IC Mendoza, Bianca King, and MJ Marfori to host TV5's new talk show, Showbiz Konek Na Konek

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng morning block ng TV5, mapapanood na simula Lunes, April 6, ang pinakabago nilang showbiz-oriented show na Showbiz Konek Na Konek. Magsisilbing hosts ng show sina (L-R) IC Mendoza, Bianca King, at MJ Marfori.



Simula sa Lunes, April 6, 11 a.m., mapapanuod na sa TV5 morning block ang pinakabagong showbiz talk show ng istasyon—ang Showbiz Konek Na Konek.

Layon ng TV5 na makapagbigay ng alternatibong palabas sa umaga kung saan mga latest na balitang showbiz ang ihahain sa mga nanay at mga kabataang nais makaalam ng mga balita tungkol sa kanilang mga idolo.

May bago ring tandem na susubukan ang TV5 sa mga hosts nito—sina IC Mendoza, MJ Marfori, at Bianca King.

Eksklusibong nasilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng pilot episode ng show nitong nakaraang Biyernes, March 27.

Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP kay Bianca, inamin niyang matagal na daw niyang pangarap ang mag-host sa isang talk show.

Aniya, “Matagal ko na talagang gusto na mag-host ng talk show.

“Kahit anong talk show naman, e, pero mas challenging na showbiz ang topic kasi artista din ako so alam ko rin yung pakiramdam ng mga artista na iniintriga.

“So very careful din ako but at the same gusto ko rin namang ipakita yung totoo kong kulay na updated naman ako sa tsismis.”



YOUNG AND FRESH. Ayon naman kay MJ, mas maganda daw ang tandem nilang tatlo dahil refreshing daw ito para sa isang showbiz talk show.

Ani MJ, “Maganda, ang ganda nun, its refreshing, its natural, hindi ko naman sinasabi na hindi natural yung iba.

“Pero yung kami yung sinasabi ko, napakanatural, seamless.

“Walang kiyeme, kiyeme. Hindi siya stiff."

Wala rin naman daw conflict ang kanyang pagiging host sa show sa regular na trabaho nito sa news department.

Dagdag pa niya, “Naintindihan naman ng news department kasi dito sa TV5 alam mong coordinated naman ‘yan.”

Sa kabilang banda, sinabi naman ni IC na may nabuo na agad silang magandang rapport ni MJ at Bianca.

Kuwento pa niya, “ Natutuwa ako kasi iba-iba kami ng style.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy ako na si Bianca ang kasama dito para may voice din yung mga artista.

“Si MJ naman masaya rin kasi ang tagal na naming friends pero never pa kami nagkatrabaho sa showbiz talk show which is pareho naming forte.

“Masaya yung tandem.”

Hindi na bago si IC sa paghu-host sa mga talk show na katulad nito. Una niyang ginawa ang Juicy na sinundan ng Ang Latest na parehong umere sa TV5.

Araw-araw nang mapapanood ang show simula sa Lunes, April 6. Ano ang bago niyang atake sa Showbiz Konek Na Konek?

Lahad ni IC, “Mas ready na ako mag-tackle ng mga balita na seryoso. Mas hard hitting, kasi dati-dati puro chika-chika, mga baklaan.

“I think ngayon ready na ako mag-handle ng mabibigat na kuwento.”

Kabilang sa mga regular segments ng show ang Kanto-nong, Entertainment Round-up, I.C.U., Tweet Hearts, Throwback U, T.G.I.F. (Thank God It’s Fashion), at Guess Who?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN