Watch Now

Daniel Padilla credits success of 2 Good 2 Be True to "beautiful cast, directors na walang pahinga"

by Noel Orsal
Nov 24, 2022
Daniel Padilla
Kapamilya actor Daniel Padilla details what it's like working on 2 Good 2 Be True and what's next for him for 2023.
PHOTO/S: Noel Orsal

Consistent na nag-trend ang Kapamilya family drama series na 2 Good 2 Be True dahil na rin sa ganda ng istorya at galing ng cast nito.

Lalo pa itong umingay nang malapit na itong magtapos, dahil sa happy ending ang ipinalabas sa finale episode kunsaan nag-propose si Eloy (Daniel Padilla) kay Ali (Kathryn Bernardo).

“It's been a journey, Ang saya ng journey ng 2 Good 2 Be True," puno ng pasasalamat na sabi ni Daniel.

"Kasi, nung sinisimulan namin, hindi namin alam kung anong pupuntahan nung show namin or kung tatanggapin ba ng mga tao yung show namin.

"Pangalawa, it's been a while din na gumagawa kami ni Kathryn ng isang show. So, di ba? Hindi namin alam, is it gonna work or ano?

"We're just very, very thankful and blessed na tinanggap nang buung-buo ng mga tao yung show namin."

Nakapanayam si Daniel ng press, kabilang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa bago niyang endorsement, ang Mossimo Vibe launch. Ginanap ang interbyu nung November 19, 2022, sa Ponse Tapas & Wine Bar sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"BEAUTIFUL CAST, DIRECTORS NA WALANG PAHINGA"

Higit sa tambalang KathNiel, ipinagmalaki ni Daniel ang powerhouse cast ng show kabilang ang veteran stars na sina Ronaldo Valdez, Cris Villanueva, at Gelli de Belen.

Sinubaybayan nang husto ang heartwarming scenes nina Kathryn, Ronaldo, at Kathryn; at kinagiliwan ang kilig-tambalan nina Gelli at Cris sa serye.

Paliwanag ni Daniel: "I think, hindi lang dahil kami ni Kathryn yun, I think it's also the mounting of the show.

"It’s very nice, talagang pinagtrabahuhan, hindi minamadali.

"Pangalawa, the cast. We have a beautiful cast ng 2 Good 2 Be True. Ang saya-saya nung casting nung show namin.

"Isang recipe yun kung bakit I think naging successful yung show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Daniel, malaking dahilan din ang paghulma ng mga direktor na sina Mae Cruz at Paco Sta. Maria sa serye.

"I'd like to thank also Direk Mae, siyempre direktor namin, kapitan namin, Direk Paco...

"Siyempre, kami [cast] kapag rest days, talagang nagpapahinga. Sila kapag rest days, nag mi-meeting, talagang sila yung walang pahinga.

"So, I'd like to thank Direk Mae and Direk Paco, siyempre, and all the people na nanood ng 2 Good 2 Be True na na-touch ng show. Next time again.

"Sa mga nagsabi ng Season 2, let's see."

After the success of 2 Good 2 Be True, what's next for Daniel?

Sagot ng Kapamilya actor, "After 2 Good 2 Be True, I'd like to rest first. Pahinga muna ako for now, next year na ulit.

"Next year, siyempre may mga gagawin tayong pelikula at may mga gagawin tayong TV show kaya dun muna tayo."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Daniel Padilla details what it's like working on 2 Good 2 Be True and what's next for him for 2023.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results