Watch Now

Julie Anne San Jose shuts down comparison with Judy Ann Santos: “Marami pa po ako kakaining bigas.”

by Arniel C. Serato
Jan 23, 2023
Julie Anne San Jose tells netizen to stop comparing her to Judy Ann Santos
Julie Anne San Jose (left) appeals to a netizen to stop comparing her to Judy Ann Santos (right): "Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kaagad na sinopla ni Julie Anne San Jose ang komento ng isang netizen na nagsabing mas magaling pa siyang umarte kumpara sa award-winning actress na si Judy Ann Santos.

Noong nakaraang Sabado, January 21, 2023, isang netizen ang nag-tweet tungkol sa kanyang akting sa Maria Clara at Ibarra ng GMA-7.

Ayon sa netizen, wala raw panama ang akting na ipinamalas ni Judy Ann noon sa teleseryeng Mara Clara kumpara sa pag-arte ni Julie Ann sa Maria Clara at Ibarra.

Ang Mara Clara ay ang defunct afternoon teleserye ng ABS-CBN na umere noong 1992 hanggang 1997 na nagbigay daan upang makitaan ng galing sa pag-arte si Judy Ann.

Siya ay gumanap sa karakter ni Mara.

Ang Maria Clara at Ibarra ay ang trending primetime show ng GMA-7 ngayon na nagsimulang umere noong October 2022.

Siya ang gumaganap sa karakter ni Maria Clara delos Santos.

Buong tweet ng netizen: “Grabe wlang sinabi si Mara – Judy Ann Santos kay Maria Clara – Julie Ann San Jose. Si Juday magaling lang lumuha pero hindi nakakadala. Si Julie tagos bawat salita! Napakahusay!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julie Anne San Jose answers netizen comparing her to Judy Ann Santos

Kaagad itong kinontra ni Julie Anne.

Ayon sa Kapuso singer-actress, isa si Judy Ann sa mga iniidolo niyang artista sa industriya. Marami pa raw siyang kakaining bigas bago niya maabot ang kagalingan nito bilang aktres.

Kaya nakiusap si Julie Anne na huwag nang gumawa ng ganitong klaseng pagkukumpara.

Buong sagot ni Julie Anne, “Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako, at marami pa po ako kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat [praying hands emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julie Anne San Jose answers netizen comparing her to Judy Ann Santos

Binura naman ng netizen ang kanyang tweet matapos siyang sagutin ni Julie Anne.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose (left) appeals to a netizen to stop comparing her to Judy Ann Santos (right): "Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results