Watch Now

Joee Guilas: The banker who never gave up on dream as broadcaster

by Rommel Gonzales
Jan 20, 2023
Joee Guilas is a PTV 4 anchor
After making bold moves in his career, Joee Guilas is now enjoying the best of both worlds. He's the corporate communication head of a hotel, and, at the same, a PTV 4 anchor.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Matagal nang pangarap ni PTV 4 news anchor Joee Guilas ang maging newscaster.

"Bata pa lang ako, sinusuot ko yung Amerikana ng tatay ko tapos nagpo-pomada ako. Gusto ko talagang maging newscaster, e," umpisang kuwento ni Joee sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 29, 2022, sa Garden Cafe ng Resorts World Manila.

Ang newscaster na hinangaan niya ay si Harry Gasser ng Newswatch, ang sikat na Channel 9 news program noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Idolo rin ni Joee ang kanyang ama, na isang photo journalist noon para sa Philippine Herald.

Pagbabalik-tanaw ni Joee, “Bata pa lang ako, na-expose na ako sa media work. So sabi ko, iyon din ang gusto ko."

Pero tutol ng kanyang ina, na pinaalala sa kanya ang standards ng telebisyon pagdating sa looks.

Kaya sa interview niya with Stylemnl.net, tinagurian ni Joee ang sarili na "ugly duckling."

May isa pang rason ang ina ni Joee kung bakit ayaw niyang pumasok sa broadcasting ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Joee sa recent interview sa PEP.ph, "Unfortunately, my mom didn’t want me to pursue broadcasting or journalism. Siguro dahil na-experience niya sa father ko, ‘Naku anak, hindi tayo yayaman diyan!’"

Dahil dito, kumuha si Joee ng kursong Economics sa University of the Philippines (UP), and ito ang kanyang tinapos.

“Naturally ang kakabagsakan ko nun is siguro trabaho sa bangko, ganyan, but I didn’t want that.

“So ang nangyari, talagang after kong mag-finish ng college, saka siguro after spending about a year banking industry, umalis din ako dun."

START OF BROADCASTING CAREER

Noong Enero 2020 lang nagsimula si Joee bilang news anchor ng PTV 4, pero nag-umpisa ang kanyang broadcasting career sa ABS-CBN noong 1991.

Nagtrabaho si Joee bilang segment producer ng programang Magandang Gabi Bayan (MGB) ni Noli de Castro.

Paano siya nakapasok sa MGB?

Kuwento ni Joee sa PEP.ph, “Meron akong best friend na nasa Magandang Gabi Bayan siya, tapos pumasa siya ng College of Law so he had to leave his job. Ni-refer niya ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa’t kalahating taon siya sa MGB, at kahit na creatively challenging ang behind-the-camera work niya sa programa, hindi niya matalikuran ang kanyang passion para sa news.

Nang mag-resign siya sa MGB ay nakakita naman ng bagong opportunity si Joee.

Paglalahad niya, “Nagbukas yung ABC 5, at nagkaroon ako ng opportunity na okay.

"Puwede na akong hindi behind the camera, so ita-try ko maging reporter doon. I applied with ABC 5, I got accepted as a business reporter.

"That’s where I stayed for about four years.”

Naging parte siya ng The Big News at Balitang Balita ng noon ay ABC 5, na TV5 na ngayon.

“Tapos si Tina Monson-Palma kinda discovered me, na tipong, ‘Puwede kang mag-on-cam.’

“So binigyan niya ako ng chance na mag-on-cam. We did a show together in ABC 5 called Business Matters, iyon yung first on-cam job ko.

“After that, news breaks sa ABC 5 din."

Pero matapos ang apat na taon sa ABC 5 ay kinausap daw siya ni Noli de Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Biglang kinausap ulit ako ni Kabayan, sabi niya, ‘Oy originally taga-ABS ka, bumalik ka dito.’ Pinabalik niya ako.

“Sabi naman niya, ‘O dito bibigyan ka na namin ng break.

“Originally ang unang pasok ko sa ABS nung bumalik ako, malaki ang assignment ko, e, Malacañang reporter. In-assign kaagad ako sa Presidential beat.

"Pagkatapos, unti-unti binigyan nila ako ng sarili kong show, yung Stock Market Live, kasi nga business, sa ANC.

"So reporting ako sa ABS tapos nag-a-anchor ako sa Stock Market Live."

JOINING THE CORPORATE WORLD

Hindi naman akalain ni Joee na ang kanyang on-cam work ang siya ring magbibigay ng oportunidad na pasukin niya ang corporate world.

Paliwanag niya, “Sa business, sa corporate world, lalo na yung ganitong posisyon, Corporate Communications, PR, we are always on the lookout for young talents na galing sa television, or galing sa print na very promising.

"Kasi sila yung mga effective na mag-PR talaga e, kasi nandun na sila sa industriya. I got offered by another bank this time, sabi sa akin, ‘Mag-corporate job ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was offered the position of assistant vice president at [the age of] twenty-seven. That was, yung dating Solid Bank."

Pinag-isipin niyang mabuti ang offer.

“So sabi kong ganyan, ‘Okay.’ Samantalang kung mag-i-stay ako sa television, I’m getting my on-cam position, pero how long will it take me to be an AVP of any unit?

“So accepted, I had to leave ABS. Iyon medyo natigil yung broadcasting career ko.”

Habang nasa banking industry siya ay may mga TV networks na kumakausap sa kanya kung interesado siyang bumalik sa TV.

“However gusto nila i-drop ko yung aking corporate job, ‘You can’t serve two masters’. E sayang naman yung position ko, so hindi ko na nabitawan yung corporate job ko, dun na ako nagtagal.”

Nakailang bangko ring pinagtrabahuhan si Joee.

“[Noong] 2017, I left banking. Sabi ko magre-retire na ako, pero hindi, tinawag naman ako ng Resorts World Manila para dito mag-head ng Corporate Communications.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko na sana, e. Sabi ko, after nung corporate career ko, retired na ako, gagawin ko na ulit ang television. Babalik ako kasi nakaipon na naman ako, puwede ko ng balikan ang passion ko."

coming back to television

Suwerte naman si Joee na nagkaroon siya ng pagkakataong makabalik sa mundo ng telebisyon.

Pagtuloy niya, “Pagdating ko dito [sa Resorts World Manila], payag naman yung presidente namin dito, very supportive na, ‘Sige kung gusto mo ng television, mag-TV ka.’

“Sakto panahon ni President Duterte nung 2020, sinabihan ako ni Rocky Ignacio, ‘Joee, kailangan namin ng nakakapag-Ingles.’

"Kasi karamihan ng anchors ngayon, Tagalog ang salita, ‘Kailangan namin ng nag-i-Ingles.

“Iyon, that was easy, nakuha ko yun.”

Si Rocky ay isang anchors sa PTV 4 at dating communications undersecretary.

Limang taong nagtatrabaho si Joee sa Resorts World Manila at dalawang taon sa PTV 4.

Umaalis siya ng bandang alas sais sa Resorts World Manila sa Pasay City para umabot sa 9:30 p.m. newscast niya sa PTV 4 studio na nasa Visayas Avenue sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng writer na ito kay Joee, mabuti kinakaya niya iyon sa kabila ng matinding traffic halos araw-araw.

“Skyway,” ang bulalas ni Joee.

“Yung traffic nabe-bear ko, ang ano ko dun yung cost ng Skyway,” at tumawa si Joee.

“Honestly yung kinikita ko sa PTV pambayad lang talaga sa Skyway,” at muli siyang tumawa, “At saka sa gas."

Pagseseryoso naman ni Joee, “But, you know, if it’s your passion, it’s something na I’m willing to do for free.

“Ang fulfillment ko every single day at iyon yung sinasabi kong dahilan kung bakit ako gumigising tuwing umaga. Kasi every single day, people will always look forward to whatever the government is going to say.

“Let’s face it, PTV 4 is the government’s mouthpiece.

“Lalo na nung panahon ng 2020-2021, COVID-19, kapag oras ng kagipitan, ang tao ang unang hihintayin, ano ang sasabihin ng gobyerno. Nakaantabay sila dun.

"So alam ko yung responsibility na yun. At kung anuman yung ise-share ko sa kanila, alam kong magiging bahagi iyon ng desisyon nila, ng buhay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And to have that power, to be a part of their decision-making is what fulfills me. Na dapat mai-lead ko sila sa tamang desisyon.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After making bold moves in his career, Joee Guilas is now enjoying the best of both worlds. He's the corporate communication head of a hotel, and, at the same, a PTV 4 anchor.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results