Bianca King tries hosting via TV5's Showbiz Konek Na Konek

Bianca King on being a showbiz talk show host: "Just because mestiza ako at nag-i-English ako, hindi naman ibig sabihin mayaman ako saka sosyalera. Actually, complete opposite. Super working-class ako. Oo, every day nagbabasa ako ng tsismis sa PEP, Internet, yung ganyan. So, what’s more important is being yourself."


Bumuhos agad ang luha sa mga mata ni Bianca King nang batiin siya ng press sa pagiging co-host niya sa bagong showbiz-oruented show ng TV5, ang Showbiz Konek Na Konek, kasama sina IC Mendoza at MJ Marfori.

“Alam naman ng mga tao na talagang pinag-aralan ko kung paano ‘to gawin.

“That’s the reason why I also studied film, not just to be a director, but also to have something else to offer.

“So, I may not be the best host right now, but I want to learn how,” saad ni Bianca, kasunod ang paghingi niya ng paumanhin sa pagiging emosyonal niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Bianca sa grand launch ng Showbiz Konek Na Konek noong Lunes, April 6.


EFFECTIVE TV HOST. Anong pag-aaral ang ginawa niya to be an effective talk show host?

Sagot ni Bianca, “Wala naman po.

"Pero dahil yung pagpili ko na makapagtapos ng college, nakatulong din siya sa confidence ko.

“Hindi ako ninenerbiyos kapag kailangan kong mag-rewrite ng script, yung mga ganoon.”

Ano sa tingin niya ang qualities ng isang mahusay na talk show host?

“Siguro delivering the spiels in your own words.

“Kasi siyempre, as much as possible, you have to stick with the topic, of course.

“I think mas nakokonek yung viewers kapag nakikita nila na hindi scripted.”

Naniniwala ba siya na ang isang talk show host should have mass appeal?

Pagsang-ayon niya, “Yeah, I think it's always good naman to have mass appeal, e.

“Siyempre, hindi ka naman lumalabas sa TV para sa mga elitists, sa mga mamamayahag.

“Lumalabas ka sa TV para sa mga nanonood ng TV talaga.

“Hindi naman… just because mestiza ako at nag-i-English ako, hindi naman ibig sabihin mayaman ako saka sosyalera.

“Actually, complete opposite. Super working-class ako.

“Oo, every day nagbabasa ako ng tsismis sa PEP, Internet, yung ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, what’s more important is being yourself.”

TV HOST. Sa palagay ba ni Bianca siya ang magiging lead host ng Showbiz Konek Na Konek?

"Naku, hindi po!" bulalas niya.

"I think, puwede ring sabihin yun about MJ, kasi siya yung nasa news talaga, e. Parang 'eto talaga ang forte niya.

"Puwede ring sabihin na si IC kasi lahat ng talk shows ng TV5, kasama siya.

“I think mas sila, mas sila yung poste.

"Ako yung... news lang ako."

Inamin ni Bianca na mas matimbang sa kanya ngayon ang pagiging TV host kaysa pagiging artista.

Saad niya, “Gusto ko rin po lifestyle, cooking shows.

“Yung blog ko, biancaking.com, it’s about the topics na gusto ko, like wellness.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN