Watch Now

Soliman Cruz finds redemption after voluntary drug rehab

by Melba R. Llanera
Jan 21, 2023
Soliman Cruz top-bills To The North
Soliman Cruz finds redemption after slaying his personal demons. The award-winning actor finally overcame his drug addiction after his voluntary rehab, and eventually earned his long-overdue global acting recognition via the Romanian flick, To The North, last year.
PHOTO/S: courtesy of QCinema2022

Malaki ang utang na loob ng award-winning actor na si Soliman Cruz sa kanyang pamilya at mga kaibigan para matalikuran ang masalimuot niyang karanasan sa pinagbabawal na gamot, at sa muli niyang pagbangon at pagsimula muli sa maayos na pamumuhay.

Marami ang natuwa nang makabalik sa industriya ang dekalibreng aktor matapos ang tatlong taon sa rehabilitation center para magpagamot.

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Soliman sa nakaraang media conferance ng seryeng Dirty Linen na ginanap sa Dolphy Theater nung nakaraang January 17.

Pagpapasalamat niya, "Dahil sa pamilya, sa mga kaibigan na hindi ako binitawan, na naniwala pa rin sa akin. Di ko yun magagawa mag-isa, di sila sumuko sa akin."

SOLIMAN OWES NEW LEASE IN LIFE TO SELF-IMPOSED REHAB

Ayon kay Sol, pumasok siya ng rehabilitation center noong 2015 para magpagamot dahil alam niya na nangangailangan siya ng propesyonal na tulong.

Kuwento niya, "Nagpagamot ako, di ako makakabalik kung di ako nagpagamot saka naniniwala naman kami na ang adiksyon ay sakit kaya mayroong lunas. Matagal lang, talagang napakatagal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo ng betaranong aktor, umiwas sa paggamit ng pinagbabawal na gamot dahil sisirain talaga nito ang buhay ng isang tao.

Diin niya, "Don't do drugs. Gaano ka-rampant? Di ako puwedeng magsalita tungkol diyan, magsasalita lang ako tungkol sa sarili ko. Basta wag subukan, impyerno."

Labis din ang pasasalamat ni Soliman na hindi naging madamot sa kanya ang industriya sa kanyang pagbabalik at sa pagbibigay ng pagkakataong maipakita muli ang kanyang talento sa pag-arte.

Aniya, "Kasi ang industriyang ito, di sila mapanghusga. Nauunawaan nila na may pagbagsak, pagbangon. Di sila nagsasarado ng pintuan."

SOLIMAN ON AWARD-WINNING STINT IN INT'L MOVIE, TO THE NORTH

Noong 2021 ay hinangaan at binigyan ng standing station si Soliman sa Venice Film Feestival dahil sa husay na ipinakita niya sa Romanian film na To The North.

Ayon sa aktor, masarap sa pakiramdam na makapagbigay ng karangalan sa bansa at mabigyan ng pagkakataong makagawa ng isang international film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di ko naman inisip, pero nakakaiyak sa saya. Ako ay nagpapasalamat na nakakapagbigay ako ng karangalan sa bansa.

"Iba rin silang katrabaho. Intense, very intense, saka may ensayo dun bago mag-shoot.

"Tatlong linggo kaming nag-eensayo bago kami mag-shoot.

"Saka dun per hour ang bayaran, kaya kailangan doble ang husay mo kasi per hour. Eight hours lang 'tapos dalawa, tatlong eksena sa isang araw."

SOLIMAN WANTS TO WORK WITH JOHN LLOYD

Kung mabibigyan daw siya ng chance, gustong makatrabaho uli ni Soliman ang aktor na si John Lloyd Cruz na isa sa hinahangaan niyang aktor.

"Sana nga magkatrabaho uli kami. Nagkatrabaho kami sa Maging Sino Ka Man. Iba yung passion niya. Saka nagkikita kami sa mga exhibitions, mahilig siya sa arts. Nagtetext-text."

Sa ngayon ay bahagi si Soliman ng upcoming serye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment, ang Dirty Linen.

Mapapanood ito simula sa January 23, 9:30 ng gabi at kabilang sa cast ang mga mahuhusay na aktor at aktres tulad nila Tessie Tomas, John Arcilla, Janice de Belen, Angel Aquino, Epy Quizon, Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Masaya dahil naging bahagi ako ng ganitong klase ng cast.

"Ang role ko dito ay chief of police ng bayan ng El Hambra. Marami akong alam na lihim ng mga tao lalo na ng pamilya Fierro.

"Mainam naman, lahat nagtatrabaho at nakatuon sa mga eksena. May panahon ng pagbibiro, may panahon ng trabaho. Malinaw na malinaw yun. Pag trabaho, trabaho talaga. Lahat very professional," pagmamalaki niya.

SOLIMAN ATTRIBUTES ACTING SUCCESS TO THEATER TRAINING

Bukod dito ay abala din si Soliman sa pagtuturo sa teatro na aminado siyang may espesyal na pitak sa puso niya.

"Ngayon ang pinagkakaabalahan ko ay ang pagtuturo ng teatro. Nagtuturo ako ng mga bata, iba yung saya.

"Last year, last December nakagawa ako ng play. Sa Sabado naman magwu-workshop ako. Wala pang play, series of theater workshops pa lang."

"Mahal ko ang teatro kasi kaya naman ako nakuha sa telebisyon at pelikula, dahil sa teatro. Dun ko nakuha yung skills," kuwento pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Soliman Cruz finds redemption after slaying his personal demons. The award-winning actor finally overcame his drug addiction after his voluntary rehab, and eventually earned his long-overdue global acting recognition via the Romanian flick, To The North, last year.
PHOTO/S: courtesy of QCinema2022
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results