Maagang ipinasilip ng ABS-CBN ang mga bagong palabas nila na dapat abangan sa 2023.
Sa kanilang Christmas Special nitong Linggo, December 18, 2022, naganap ang pag-anunsiyo ng bagong shows ng Kapamilya network na nakatakdang umere sa susunod na taon.
TV PROGRAMS
Anim na programa ang aabangan sa bagong broadcast platform ng ABS-CBN na Kapamilya Channel sa cable, Kapamilya Online Live, iWantTFC online, A2Z Channel 11, at TV5 sa free TV.
Kabilang na rito ang pagbabalik ng singing-reality competition na The Voice Kids, kung saan muli ring uupo bilang coach si Bamboo Mañalac, kasama ang dalawang bagong coach na sina KZ Tandingan at Martin Nievera.
Pinalitan nina KZ at Martin bilang coach ang original coaches na sina Lea Salonga at Sarah Geronimo.
Read: Sarah Geronimo returns to ASAP Natin 'To with remarkable sing-and-dance number
Muli ring magpapasaya sa mga Kapamilya ang singing game show na I Can See Your Voice sa pangunguna pa rin ng host nitong si Luis Manzano.
Sa Primetime Bida, nangunguna ang Dirty Linen na pagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, Jennica Garcia, at Christian Bables.
Ayon sa teaser, nakatakdang mapanood ang Dirty Linen sa January 2023.
Read: Francine Diaz-Seth Fedelin paired in new series with Janine Gutierrez, Jennica Garcia
Sa pagpasok ng bagong taon, panibagong dekalibreng obra ni Fernando Poe Jr., ang Batang Quiapo, ang bibigyang buhay ng actor-director na si Coco Martin.
Makakasama niya sa teleserye sina Charo Santos-Concio, Christopher de Leon, Cherry Pie Picache, Lito Lapid, John Estrada, at ang anak ni "Da King" na si Lovi Poe.
Read: Coco Martin co-stars with FPJ's daughter Lovi Poe in TV adaptation of "Batang Quiapo"
"Kasinungalingan, sikreto, at panloloko," dito iikot ang istorya ng upcoming series nina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman, Ruby Ruiz, at Maricel Soriano na Linlang.
Noong October 21, 2022, unang inanunsiyo ng Dreamscape Entertainment ang reunion project ng ABS-CBN content provider at ng Diamond Star. Ang huling proyekto ni Maricel na iprinodyus ng Dreamscape ay ang The General's Daughter noong 2019.
Pero napanood din si Maricel sa defunct Kapamilya prime-time series na Ang Sa Iyo Ay Akin noong 2021-2022.
Read: Maricel Soriano, Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman topbill ABS-CBN series to air in 2023
Magmula sa tagumpay ng kanilang hit series na He's Into Her at latest movie na An Inconvenience Love, muling magpapakilig sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang fans.
Bibida sila sa teleseryeng Can't Buy Me Love.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na plot at characters ang kanilang upcoming series.
IWANT TFC SHOWS
Dalawang upcoming shows sa iWant TFC ang nakatakdang magbigay-aliw, kilig, at inspirasyon sa mga manonood.
Kabilang na rito ang Drag You & Me na pagbibidahan nina Andrea Brillantes, JC Alcantara, Christian Bables, kasama ang darg queens na sina Precious Paula Nicole, Vinax Deluxe, at Brigiding.
At ang iWant TFC youth series na Teen Clash nina Markus Paterson, Jayda Avanzado, at Aljon Mendoza.
MOVIE
Handog din ng ABS-CBN Films ang bagong pelikula na Love on a Budget, na pagbibidahan ni Carlo Aquino at Metro Manila Film Festival 2020 Best Actress na si Charlie Dizon.
OTHER OFFERINGS
Mula sa ABS-CBN International Production, ang inaabangang suspense-drama international series na Cattleya Killer ni Arjo Atayde ay mapapanood na rin sa Kapamilya network sa 2023.
Read: Arjo Atayde’s co-stars in Cattleya Killer revealed; GMA-7 actor is joining cast
Samantala, bilang paggunita sa ika-60 taon sa industriya ni Star for All Seasons Vilma Santos, inihahandog ng ABS-CBN ang mga espesyal at eksklusibong palabas kabilang na ang one-on-one interview nito kasama si Boy Abunda.
Nakatakda ring ipalabas ang Miss Universe 2022, live mula sa United States sa iba’t ibang broadcast platform ng ABS-CBN sa January 15, 2023.