Mike Tan tackles first serious gay role in earnest: "Nanginginig ako kasi sobrang bigat."

Mike Tan finds working with Marian Rivera the second time around more comfortable, "Hindi kasi ako lumalapit sa isang artista kapag may ginagawa sila. 'Tapos, siya yung tumawag sa akin, sabi niya, 'Hi Mike.'"


Magkapatid ang karakter na ginagampanan nina Mike Tan at ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa bago nilang primetime series sa GMA Network, ang The Rich Man’s Daughter.

Kung si Marian ay tomboy sa bago niyang serye, si Mike naman ay isang bading.

Unang beses daw na gagampanan ni Mike ang bading na karakter.

“Yung dati kasi, like sa Maynila, parang playful na bading. ‘Eto, seryoso.

"Every time na umaarte ako, nanginginig ako kasi sobrang bigat.

"Sa taping, sinusubukan ko talagang i-outcast ang sarili ko kasi black sheep ako ng family.”

Nasabi na niya noon na tila ang karakter ng isang bading ang parang hindi siya kumportableng gawin.

“Hindi, kaya kong gawin ang bading na role. Ang parang hindi ko kayang gawin yung scene with the man.”

Magkaroon ba siya ng ganoong eksena?

“Actually, nakunan na!” natawa niyang sabi.

“Parang face-to-face lang, talent yung kaeksena ko.

"Very awkward yung eksena. Magkaharap kami na talagang magkalapit yung mukha namin, parang magki-kiss na."

Paano kung sinabi ng direktor nila sa teleserye na kailangan niyang magkaroon ng kissing scene?

“So far, wala pa naman kaming napag-uusapan, so hindi ko muna naiisip yun.

"Kung sakali, siguro kailangan ko ng explanation kung bakit.

"Siyempre, sa ngayon, mahirap kasing magsalita ng patapos.

“Sasabihin ko hindi ko kaya, pero makikita ng televiewers ginagawa ko na.

"Through the years, yun ang na-realize ko, sasabihin kong hindi ko kaya, hindi ako ready... parang ang gulo-gulo kong kausap minsan.

"Kung mangyayari, mangyayari siya. Hindi ko rin naman pinipigilan ang sarili ko.

"Kailangan ko lang talagang maging open.”


COMFY WITH MARIAN. Ikalawang beses pa lang daw niyang makatrabaho si Marian. Ang una ay sa Marimar pa.

Sabi nga ni Mike, “Yung pag-uusap namin, at first medyo naiilang pa ako.

"Of course, she’s our primetime queen.

"Matagal na rin kaming hindi nakakapag-usap. Pero ngayon, habang tumatagal…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa si Marian, kasi ginagawa niya talagang kumportable ang artista sa kanya.

“Alam na niya ang notion sa kanya na parang naiilang sa kanya ang mga artistang makausap, tinatanggal niya yun.

“Yung nangyari sa amin noong huling taping, hindi kasi ako lumalapit sa isang artista kapag may ginagawa sila.

"'Tapos siya yung tumawag sa akin, sabi niya, 'Hi Mike.'

“So, nakakagulat at saka nakakatuwa.

"Actually, yung paglapit ko nga sa kanya, 'Hi Marian, sorry.'

"Akala ko kasi, may ginagawa pa siya.”


CHALLENGING ROLE. Kapatid nga ni Marian ang karakter niya sa The Rich Man's Daughter, pero hindi ba niya naiisip na sana sa puntong ito, puwede na rin siyang maging leading man nito?

Saad ni Mike, “Hindi ko rin naman siya winish, hindi ko rin naman inisip kasi ang ganda ng role ko.

“I love my role, it’s very challenging for me, kasi hindi pa ako nakapag-portray ng ganitong klaseng role.

"Kung ang leading man naman niya kasi is si Luis Alandy, I think, mas nag-fit siya sa role.

“Ako kasi, mas nagustuhan ko yung role.

“Actually, kung anuman ang ibigay sa akin ng GMA. Ang target ko lang naman, mabigyan ng justice yung character.

“It’s very interesting and very challenging for me kasi paano ko ba masasabing discreet ang isang bading.

"Hindi ko alam, kailangan ko siyang gawan ng paraan or gawan ng research.

“At the same time, hindi rin dapat makita ng televiewers na bading si Paul, which is my character.

"Although alam ng family niya na bading siya, hindi siya tanggap ng family niya.”

Yung challenge daw ng karakter niya ay acceptance sa pagkatao niya at ang pagiging vengeful naman niya sa karakter ni Marian.

“Si Marian kasi ang nagbuking sa kanya sa family, 'tapos si Marian din pala ay isang lesbian.

"Parang ganun ang magiging takbo ng story."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN