Watch Now

Francine Diaz on Seth Fedelin: "We're getting to know each other"

by Melba R. Llanera
Jan 22, 2023
Francine Diaz
Seth Fedelin
Francine Diaz on status of relationship with Dirty Linen love interest Seth Fedelin: "Okay naman, parang we're still at that stage na getting to know each other. I think yun yung special sa aming dalawa. We're getting to know each other."

Ang seryeng Dirty Linen ang magsisilbing launching ng tambalang FranSeth o Francine Diaz at Seth Fedelin.

Si Francine ay dating miyembro ng grupong Gold Squad kung saan kapareha niya si Kyle Echarri (KyCine), habang si Seth naman ay ipinareha kay Andrea Brillantes (SethDrea).

Naging masalimuot ang paghihiwalay ng dalawang tambalan dahil nung mabuwag ang tambalang SethDrea ay may mga naugnay sa fall-out ng naturang loveteams.

Sa media conference ng Dirty Linen na ginanap sa Dolphy theater ng ABS-CBN nung nakaraang January 17, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Francine kung hindi ba siya nakaramdam ng takot o kaba na baka hindi tanggapin ng iba ang tambalang FranSeth.

Lahad niya, "Actually, nalaman ko lang din, na-discover ko lang din sa sarili ko na prepared na ako na maka-work din si Seth and kung anuman ang sabihin ng mga tao habang ginagawa na rin namin ang show.

"Siyempre nung in-offer sa amin, nandun yung kaba and yung doubt sa aming dalawa ni Seth, siyempre sa magiging eksena namin sa sa magiging reactions ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Habang ginagawa naman yung show alam ko na prepared na ako sa kung anuman ang ibabato nila sa akin."

FRANCINE ADMITS BEING PRESSURED BY NEW ROLE

Ayon kay Francine, ang kaba niya ay hindi dahil baka hindi sila tanggapin ng mga fans kundi baka di nila magampanan ang mga karakter na pinagkatiwala sa kanila ni Seth sa Dirty Linen.

Pag-amin niya, "Kinabahan ako, but yung takot di naman dahil sa fans. Yung takot was baka hindi namin magawa na ayos yung work namin, baka ma-disappoint namin sila Sir Deo [Endrinal, Dreamscape Entertainment head].

"Siyempre di lang ito basta-basta na serye na binigay sa amin, talagang kailangang paghandaan din. Mas more on sa ganun."

FRANCINE MOVES ON FROM GOLD SQUAD FALL-OUT ISSUE

Nung kasagsagan ng pag-amin ni Andrea na nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon ni Seth kung saan nadamay ang pangalan ni Francine, inulan ng katakot-takot na pamba-bash ang Kapamilya actress mula sa mga SethDrea fans. Aminado si Francine na sobra niyang kinalungkot ang mga nangyari noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Di naman sa iniyakan but like sobra lang akong nalungkot and I felt so disrespected, kasi ang dami nilang sinasabi na di naman totoo.

"Siyempre I didn't get the chance to defend myself na sa sarili ko talaga nanggagaling. But it's in the past na, move on na naman tayo dun, yun lang."

Pinagpapasalamat din ni Francine na buo ang suporta at pinagtanggol siya ng ina sa pambabatikos na tinanggap nung mga panahon na yun.

Dagdag pa niya, "I think we all know naman kung ano ang ginawa ng mom ko. Di naman siya bad coz siyempre nanay and of course my other relatives din. Lahat naman nanggaling din dahil sa pagmamahal nila sa akin, sa pag-aalaga.

"They know me so well kasi kaya ganun ang reaction nila, but like I've said, it's in the past so move on na. Talagang prinotektahan lang ako and they make sure na hindi talaga ako masyadong nakakakain ng mga hate comments."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FRANCINE SAYS FRIENDSHIP WITH GOLD SQUAD STILL INTACT

Siniguro rin sa amin ni Francine na sa kabila ng mga intriga at pagsubok sa Gold Squad ay napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan kahit wala na silang komunikasyon sa ngayon kila Kyle at Andrea.

Pagklaro niya, "I wouldn't say best friend talaga kami. Friends naman. Kaming apat talagang magkakaibigan nun.

"Siyempre habang lumalaki talaga, siguro may mga moments in life na kailangan niyong magparte ng mga tatahakin niyo. But yeah, friends naman kami ever since.

"I mean, friends naman kami, parang di naman nawala yung connection na yun kasi from the beginning magkaibigan naman kami and I don't think nawala yun.

"Communication? Wala na but we're on good terms."

FRANCINE STILL "GETTING TO KNOW" SETH

Nang kumustahin naman namin ang estado ng relasyon nila ni Seth sa ngayon, klinaro naman ni Francine na sa ngayon ay mas kinikilala pa nila ng aktor ang isa't isa at mas pokus siya sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglinaw niya, "Okay naman, parang we're still at that stage na getting to know each other. I think yun yung special sa aming dalawa. We're getting to know each other.

"Manligaw? As of now talagang work and we're professionals. Work is work and that's it."

At dahil focused sa kanyang career, masaya si Francine at para sa kanya ay katuparan ng isang pangarap na makasama siya sa cast ng Dirty Linen.

"Lagi kong sinasabi ito from the very beginning, fan ako ng sarili naming show kasi from the cast and the story, yung set design, lahat, parang namamahanga ako.

"Sabi ko nga kay Seth, 'Sure ba sila na kinuha nila tayo dito? Sure ba sila na pinasama tayo sa cast na ito kasi sobrang gagaling nila?' I am very, very happy and I feel very blessed."

FRANCINE ADMITS JITTERS WITH DIRTY LINEN ROLE

Aminado rin si Francine na sa tuwing sasalang sila sa mga eksena ni Seth sa Dirty Linen ay nandun lagi ang kaba dahil bukod sa nasanay sa mga romcom projects ay napahinga siya ng matagal sa paggawa ng drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin niya, "Actually, sobrang kabado ako siyempre kasi parang ang tagal ko ring nagpahinga talaga sa drama na serye. Before Dirty Linen, ginawa ko yung Bolabola na romcom and very light lang.

"'Tapos, ang bilis ng Dirty Linen. Ang bigat niya. Siyempre kinabahan ako but intimidated sa mga actors ko? No naman. Kaya nga nasabi ko kanina, pinadali nila yung trabaho namin sa Dirty Linen.

"Pressured din kami. 'Ano ba ang ginagawa natin sa mga sarili natin?' Yun nga rin sabi ni Ate, mga overthinkers kami.

"Sa mga eksena namin ni Seth, pagka-cut, 'Direk, okay po ba yun? Gusto niyo isa pa?' Pero siyempre nagtitiwala kami sa mga directors namin, pag in-approve nila, okay na yun."

Gumaganap si Francine bilang si Chiara Fiero, ang magiging love interest ni Seth sa Dirty Linen. Aminado si Francine na nahirapan siya sa role lalo't di naman siya inglesera by nature.

Lahad niya, "Oo nga, ang hirap-hirap. May mga words siya minsan na hindi ako familiar at hindi ko alam kung paano i-pronounce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero siyempre character ko yun, kailangan ko siyang aralin. Yun lang ang hirap ako sa kanya kapag nagtataray siya."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Francine Diaz on status of relationship with Dirty Linen love interest Seth Fedelin: "Okay naman, parang we're still at that stage na getting to know each other. I think yun yung special sa aming dalawa. We're getting to know each other."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results