Watch Now

Janine Gutierrez reacts to hilarious memes featuring her photo: "Yung gusto mo lang naman magpromote."

by Khryzztine Joy Baylon
Jan 24, 2023
Janine Gutierrez funny memes
Witty netizens create memes about Kapamilya actress Janine Gutierrez featuring her photos on Instagram for the promotion of her new primetime series Dirty Linen.
PHOTO/S: Janine Gutierrez Instagram/Twitter

Nagbigay-aliw sa netizens ang kumakalat ngayong litrato sa Twitter ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

Ginawan kasi ng iba't ibang memes ng kanyang mga tagahanga ang ilang litratong in-upload niya sa Instagram noong Linggo, January 22, 2023.

Kuha ang mga larawan nang mag-perform ang aktres sa ASAP Natin 'To para i-promote ang bago niyang pinagbibidahang teleserye sa ABS-CBN, ang Dirty Linen.

Kasama ni Janine sa Dirty Linen sina Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, Jennica Garcia, Joel Torre, Christian Balbes, at JC Santos.

Read: Coco Martin's Batang Quiapo, DonBelle series Can't Buy Me Love lead ABS-CBN 2023 offerings

Suot ang white crystal dress, todo-awra si Janine na kunwari stolen shot habang nakasandal sa pader.

Dahil dito, ilan sa mga tagahanga at co-celebrities niya ang napa-"wow" at nagkomento.

Comment ni Darren Espanto, "Grabe naman yan! [fire emojis]."

Love emojis naman ang iniwang komento nina Elisse Joson at Ruffa Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit pa ni PJ Endrinal, "Grabe ka naman sa pa slit!"

Bukod sa mga ito, hindi rin nakatakas sa ilang netizens na i-edit at pagkatuwaan ang kanyang mga larawan.

Sa Twitter nitong Lunes, January 23, 2023, ini-upload ni Janine ang mga natanggap niyang memes.

Mababasa sa kanyang caption, "Yung gusto mo lang naman magpromote ng #DirtyLinen pero kung saan-saan ka na nakarating."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniugnay kasi ng mga netizens ang memes ni Janine habang nag-aabang at sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.

Mayroong memes na nakatayo si Janine sa LRT (Light Rail Transit).

Janine Gutierrez funny memes

Nakatayo sa bus.
Janine Gutierrez funny memes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-aabang ng taxi.

Janine Gutierrez funny memes

Nagbebenta ng lobo.
Janine Gutierrez funny memesAt animo'y problemado na nakatayo sa "dirty kitchen."Janine Gutierrez funny memes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT

Laugh trip ang hatid nito sa kanyang fans.

Sa comments section ng kanyang Twitter post ay bumuhos ang nakakatawang komento ng mga netizen.

Hirit ng isa, “Napakasipag mo talagang magpromote buong terminal napasyalan mo na.”

Biro pa ng isang netizen, “Yung naiwan ka na naman ng driver niyo kaya nagcommute na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang komento pa ng isa, “Dinogshow ka ante. Only in the Philippines.”

Request pa ng isa, “Can Daniella Mondragon with suitcase and Janine meet the Red and White ladies.”

Read: Dimples Romana reacts as Kadenang Ginto character trends with hilarious memes

Hindi ito ang unang pagkatataon na nag-trending si Janine at gawan siya ng memes.

Noong Pasko, December 25, 2022, nag-trending sa social media ang video niyang tuwang-tuwa nang bigyan siya ng cash bilang pamasko ni Annabelle Rama.

Samantala, kasalukuyang pinag-uusapan at nasa top trending topic sa Philippine Twitter ang #DirtyLinen, matapos ang pilot episode nito kagabi, January 23, 2023.

Dirty Linen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Witty netizens create memes about Kapamilya actress Janine Gutierrez featuring her photos on Instagram for the promotion of her new primetime series Dirty Linen.
PHOTO/S: Janine Gutierrez Instagram/Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results