Jolina Magdangal says her return to ABS-CBN is more than she expected

Coming from romantic comedies, Jolina Magdangal feels the offer to do Flordeliza came at the right time now that she herself is a mother.


Naikuwento ni Jolina Magdangal na sa maraming taon niya sa showbiz ay hindi siya nabakante sa trabaho, pero may bagong excitement at sigla raw siyang naramdaman sa muli niyang pagbabalik sa ABS-CBN.

Ngayon ay naipapakita raw niya ang iba pa niyang kakayahan sa sunud-sunod na proyektong ginagawa niya dito, bukod sa nakatagpo pa siya ng mga bagong kaibigan.

Pagmumuni-muni ni Jolina, “Lately, lagi kong naiisip na this year, nag-twenty-six years na ako sa showbiz, e, parang hindi ako nabakante.

"Never in my life sa show business ako nabakante.

"Hindi man kasing dami nung ngayon, pero never talaga akong nag-rest, na sobrang thankful ako.

“And 'etong pagbalik ko dito sa ABS, sobra-sobra pa sa ini-expect ko dahil parang sunud-sunod, e.

"'Tapos alaga naman talaga, 'tapos may mga bagong ginagawa at bagong friends.

"Meron pa ring lumang friends na nakikita ko pa rin hanggang ngayon. Kaya masaya ako talaga.

"Iyon ang sigla ko, e. Na kahit araw-araw may anak [na inaalagaan], araw-araw may taping, araw-araw may work, pero hindi ako napapagod.

"Kahit nagkakasakit na nga ako, e, ‘Ay, may sakit pala ako,’ parang ganun lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina noong Linggo, Marso 29, sa Baang Coffee sa Tomas Morato, Quezon City, sa pocket presscon na inorganisa ng management team niya sa PPL Entertainment headed by Perry Lansigan.

WEEK THREE WINNER. Napapanood si Jolina sa Kapamilya teleseryeng Flordeliza tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Habang tuwing Sabado at Linggo ng gabi naman ay isa siya sa walong celebrity performers ng Your Face Sounds Familiar.

Natutuwa nga si Jolina dahil kasama na siya sa winner’s circle ng Your Face Sounds Familiar, matapos siyang mag-number one at magwagi sa week three ng naturang singing and impersonation competition ng ABS-CBN noong Marso 29.

Puring-puri rin siya ng tatlong hurado na sina Sharon Cuneta, Jed Madela, at Gary Valenciano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga raw in-expect ni Jolina na siya ang magwawagi matapos ang panggagaya niya kay Cher sa kanta nitong "Believe."

Ikinatuwa rin ni Jolina ang kanyang pagkapanalo dahil kalahati ng kanyang cash prize na P100,000 ay mapupunta sa kanyang chosen charity, ang Kythe Foundation, isang organisasyong tumutulong sa mga batang may sakit na cancer at iba pang chronic illness.

Masaya raw ang feeling na matapos ang 6th-place finish niya noong week one at two ay nakabawi naman siya nitong nakaraang weekend.

“Masaya, masarap, kasi sabi ko nga, nung ako na yung nabigyan ng award na parang plake, iba pala yung feeling 'pag ganun.

"Kasi ang gagaling din ng mga kasama mo, um-effort talaga lahat.

"So, ang sarap ng feeling na nag-top ka."


RELUCTANT. Aminado si Jolina na noong una ay nagdalawang-isip siya kung tatanggapin niya ang offer para maging isa sa celebrity contestants ng Your Face Sounds Familiar.

Saad niya, “Noong una kabado ako sa show na ito, kabado doon sa sense na, ‘Dyu-join ba ako sa ganyan?’

"Ayoko na ng pressure.

"Pero noong nag-usap kami ni Perry at nakausap ko rin yung mga taga-Your Face, nakakita ako ng excitement.

"Sabi ko, ‘Bakit ba ako kakabahan, e, parang variety show lang to.’

"Exciting nga ito kasi ngayon lang namin magagawa na loko-lokohin din ang sarili namin.

"At saka siguro, kung may kakumpitensiya kami, sarili namin iyon, kasi magkakaiba naman ng icons, e.

"Ngayon, thankful ako na napa-oo ako doon.

"Tapos isinama nila ako doon na sa dami ng artists na puwede nilang isama doon, 'di ba?”


NEW FRIENDS. Ang alam ng mga manonood magkakalaban silang walong celebrity performers sa Your Face Sounds Familiar, na kinabibilangan din nina Jay-R, Nyoy Volante, Melai Cantiveros, Edgar Allan Guzman, Tutti Caringal, Maxene Magalona, at Karla Estrada.

Pero ayon kay Jolina, nakatagpo siya ng mga bagong kaibigan sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Ang tawag nga namin sa mga sarili namin, co-performers, e.

"Parang hindi namin naiisip na contestants kami.

"Yun ang iniiwasan naming ma-feel na kumpetisyon ito kaya nagsusuportahan kami.

"Before and after ng show, may communication kami lagi.

"Ako ang gumawa ng Viber group namin, e, para ang feeling hindi yung nagkikita kami 'pag show lang.

"Magkakaibigan na kami, nagbibiruan kami, nag-ookrayan kami sa Viber, yung mga ganun.”


BIG CHALLENGE. Inspirado rin sa pagtatrabaho si Jolina para sa drama series na Flordeliza.

“Lagi ko ngang sinasabi 'pag nagte-taping kami, itong Flordeliza inaano ako… ano yung term ko, parang lagi akong pinipiga.

"Eto, ha, hindi ako dramatic actress, nasa rom-com [romantic-comedy] ako, 'di ba? Yun ang forte ko.

"Pero eto, parang tsinallenge nila ako, ni Direk Wenn [Deramas], e.

“Thankful din ako na yung role isang nanay, so meron talagang mga moment, merong script na ibinibigay sa akin na natural na lang.

"Hindi naman dapat iiyak doon, napapaiyak na lang ako dahil naiisip ko yung anak.

"Parang 'pag nagdadrama ako, parang nakikita ko si Pele [anak niya], parang ganun.

"So, bilib talaga ako doon sa script na ginawa ni Direk Wenn dahil parang alam na alam niya kung saan ako pipigain, e.”

Mabuti nga raw at ngayon sa kanya naibigay ang mabigat na role niya sa Flordeliza, kung saan isa siyang nanay na may cancer kaya inihabilin muna niya ang anak niya sa tatay nito kasama ang totoong asawa’t anak nito.

Ayon kay Jolina, “Sa tingin ko, kung yun ay naibigay sa akin earlier sa career ko, baka hindi ko rin magawa nang maayos.

"Ngayon, maganda yung timing na yun ang role ko, tapos maganda talaga yung sulat ni Direk Wenn.”


CARLO VS. MARVIN. Kasama ni Jolina sa Flordeliza ang ka-loveteam niyang si Marvin Agustin.

Pero natutuwa siya na nakakaroon din ng followers ang tambalan nila ng isa pa niyang leading man na si Carlo Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jolina, “Parang natatawa ako kasi 'pag nagbabasa ako ng Twitter, parang may mga follower na sina Arnold at Ida [characters nila sa serye].

"Sinasabi ko na lang, ‘Carlo, galingan natin ito, ha.’”

Ano ang masasabi niya na tila ang tambalan nila ni Carlo ang mas napapansin ngayon kaysa yung sa kanila ni Marvin?

Sagot ni Jolina, “Kasi may mga mangyayari pa dahil na-extend siya, so kailangan gawan talaga ni Direk ng mga [sub-plots].

"Eto, halimbawang week 10, dapat papunta na sa week 13, pero inuusog, nagpapasok ngayon ng mga bagong istorya, kaya ganun.”

Magandang balita nga raw na extended pa ang airing ng Flordeliza.

“Parang hanggang 26 weeks yata. Parang ganun, ha, basta extended siya.”

Enjoy nga raw siya kapareha si Carlo.

“Natutuwa ako kasi ang galing niyang umarte. And to think mas bata siya sa akin.

"'Pag kaeksena ko na siya, feeling parang ako yung nagiging pa-tweetums na bata, parang ganun kasi magaling siya, e.

“Sabi ko nga sa staff namin, ‘Ang galing din ng naging role ni Carlo, na from wala na silently nagmamahal, pero ngayon siya yung hero ng may cancer na minamahal.'

"Magaling si Carlo at saka ang bait.”

Ano ang sinasabi ng asawa niyang si Mark Escueta sa bagong loveteam nila ni Carlo?

“Wala naman, ang sa kanya, yung istorya, e.

"Minsan nagpapakuwento siya, ‘O ano na ang mangyayari sa istorya?’

"Natutuwa lang siya na maganda yung nagiging ikot ng istorya," sabi ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN