GORGY RULA
Todo full blast na ang NET25 ngayong 2023!
Bukod sa mga nasimulang programa noong 2022, may mga bago pang aabangan, na ang iba ay ipu-produce ng ibang media production.
Isa na rito ang sitcom na Good Will ng ALV Productions, Viktory 8 Media Productions at Dark Carnival Productions.
Tampok dito sina Raymond Bagatsing, Devon Seron at David Chua. Kasama rin nila rito sina Smokey Manaloto, Ryan Rems, James Caraan, at Kat Galang, with the special participation of Marina Benipayo.
Si David ang bumuo ng naturang project sa ilalim ng Dark Carnival Productions na pag-aari niya.
Personal niyang kinuha bilang direktor ng naturang sitcom si Ian Loreños na nagdirek sa kanya sa Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Sabi ni David, nagkasundo sila ni Direk Ian noong ginagawa nila itong serye ng Regal Studio at GMA-7.
Doon daw nila nabuo ang actor/director relationship at napapag-usapan nila itong Good Will.
“That’s true! Because of our past work, we’ve gotten to a level of affinity where we can read each other’s minds, and na-anticipate na namin yung tamang atake sa isang eksena.
“Kaya siya na po talaga ang naisip kung magdirek sa first production namin na collaboration sa NET25,” pakli ni David.
Mapapanood na ngayong January 22, Linggo ng 4:00 pm ang Good Will sa NET25. Pagkatapos nito ay susunod ang bagong episode ng Korina Interviews kung saan silang tatlong bida ng Good Will ang makakapanayam ni Korina
JERRY OLEA
Congrats kina David, Raymond at Devon sa bagong TV show nila pagsapit ng Chinese New Year!
Siyempre pa, maraming kaganapan sa Binondo, Manila this weekend — Dashing Through Chinatown!
This Sunday rin ang highlights ng Dinagyang Festival sa Iloilo City, mula 8:00 am hanggang 12:00 mn. Hala bira! Viva, viva Santo Niño!
Ang kaibigang actor-director-producer na si Atty. Vince Tañada, may payanig din this Sunday.
Post ni Atty. Vince sa Facebook, “KAILANGAN NATIN NG BAYANI, yung totoo, yung hindi gawa-gawa, yung hindi pinorma para mabago ang imahe ng pamilya, yung bunga ng masusing research ng mga akademiko't iskolastiko, yung pinag-aralan ng mga historians, yung subok ng bawat Pilipino noon at ngayon!
“Kung gusto niyong malaman ang Katotohanan, sa January 22, sa ganap na 7:00 ng gabi, lalabas sa lahat ng Social Media Platforms ang Grand Reveal ng Title, Trailer at Full Cast ng bagong Pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan. Abangan!”
At sa Enero 23, unang Lunes ng Year of the Water Rabbit, 4:05 pm ang buena mano ng Fast Talk with Boy Abunda sa GMA-7, samantalang ilaladlad na ang Dirty Linen by 9:30 pm on A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, TFC, and iWantTFC.
NOEL FERRER
Good luck sa Good Will at sa bagong project ni Atty Vince Tañada!
Speaking of payanig sa Chinese New Year, may bubuksang exhibit ang National Artist BenCab bukas sa Secret Fresh sa Magallanes entitled FIGURA, at itinaon talagang Chinese New Year ang opening para super-swerte talaga!!!
I’m sure marami pang ibang maswerteng palabas at activities bukas. Nakakatuwa lang na mas positive ang vibes ng lahat ngayong Year of the Rabbit kaysa sa patapos nang Year of the Tiger!