Barbara Miguel clarifies she's not leaving GMA-7 after ending contract with Sparkle GMA Artist Center

by Rommel Gonzales
Feb 5, 2023
Barbara Miguel
Barbara Miguel on transfering to new talent management: "Hindi naman ako umalis sa GMA, umalis lang ako… in-end lang yung contract sa mismong artist management nila which is Artist Center back then pa."
PHOTO/S: @heybarabaramiguel on Instagram

Wala na sa Sparkle GMA Artist Center ang 18-year-old actress na si Barbara Miguel.

Pero ang kanyang kaibigan at kakontemporaryong si Therese Malvar ay nananatiling Kapuso.

Pareho silang bata pa lamang ay nagkamit na ng international acting awards, kalimitan ay sa indie films. Kaya hindi nakapagtatakang napag-usapan nila ni Therese ang pag-alis ni Barbara sa poder ng Kapuso talent management.

Kuwento ni Barbara sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Opo, napag-usapan po namin ni Ate Therese nung nagkatrabaho kami sa isang project dati.

“Kasi si Ate Teri, mas nauna ako sa kanya mag-Artist Center, and also GMA contract [artist] kasi si Ate Teri, e. So, napag-usapan nga namin bakit, why, ganyan, yung mga problems.

"And kasi kami ni Ate Teri, pag magkasama kami, talagang ate ko siya, so pag ano sobrang clingy…”

Sa sobrang magkalapit nga nila ay napapakakamalian silang madalas, na ang akala ng iba ay si Therese si Barbara and vice versa.

“Parati pong nangyayari sa amin yun, I guess because of the credentials na din namin po. So, parang nagiging… kumbaga kino-compare kami minsan, but honestly, kami ni Ate Teri wala naman kaming ganun.”

Sinubukan ba ni Therese na pigilan si Barbara na umalis sa Sparkle GMA Artist Center?

"Late na po si Ate Teri nung nalaman niya!” at tumawa si Barbara.

"Nakaalis na ako. I think kung nasabi ko sa kanya agad na, ‘Ate, I will leave my former management’, siguro pinigilan niya ako.

"Kasi nung nalaman niya na ano, nagulat siya kung bakit ako umalis, kasi hindi niya in-expect, hindi nila in-expect na aalis ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read related stories:

new management

Ang nangangalaga ngayon sa showbiz career ni Barbara ay ang bagong Marikit Artist Management, na pag-aari ni Joseph “Jojo” Aleta na dati ring may mataas na puwesto sa GMA bago nagdesisyong magtayo ng sarili niyang talent agency.

At dahil wala na nga si Barbara sa GMA-7, paano kung may makukuha si Joseph na proyekto sa Kapuso network para sa kanya, ano ang mararamdaman niya?

Wala rin daw problema kay Barbara kung muli siyang gumawa ng proyekto sa GMA.

“Ako po, yes po, definitely, kasi nung nag-end naman yung contract ko, parati naman akong may guesting sa kanila. And they also have a show, Nakarehas Na Puso, I was also the young Lea there, recent lang din, young [version] ni Ate Vaness [del Moral].

“So ako… hindi naman ako umalis sa GMA, umalis lang ako… in-end lang yung contract sa mismong artist management nila which is Artist Center back then pa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So it’s not GMA na iniiwan ko, it’s the management lang.

"And for me naman kasi, yun nga, open ako sa lahat ng networks, mahirap pag nake-cage ka lang sa isang ano,” pahayag pa ni Barbara.

Kasama ni Barbara na talents ng Marikit Artist Management sina Kyle Ocampo, Jeremy Luis, Charles Angeles, Angelika Santiago, at ang all-male group na Masculados na binubuo nina Robin Robel, Nico Cordova, David Karell, Enrico Mofar, Richard Yumul, at Orlando Sol.

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbara Miguel on transfering to new talent management: "Hindi naman ako umalis sa GMA, umalis lang ako… in-end lang yung contract sa mismong artist management nila which is Artist Center back then pa."
PHOTO/S: @heybarabaramiguel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results