Watch Now

TV Patrol anchors on ABS-CBN-GMA collab: “Di mo akalain.”

by Bernie V. Franco
Jan 25, 2023
tv patrol noli de castro karen davila bernadette sembrano henry omaga diaz
TV Patrol anchors (L-R) Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, and Henry Omaga Diaz make positive comments about ABS-CBN and GMA-7 collaboration. The two media giants are partnering to produce the primetime series "Unbreak My Heart" (inset).
PHOTO/S: ABS-CBNNews

Nagpahayag ng tuwa ang anchors ng TV Patrol, ang Kapamilya primetime news program, kasunod ng announcement ng “historic” collaboration sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

Sa huling "Star Patrol" segment ng TV Patrol nitong Lunes, January 23, 2023, iniulat ang pagsasanib-puwersa ng GMA-7 at ABS-CBN, kasama ang Viu Philippines, para sa teleseryeng Unbreak My Heart.

Ang upcoming primetime series ay pagbibidahan ng Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia at Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Richard Yap.

joshua garcia, gabbi garcia, jodi santamaria, richard yap

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia, Gabbi Garcia topbill GMA and ABS-CBN groundbreaking series "Unbreak My Heart"

Sa ginanap na contract signing at formal announcement para sa Unbreak My Heart, dumalo at nagsama-sama ang executives ng dalawang media giants kasama ang officials ng video streaming service na Viu.

Tinawag ng mga executive ang collaboration na “first for Philippine TV,” “breakthrough partnership,” at “milestone in the industry” dahil ito ang unang major collaboration ng dalawang Philippine media giants.

Ang Unbreak My Heart ay eere sa GMA-7 at sa streaming app na Viu, at ipalalabas din sa labinlimang (15) territories sa labas ng bansa.

KAREN, BERNADETTE, HENRY, AND NOLI REACT

Matapos ang report, nagpahayag ng sentimyento ang apat na news anchors ng TV Patrol—sina Noli de Castro, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, at Karen Davila.

“Wow, congrats, ang pagsasama…” reaksiyon ni Karen, na nagsimula noon bilang anchor at host sa bakuran GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapamilyang may puso,” sundot ni Noli.

Sabi naman ni Bernadette, na nagsimula rin sa GMA-7, “Kapusong may Kapamilya.”

Pahayag naman Henry ukol sa partnership: “Di mo akalain, ano. Last year nag-iisip ka, ‘Aba, imposible ata mangyari yon.”

Ang kolaborasyon ay patunay raw na “walang imposible,” “everything is possible,” sabi ng anchors.

Sundot pa nila, “walang forever” lalo pa at itinuturing na rival “networks” ang GMA-7 at ABS-CBN.

Matapos magpahayag ng kanilang mga komento ay isa-isa nang nagsabi ang anchors ng kanilang closing spiels.

Pero maging iyon ay dinagdagan nila ng ad lib ukol sa GMA-ABS-CBN partnership.

Karen: “Congratulations, we are so happy. At yan ang mga balitang binantayan namin para sa inyo. Ako po si Karen Davila."

Bernadette: “Mga Kapuso, ako po si Bernadette Sembrano, nandito po kami para sa inyo saan man sa mundo.”

Henry: “Ano mang hamon, ano mang panahon, ano mang channel, tapat kaming maglilingkod. Ako po si Henry Omaga-Diaz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noli: “Ako naman po ang inyong Kabayan, Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Noli de Castro, nagpapasalamat at nag-iiwan ng isang magandang gabi, bayan.”

Pinalakas ng ABS-CBN ang pag-venture nito sa digital media matapos ipasara ng TV network ng 70 lawmakers ng Duterte administration noong July 2020.

Patuloy rin ang partnership ng ABS-CBN sa ibang TV networks para ipalabas ang content nito, tulad ng A2Z Channel at TV5.

Noong 2022, nagkaroon ng partnership ang ABS-CBN sa GMA-7 para maipalabas sa Kapuso Network ang mga pelikula ng Star Cinema, ang movie production outfit ng Kapamilya Channel.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV Patrol anchors (L-R) Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, and Henry Omaga Diaz make positive comments about ABS-CBN and GMA-7 collaboration. The two media giants are partnering to produce the primetime series "Unbreak My Heart" (inset).
PHOTO/S: ABS-CBNNews
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results