Pinay classical singer gets final Golden Buzzer at Asia's Got Talent

Ang soprano singer na si Gerphil Flores ang nakakuha ng ika-apat at huling Golden Buzzer sa reality competition show na Asia's Got Talent. Inawit ni Gerphil ang "Speak Softly Love."


Isang Pinay ang nakakuha ng ika-apat at huling Golden Buzzer mula sa talent competition na Asia’s Got Talent nitong nakaraang April 9 sa AXN Channel.

Si Gerphil Geraldine Flores, isang soprano at produkto ng UP College of Music, ang nakatanggap ng pinakahuling Golden Buzzer mula sa judge na si David Foster.

Ibig sabihin nito ay automatic na pasok na kaagad si Gerphil sa semifinal round ng naturang reality show.

Ang naging talent ni Gerphil ay ang pag-awit niya ng operatic version ng song na “Speak Softly Love” ni Andy Williams, na ginamit sa 1972 film na The Godfather.

Noong unang paglabas ni Gerphil sa entablado ay tila nahihiya pa siya at napansin nga ni David na kinakabahan ito.

Pero isang powerful performance ang ibinigay ni Gerphil kaya naman sinuklian siya ng standing ovation ng mga judge at ng audience.

Manghang-mangha sa kanya ang judges at ramdam nila na nawala ang kaba ni Gerphil nang makapag-perform na siya.

Binigyan si Gerphil ng “Yes” vote nina Anggun, Melanie C., at Vanness Wu.

Pagdating kay David, tumayo ito at pinindot ang Golden Buzzer.

Bago siya mag-perform, inamin ni Gerphil na big fan siya ng Grammy award-winning musician.

Pero sinabi ni David na pinindot niya ang Golden Buzzer, hindi dahil sa tagahanga niya si Gerphil, kundi dahil nakitaan niya ng kakaibang talento ang Pinay soprano singer.

Nagpalasamat din si David sa audience na in-encourage siya na ibigay ang final Golden Buzzer kay Gerphil.

Si Gerphil ang ikalawang Pinoy contestant na nakatanggap ng Golden Buzzer sa Asia’s Got Talent.

Nauna nang nabigyan ng Golden Buzzer ang Pinoy shadow play group na El Gamma Penumbra. Ang judge na si Anggun ang nagbigay ng Golden Buzzer sa kanila.

Ang dalawa pang nabigyan ng Golden Buzzer ay ang Japanese popping act na Time Machine, na ibinigay ng judge na si Vanness Wu; at ang Chinese acrobat-dancer couple na sina Gao Lin at Liu Xin na ibinigay naman ng judge na si Melanie C.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magaganap ang semifinal round ng Asia's Got Talent simula sa April 16, kung saan 24 acts mula sa 59 contestants na nakapasa ang maglalaban-laban.

Labintatlo sa 59 contestants na nakapasa ay mula sa Pilipinas.

Maliban kay Gerphil at sa El Gamma Penumbra, ay iba pang mga nakapasa ay ang Junior New System, Gwyneth Dorado, Lola Fe and Roadfill, Fitri Cerado, Angelico “Echo” Claridad, The Miss Tres, D’Intensity Breakers, Flexie Buddies, Neil Rey Garcia Llanes, The Velasco Brothers, at Symmetry.

Kabilang naman sa mga nai-announce nang nakapasok sa 24 semifinalists ay ang El Gamma Penumbra, si Gerphil, ang Velasco Brothers, at si Gwyneth Dorado.

Ang mga host ng Asia’s Got Talent ay sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN