Watch Now

Kristel Fulgar signs contract with South Korean entertainment agency

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 24, 2022
Kristel Fulgar sign contract in Korea
Kristel Fulgar to her Filipino fans: "Huwag muna kayo mag-expect na mag-aartista ako dito [sa South Korea]. Kasi hindi pa ako ganun ka-confident mag-Korean honestly, later na."
PHOTO/S: Kristel Fulgar Instagram

Unti-unti nang natutupad ng actress, singer, at vlogger na si Kristel Fulgar ang kanyang pangarap magkaroon ng career abroad.

Ito'y matapos niyang pumirma ng kontrata sa entertainment agency na Five Stones Entertainment sa South Korea.

Sa ini-upload ni Kristel na YouTube vlog noong November 19, 2022, ibinahagi niya ang dahilan ng biglaang pagpirma ng kontrata.

Kuwento niya, "So I signed with Five Stones Entertainment, because for me to have a working visa here in Korea.

“Kasi kapag kumuha ako ng student visa, they will require me two sems [semesters], six months yun na mag-aaral ako and ayaw ko na mag-aral nang six months."

Ayon pa kay Kristel, ang kaibigan niyang CEO ng South Korean skincare brand na si Yohan Kim, o mas madalas niyang tawagin bilang “Big Boss,” ang naging daan para makilala niya ang CEO ng Five Stones Entertainment na si Mr. Han.

"Big Boss is friends with CEO Han and he asked for a favor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Since they are friends and they do business together, they said they would provide me with an E6 visa, which is a working visa here in Korea."

Si Big Boss din daw ang nag-uudyok sa kanyang pasukin na ang show business sa Korea.

Read: Netizens get super kilig over Kristel Fulgar and 'Big Boss' Yohan Kim

Pero para kay Kristel, hindi pa siya handa at "confident" para sa pag-arte sa naturang bansa.

Saad niya, "I am not prepared for that, guys, so huwag muna kayo mag-expect na mag-aartista ako dito.

"Kasi hindi pa ako ganun ka-confident mag-Korean, honestly."

"Later na," dagdag pa niya.

Inamin din ni Kristel na kasalukuyan na siyang nag-aaral ng Korean language sa South Korea para maging fluent siya sa pagsasalita ng kanilang lengguwahe.

Sa ngayon ay ayaw raw niyang i-pressure ang kanyang sarili. Mas pipiliin daw muna niyang enjoy-in ang kung anong meron siya ngayon.

Aniya, "Let’s see kung anong matutunan ko sa school. Baka magkaroon ako ng confidence and ita-try ko na yung [showbiz].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Showbiz in the Philippines is so tough na. How much more here?

"I am not expecting anything here. I just want to enjoy.

"When I start to think about it, I feel pressured na. But let’s see [kung] anong mangyayari sa life ko rito sa Korea.”

Kilala si Kristel na vocal pagdating sa hilig niya sa mga Korean drama at K-pop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kristel Fulgar meets Korean star Seo In Guk via video call

Ngunit bago siya pumunta sa Korea ay una na siyang sumikat sa Pilipinas bilang child star sa kiddie gag show na Goin' Bulilit.

Naging bahagi rin siya ng ilang ABS-CBN shows gaya ng Bituin (2003), Maria Flordeluna (2007), Dahil Sa Pag-ibig (2012), Got to Believe (2014), Bagito (2015), at Aja! Aja! Tayo sa Jeju (2021).

Read: Eliza Pineda, Kristel Fulgar reenact Maria Flordeluna fight scene on YouTube after 15 years

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristel Fulgar to her Filipino fans: "Huwag muna kayo mag-expect na mag-aartista ako dito [sa South Korea]. Kasi hindi pa ako ganun ka-confident mag-Korean honestly, later na."
PHOTO/S: Kristel Fulgar Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results