Maalaala Mo Kaya to end its 31-year run this December

by Arniel C. Serato
Nov 21, 2022
MMK to end its run after 31 years
Maalaala Mo Kaya host Charo Santos announces the end of her 31-year-old drama anthology on ABS-CBN.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on Facebook

Inanunsiyo ni Charo Santos na magtatapos na sa ere ang hinu-host niyang longest-running drama anthology sa ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya (MMK).

Read: 10 interesting things to know about Maalaala Mo Kaya's 25 years

Ayon kay Charo, kung mauulit man ang panahon, nais pa rin niyang gawin ang pagiging host ng palabas.

Sabi niya sa kanyang farewell message na umere sa TV Patrol ngayong Lunes ng gabi, November 21, 2022, “Ilang inspirasyon ang maipapaloob sa tatlumpu’t isang taon.

"Hindi na po mabilang ang naisalaysay nating kuwento dito sa MMK. Mga kuwentong Totoo.

"Mga salamin sa sarili ninyong buhay na nagbigay ng aral at panibagong pag-asa.

"Kami po ay tagapaghatid lamang ng mga kuwento. Kung mauulit man ang lahat, hindi po ako magdadalawang isip na piliing muli ang role na ito."

Kasunod nito ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay nitong pagsahimpapawid mula noon hanggang ngayon.

Aniya, "Kulang po ang tatlumpu’t isang taon para magpasalamat sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gayunpaman, gusto ko pong magbigay-pugay sa lahat ng nagpadala ng sulat, sa aming mga direktor, writers, researchers, production staff, at sa lahat ng naging bahagi ng aming programa.

“Sa mga artistang gumanap, maraming-maraming salamat.

"Sa management ng ABS-CBN, sa aming mga sponsors, at higit sa lahat sa inyong mga tagapanood, kayo po ang nagsabi na makahulugan sa inyo ang aming ginagawa.

“Salamat po sa lahat ng nakaraan at sa anumang paraan na maaaari pa tayong muling magkita.

“Ito po si Charo Santos, ang inyong tagahanga at tagapagkuwento.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsimulang umere sa telebisyon ang MMK noong May 1991.

Mula noon, hindi na mabilang ang mga natanggap nitong parangal hindi lang dito sa bansa kundi pati na sa abroad.

Ang MMK ang sinasabing training ground ng mga baguhang artista para makita ang kanilang galing sa pag-arte.

Dahil sa kasikatan nito, ginawan din ito ng pelikula na may kaparehong titulo noong taong 1994.

Sa December 10, 2022 eere ang huling episode ng MMK.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maalaala Mo Kaya host Charo Santos announces the end of her 31-year-old drama anthology on ABS-CBN.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results