Watch Now

GMA-7, ABS-CBN, Viu release teaser for "unexpected" collaboration

by Khryzztine Joy Baylon
Jan 20, 2023
ABS-CBN, GMA-7, Viu collaboration
TV network giants GMA-7 and ABS-CBN announce that they are doing a joint project that "nobody expected" with Viu through a video teaser on Friday, January 20, 2023.

Kumpirmado na ang pagsasanib-puwersa ng pangunahing rival networks sa bansa — ang GMA-7 at ABS-CBN — para sa isang proyekto kasama ang streaming platform na Viu.

Ngayong Biyernes, January 20, 2023, naglabas ng 16-second video teaser ang GMA-7, Dreamscape Entertainment, at Viu sa kani-kanilang social media accounts.

Mababasa sa kanilang caption (published as is): “A collaboration that nobody expected is about to happen!”

Wala pang ibang detalyeng ibinigay maliban sa petsa kung kailan nila ito dapat abangan.

“Unbreaking this, January 23, 2023. 12 noon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtutugma ito sa nauna nang naiulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), noong January 13, 2023, tungkol sa pagbabalik-tambalan nina Jodi Sta.Maria at Richard Yap sa teleseryeng Unbreak My Heart.

Ayon pa sa reliable source ng PEP.ph, makakasama rin nina Jodi at Richard sa cast ang Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia at Kapuso star na si Gabbi Garcia.

Read: Collab ng GMA-7 at ABS-CBN tampok sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, tuloy na

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong magsanib-puwersa ang GMA-7 at ABS-CBN.

Noong April 5, 2022, naganap na rin ang historic contract signing ng dalawang networks para sa kanilang partnership na pagpapalabas sa Kapuso network ng mga pelikulang gawa ng Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya network.

Read: GMA-7 open to ink more partnership deals with ABS-CBN after Star Cinema collaboration

Tampok din ngayong 2023 sa GMA-7 offerings ang mga dekalibreng pelikula ng Star Cinema gaya ng A Second Chance starring Bea Alonzo and John Lloyd Cruz; Crazy Beautiful You by Daniel Padilla and Kathryn Bernardo; My Ex and Whys of Liza Soberano and Enrique Gil; Love You to the Stars and Back starring former love team partners Joshua Garcia and Julia Barretto, Seven Sundays starring Aga Muhlach, Ronaldo Valdez, Dingdong Dantes, Enrique Gil, and Cristine Reyes; Vice Ganda's The Amazing Praybeyt Benjamin; at ang classic-horror film na Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Voltes V: Legacy, Lolong book 2, LUV IS: Caught in His Arms lead GMA 2023 offerings

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV network giants GMA-7 and ABS-CBN announce that they are doing a joint project that "nobody expected" with Viu through a video teaser on Friday, January 20, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results