Dina Bonnevie plays gangster head in "Babangon Ako't Dudurugin Kita"


"I love my character here, a gangster mama, pero hindi ko naman akalain na at my age, papatakbuhin pa ako ni Direk at papabarilin. Takot pa naman ako sa baril. Pero how can I refuse? I'm a gangster!" gushes Dina Bonnevie about her role in the upcoming GMA-7 Sine Novela, Babangon Ako't Dudurugin Kita.


Balik-Kapuso si Dina Bonnevie with her participation sa upcoming soap ng GMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita starring Yasmien Kurdi, Marvin Agustin, JC de Vera, and Angelika dela Cruz. Last soap niya for GMA-7 was Narito Ang Puso Ko with Jolina Magdangal.

Sa TV version ng dating Sharon Cuneta-Hilda Koronel movie, papel ng veteran actress na si Mona Lisa as the gangster head ang natoka kay Ms. D.

"Bigger lang kaysa sa movie," bida ni Ms. D tungkol sa kanyang character nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang room ng Divine Grace Hospital sa Tanza, Cavite, kung saan kinukunan ang ilang eksena.

"That's the difference between a movie and a soap, mas mahaba kasi ang soap so the writers can flesh out the character more. We're given three-dimensional characters," saad pa ni Dina.

First time siyang gaganap ng isang gangster head and she is very excited about it. Kaya lang ay naloloka siya sa mga pinagagawa sa kanya ng kanilang director na si Joel Lamangan.

"I love my character here, a gangster mama, pero hindi ko naman akalain na at my age, papatakbuhin pa ako ni Direk at papabarilin. Takot pa naman ako sa baril. Pero how can I refuse? I'm a gangster!

"Ang hirap ng katatapos lang naming eksena sa may quarry, tumatakbo ako at bumabaril," kuwento ni Dina.

PLAYING NIDA. Dahil remake ng Viva movie ang comeback soap niya, nabanggit namin kay Ms. D na isa sa next in line na magiging Sine Novela ng GMA-7 ay ang kanyang sariling movie noon, ang Magdusa Ka.

"Yeah, I heard nga. Binili rin daw," sagot ng mommy nina Danica at Oyo Sotto.

We asked Ms. D if she doesn't mind remaking her old movies.

"Mas gusto ko yun, kasi it means classic ang movies na mga nagawa ko," sabi niya. "Ang request ko lang, sana i-consider ako sa papel ni Ms. Nida Blanca. I'm at the right age."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The late Nida Blanca had her grand-slam win for Best Supporting Actress award dahil sa pagganap niya sa Magdusa Ka, winning all the trophies from Urian, Star Awards for Movies, Film Academy of the Philippines, and FAMAS in 1986.

Sinabi pa ni Ms. D na gusto niyang ma-remake din ang isa pa niyang pelikula noon, ang Gumapang Ka Sa Lusak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN