GMA artist Steven Silva works for the first time with TV5 talents Eula Caballero and Bret Jackson

Steven Silva on working with Eula Caballero and Bret Jackson: “Masayang kasama si Eula at saka si Bret. ’Pag wala kaming scenes, 'pag naka-standby lang kami, we’re just talking to each other. Kasi, tutal first time kaming magkasama sa isang project, so we try to get to know each other.”


Nagpapasalamat sa TV5 ang Kapuso actor na si Steven Silva sa pagbibigay sa kanya ng project habang wala pa siyang ginagawa sa kanyang home network na GMA-7.

Nilinaw nga niyang hindi naman siya lilipat kundi ipinahiram lang siya sa TV5.

Kasalukuyan kasing nakikipag-usap si Steven sa GMA matapos mag-expire ang kanyang kontrata noong Pebrero.

Pagkatapos ng Holy Week ay mapapanood si Steven sa TV5 mini-series na Wattpad Presents: Lady In Disguise, na eere mula Abril 6-10. Kasama niya rito sina Eula Caballero at Bret Jackson.

Sabi ni Steven, “Actually, itong guesting na ito, parang it came out of nowhere.

“Kasi at first, akala ko bawal kaming mag-guest sa mga ganitong shows [sa ibang network].

“Pero yun pala, puwede, so very thankful ako sa TV5.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Steven sa pocket presscon ng Wattpad Presents: Lady In Disguise kahapon, Marso 26, sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City.

Kumusta naman ang unang pagtatrabaho niya sa TV5?

“It’s great. The people are so welcoming, and the staff, inalagaan talaga nila ako.

“Kahit noong pictorial pa lang, they took care of me, then noong taping inasikaso nila ako.

“So, thankful talaga ako for the wonderful experience.”

Paano kung masundan ang offer from TV5 for another guesting, gusto niya pa ba?

Sagot niya, “Masaya yung experience ko sa Wattpad, sana oo, kung may offer ulit.”

WORKING WITH EULA & BRET. Bukod sa magandang experience sa taping ng Wattpad, nag-enjoy rin si Steven sa pakikipagtrabaho kina Eula at Bret

Lahad niya, “Masayang kasama si Eula at saka si Bret.

“’Pag wala kaming scenes, 'pag naka-standby lang kami, we’re just talking to each other.

“Kasi, tutal first time kaming magkasama sa isang project, so we try to get to know each other.”

What’s best about Eula?

Sabi ni Steven, “Honestly, Eula is a very beautiful person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nagulat ako kay Eula kasi she’s only 19, but she really gives importance to her craft.

“She’s really serious when it comes to her craft.

“I mean, when we have a really heavy scene, ang bilis niyang mag-prepare.

“Parang lagi siyang may baon, okay, prepare. Then, ilang seconds lang, okay, ready na siya.

“Hindi ako nahihirapan kasi lagi siyang ready, lagi siyang prepared.”

How about kay Bret?

“With Bret naman, it’s the same… kasi medyo pareho kami ni Bret, mga Fil-Am, mga half-half.

“So, medyo nage-gets kami doon, e. Medyo nahihirapan kami sa script kasi Tagalog.

“We can talk about certain things together.”

Malaking factor din kaya madali silang nagkapalagayan ng loob dahil pawang mga Bisaya sila.

Taga-Davao si Steve, Cebu naman si Eula, at sa Dumaguete si Brett.

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Samantala, aminado si Steven na hindi zero ang lovelife niya.

Sabi niya, “I admitted it before, I’m dating someone, she’s non-showbiz.

“Actually, nag-meet kami before dahil sa theater.

“So, non-showbiz siya, and we’ve been going out for about one year na. Her name is Kate.”

Silang tatlo raw nina Eula at Bret ay taken na kaya nirerespeto nila ang status ng bawat isa.

“So, wala kaming problema doon pagdating sa lovelife.

“I think it’s nice kasi we don’t have to worry about that.

“We can really focus on our work and we all have respect for each other.

“We all know that taken si Eula, taken si Brett, we all have someone.

“So, when we come to work, respect lang, work lang.”

Sa Lady In Disguise, si Steven ang makakadiskubre tungkol sa pagpapanggap ni Eula bilang lalaki.

Magkakagusto siya kay Eula sa story kaya magkakaroon daw sila ng kissing scene.

Nagselos ba ang girlfriend niya sa eksenang ito?

Sabi ni Steven, “Noong time na yun, nalaman ko na babae siya [Eula], kaya nag-kiss kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nalaman ni Kate, yun medyo nagselos siya. Na-bother siya nang konti.

“I mean, actress din siya kasi magkasama kami sa theater, hindi naman yung jealous na, ‘Hoy, hindi ka puwede mag-kissing scene.’

“Parang more like konting tampo lang.

“Sabi niya, ‘Kailangan talaga may kissing scene? Akala ko pa-cute lang ito, rom-com?’

“Medyo nagtampo lang siya, then sabi niya, ‘Okay, sige na nga, basta gawin mo lang yung trabaho mo.’”

Napag-usapan naman daw nila ito nang maayos kaya happy na ulit sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN