Hero Angeles wants to work again with Sarah Geronimo

Hero Angeles reveals he became an art teacher and he mounted his first solo art exhibit in Mindanao earlier this year. He says he is willing to work again with Sarah Geronimo, his former co-star in SCQ Reload: Kilig Ako.



Nagbabalik sa ABS-CBN si Hero Angeles bilang isa sa lucky stars ng Kapamilya Deal Or No Deal. Ayon sa Grand Teen Questor ng Star Circle Quest, willing siyang umarte ulit sa teleserye sa Kapamilya Network at gusto sana niyang makasama uli sa proyekto si Sarah Geronimo.

It's been a long time na nawala siya sa showbiz limelight.
"Oo nga, eh. For 10 years," ani Hero sa isang exclusive interview matapos ang kanyang appearance sa KDOND.

Anong mga ginawa niya noong mawala siya sa showbiz limelight?
"Marami-rami din. Marami akong tri-nay pero halos lahat art related. Like nag-voluteer teaching ako sa pre-school, two years din ako dun. Sa school sa Pasig. Sa Little Learners of Saint Anne. Ang may-ari nun classmate ko noong high school. Nag-art teacher ako dun, ang mga students ko four years old hanggang mga 5-6 years old.
"Tapos gumawa ako ng mga art work, mga paintings tapos nag-first solo art exhibit ako last February sa Iligan City, sa Mindanao.
"Nagko-conduct rin ako ng art workshops, ganyan for kids at sa mga adults din."
Happy ka naman sa mga ginagawa mo habang wala sa showbiz limelight?
"Oo naman. Love ko talaga ang arts kasi ang course ko fine arts and ever since bata pa ako, nagdro-drawing na ako so parang fullfilment din ng dream ko before."
Hindi ba niya na-miss ang showbiz limelight?
"Yung huli kong project na ginawa 2013 pa. Nag-movie kami sa Rockets Productions kay Kuya Ronnie Ricketts tapos after nu'n, wala na talaga. Ang title ng movie, The Fighting Chef."

NO REGRETS. Sa loob ng isang dekada, ang mga kasabayan niya sa Star Circle Quest ay nagkaroon ng mga sariling careers. Si Sandara Park ay mas lalong sumikat bilang parte ng K-pop group na 2NE1 at si Joross Gamboa ay active pa rin sa showbiz until now at nakapag-asawa na.
"Wala namang regrets sa part ko kahit anong nangyari kasi may nangyari din naman sa akin sa likod ng camera,” ani Hero.
“Happy ako. Yun nga, mga art work at nag-travel din ako sa isang European project na tungkol naman sa management, nag-aral din ako dun at nagpadala din sila ng delegates dito na parang exhange of ideas for one year din yon. So masaya ako kasi andun yung learning experience ko.
Anong nag-trigger sa kanya para huminto sya sa showbiz?
"Para din siguro mabigyan ng time ang sarili ko na magawa yung gusto ko at para makapag-isip isip din kasi nu'ng time na yon nagtatanong ako sa sarili, para sa akin ba talaga ang showbiz."
Naguluhan ba siya sa showbiz world noon?
"Magulo talaga. Sa tingin ko, ha.
“Sa ngayon tinitimbang ko pa kung magulo pa rin o okay na."
Sinong kumontak sa kanya dito para sumali sa third batch ng 20 Lucky Stars ng Kapamilya Deal Or No Deal?
"Noong una kasi, sa ASAP 20 anniversary nakontak nila si Kuya [Henry]...siya pa rin ang manager ko hanggang ngayon. So okay, nag-go kami. Yun na ang naging start. Tapos after ng ASAP 20 dito na nga sa KDOND."


ON HIS LOVELIFE. Ayon kay Hero, single siya sa ngayon.
Ang iba nilang batchmates sa SCQ ay may mga asawa na.
"Yung nga, pinag-usapan namin yan nu'ng reunion namin. Ang wala na lang asawa ako saka si Sandara."
Wala ba siyang naging feelings kay Sandara noon? Hindi ba siya na-attract sa Korean star?
"Wala, ano lang talaga...purong trabaho lang...kaibigan lang, ganu'n."
Paano kung muli silang makita ni Sandara?
"Akala ko nga andun siya sa reunion namin sa ASAP 20 pero wala siya. Kung makita ko siya uli, kakausapin ko naman siya, kasi hindi pa kami nagkapag-usap since 2005. Ten years din, hahaha!"
Nagkaroon ba siya ng non-showbiz girlfriend?
"Meron naman pero...hindi na nabalita kasi matagal na nga akong wala sa showbiz limelight at kelan lang naman ako na-involved sa mga social media at nu'ng sumali na nga ako sa social media, Instagram, sabi ko..ay ganito na pala ngayon. Sabi ko, konektado na rin halos lahat. Pero walang nakibalita sa akin."
Sa ngayon, halimbawa, kukunin ka uli ng ABS-CBN to do a teleserye, okay lang ba sa iyo?
"Okay naman sa akin, Oo. Wala naman problema dun kasi ang tagal na rin nu'ng huli kong project dito. Tapos nag-GMA nga ako sa Walang Tulugan. Siguro ang naging projects ko lang dun tatlo."
Ano ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network?
"Yung Dyesebel kay Marian Rivera, yung Luna Mystica kay Heart Evangelista. Yung kay Heart hindi n’yo ko mamumukhaan kasi villain ako dun."
So ngayon nagbabalik Kapamilya ka na uli?
“Oo,” sabi ni Hero na gustong magkaroon uli ng teleserye sa ABS-CBN with Sarah Geronimo.

Kung halimbawa meron kang gustong Kapamilya female star na gusto mong makatambal sa isang teleserye, sino yon at bakit?
"Ang dami kasing magaling ngayon, e. Ang hirap naman sabihin na partner or loveteam kasi matanda na rin ako. 30 years old na ako, e. Well, siguro yung naudlot na pairing ko kay...kasi after Sandara ipinartner ako kay Sarah Geronimo. Nagka-show kami pero a few months lang ‘yon. Dun sa SCQ Reload: Kilig Ako.
"Sayang ‘yon, so kung may gusto akong makatrabaho o maka-partner, gusto ko si Sarah Geronimo uli."
Palagay mo may pag-asa ka pa kay Sarah, e, in a relationship na siya with Matteo Guidicelli?
"Iba naman yung work sa ano...sa lovelife.
"Siguro trabaho lang saka marami pa rin namang ibang artista dito na magagaling sa mga soap opera.”
Anong klaseng teleserye ang gusto niyang gawin, if ever?
"Drama siguro."
Ano ang message niya sa kanyang mga fans?
"Thankful ako kasi after ASAP 20, nakita ko yung feedback, yung comments nila sa mga social media, na andun pa rin pala sila kahit sa mahabang panahon na nawala ako sa showbiz limelight. Nalaman ko lang sa social media na andudun pa rin sila, nag-aabang sa muli kong pagbabalik sa showbiz. Sobrang thankful ako sa kanila," pagtatapos ni Hero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN