Jay-R scores his second win in Your Face Sounds Familiar

Dahil sa kanyang panggagaya sa American country singer na si Kenny Rogers ay nakuha ni Jay-R ang kanyang ikalawang panalo sa Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN.


Sa pangalawang pagkakataon ay ang R&B singer na si Jay-R ang nanalo bilang weekly winner sa Your Face Sounds Familiar, ang singing and impersonation competiton ng ABS-CBN.

Sa Easter episode ng show noong April 5, ginaya ni Jay-R ang American country singer na si Kenny Rogers, katambal si Karla Estrada bilang si Dolly Parton, kung saan kinanta nila ang "Island on the Stream."

Unang nagwagi si Jay-R sa pilot episode ng show, kung saan ginaya naman niya ang Pinoy rock icon na si Pepe Smith.

Bawat linggo ay kapansin-pansin ang effort na ginagawa niya to 'sing-and-look like' mga mang-aawit na naa-assign sa kanya.

Pinahanga rin ni Jay-R ang publiko bilang "Stevie Wonder" at "Bamboo" noong mga nakaraang episodes.

PREPARATIONS. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R, ipinaliwanag nito kung ano ang preparasyong ginagawa niya para mas maging competitive siya sa mga karibal niyang sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Edgar Allan Guzman, Maxene Magalona, Tutti Caringal, Nyoy Volantes, at si Karla.

Aniya, "Watching the music videos ng mga artist is what's important talaga.

"Not just the music videos, but the performances, lahat at iba-iba.

"Yung tunog ng mga boses nila, maraming videos nila ang pinapanood ko sa YouTube.

"Puyat talaga ako before the taping kasi nire-review ko talaga yung galaw, tunog, at boses.

"So, prepared talaga ako 'pag pumunta ako sa You're Face."

Natutuwa naman si Jay-R nagiging reaksiyon ng audience kapag nasa entablado siya at nagpi-perfrom.

Sabi ng 34-year-old singer, "Ang galing!

"Dun ako nasu-surprise, kasi halimbawa, kay Pepe Smith, 'di siya gaanong gumagalaw.

“I’m gonna think na medyo slow ang scores ko, pero they love it.

“Talagang everyone's cheering and they [judges] gave me pa the highest score.

"That was a surprise.

"Ganado talaga, it was such a good feedback, and good feeling talaga.

“Napaka-positive ng feeling."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TENSION. Ramdam na ba niya ang tensiyon sa kanyang kapwa contestants?

Halata naman na bawat isa sa kanila ay ginagawa ang lahat ng paraan na bukod sa makapagbigay ng magandang performance ay manalo ng isandaang libong piso.

Sabi ni Jay-R, "A, wala namang tensiyon 'cause we're all having fun.

"Ang napapansin ko lang kung minsan, kunyari, like kung low score si Nyoy, parang sumisimangot siya, parang ganun.

"Or, kung meron akong gustong gawin na nakuha ni Tutti, o may gustong gawin siyang icon like si Bamboo, napansin ko si Tutti na parang, 'Dapat sa akin na lang yun.' Yung parang ganun.

"Pero wala namang tensiyon na parang... kasi, we're all friends naman, e."

Sa lahat ng mga kasama niya, kay Jolina raw mas malapit si Jay-R.

Nagkasama ang dalawa noon sa Party Pilipinas at Sunday All Stars ng GMA Network.

Ani Jay-R, "Kasi, matagal ko na siyang nakatrabaho, 'di ba?

"Si Maxene din before. Si Nyoy din, matagal ko nang kilala.

"So, those three are my closest.

"But before we started the show, talagang ang chemistry namin ay bonding, para talaga kaming...

"Si Melai, kulit, sobra… si Karla.

"Si Maxene din, sila yung mga komedyante ng grupo namin, e.

"Kaya tawanan lang kami nang tawanan kapag nasa dressing room kami."

JAY-R'S TEAM. Samantala, sa sunud-sunod na papuring natatanggap ni Jay-R sa bawat performance niya, gusto niya itong ibahagi sa team na siyang bumubuo ng bawat karakter na ginagaya niya linggu-linggo.

Sabi niya, "I can't take full credit for... yung performances ko, kasi magaling talaga ang prosthetics and make-up.

"Kung wala yun, hilaw na hilaw ang performance, 'di ba?

"And kapag naka-makeup ka na o costume, parang ikaw na rin yung singer, e. Nagiging ikaw na, 'di ba?

"So, kailangan mo talaga yun.

"Kung wala rin yung in-charge sa costumes, wala rin talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mayroon man siyang iniiwasang gawin on stage, ano ito?

Nag-isip muna si Jay-R bago sinabing, "Ayaw kong gayahin si Beyonce, ang hirap nun 'tapos babae pa.

"Ayaw kong gayahin any girl, actually.

"Depende, kasi si Nyoy, naging babae na, e.

"Pero kung lumabas sa akin yung isang icon na babae, no choice na ako dun, gagawin ko.

"Kung bibigyan ako ng choice na babae... e, di siguro J.Lo [Jennifer Lopez], para madali lang.

"Pero yung J.Lo na nakadamit, ha! Hindi yung naka-tanga, mga ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN