FPJ) ang gumanap na bida sa classic action-fantasy film franchise na Ang Panday.

Saad niya, "There's the reason why I wanna do this things [action], siguro nasa dugo talaga.

"Matagal ko na gustong gumawa ng mga ganitong klaseng eksena and apart of me that I feel it has something to do with him."

Sa tuwing may ginagawa raw si Lovi na action scenes ay hindi raw niya nakakalimutang magdasal at humingi ng gabay sa kanyang namayapang ama na kilala bilang "Hari ng Pelikulang Pilipino."

Kuwento niya, "Kapag may mga ganitong eksena, hindi ko maiwasang maisip din talaga siya.

"Alam mo nagpe-pray talaga ako before doing certain scene because it's like my dad is been known for that.

"Alam ko na I will never be able to reach or fill in that shoes, but the fact na sana I pray I get to do even half or be good as he was, then I'm very happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I always pray and I always say na i-guide niya ako sa mga ganitong klaseng scene."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on her first year as a Kapamilya: "My soul has been searching for growth, and that’s what I’ve been going through. I’ve been growing since the day I became a Kapamilya. I’ve been stepping out of my comfort zone, and I’ve been having a lot of dreams come true."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results