David Licauco shifting to wholesome image: "Hindi na puwede yung hubad-hubad."

by Rommel Gonzales
Mar 11, 2023
David Licauco
David Licauco on his new image: “Nagkaroon kasi ako ng mga fans na bata because of Maria Clara At Ibarra, so child-friendly na tayo ngayon."
PHOTO/S: @davidlicauco on Instagram

Kahit nagwakas na ang seryeng Maria Clara At Ibarra, patuloy pa rin ang kasikatan ni David Licauco.

Binansagan si David bilang "Pambansang Ginoo" dahil sa kanyang pagganap bilang Fidel sa naturang serye.

At iaakma niya ang kanyang image maging sa totoong buhay kaya iiwas na raw siya sa pagpapa-sexy sa mga pictorial at paghuhubad on screen.

“Hindi na puwede yung hubad-hubad," saad ng 28-year-old actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Actually, wala na ako sa Bench Body [underwear line] ngayon, but I’m still with Bench.

So iyon, I mean, whatever works. I mean, kung ano yung magugustuhan ng mga tao, iyon ang gagawin ko.

“Nagkaroon kasi ako ng mga fans na bata because of Maria Clara At Ibarra, so child-friendly na tayo ngayon,” ang nakangiting paliwanag pa ni David

GETTING READY FOR THE NEXT PROJECT

Pagkatapos sa history serye ay muling mapapanood ang tambalan nina David at Barbie Forteza sa Daig Kayo Ng Lola Ko: Lady and the Curse sa GMA-7 mula March 12, 2023, hanggang sa susunod na tatlong araw ng Linggo (March 12 hanggang April 2), tuwing alas sais ng gabi.

Ayaw masyadong itaas ni David ang kanyang expectations sa publiko.

Paliwanag niya, “Ah, siguro ano, gusto ko lang siya i-take day-by-day. Ayokong mag-isip masyado kasi, pag nag-overthink ka baka mas magkaroon ka ng anxiety or what, di ba?

“So ako, sabi ko, as long as gagalingan ko.

"And siyempre kailangan kong i-work on pa rin yung sarili ko with regards sa acting. Kailangan ko nang magpa-derma kasi medyo sumasama na yung aking skin. And then pati yung gym, siyempre kailangan ko pa ring alagaan ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I just need to be ready. So pag nagkaroon na ako ulit ng next project, ready ako.”

REACTION OF DAVID'S FAMILY TO HIS FAME

Ano naman ang reaksiyon ng kanyang pamilya sa atensiyong nakukuha niya ngayon?

Si David ay pangalawa sa apat na anak nina Jolan Alexander Licauco and Eden Sy Licauco.

Aniya, "Siyempre natutuwa sila for me. I mean, kumbaga kasi nung bata ako, never kong inisip na maging artista ako.

"So naging artista ako, kumbaga big deal yun for them.

"Tapos ngayon na mas nakikilala ako, and kung nasa labas kami, parang medyo kumbaga mas napapansin ako.

"Saka maraming nagse-send ng message sa mom ko, sa dad ko, kumbaga may nagpapa-picture na rin sa kanya.

"So, for sure, matutuwa naman siya, hindi naman siguro siya naba-bad trip or anything.”

DAVID on HANDLING FAME

Paano niya dinadala ang kasikatan niya ngayon?

“Well, medyo overwhelming siya, honestly. Kasi siyempre hindi naman ako sanay, and I would say na medyo introverted ako na tao, so kapag may mga lumalapit medyo ganito,” sabay-himas ni David sa kanyang dibdib.

“But then siyempre pinasok ko ito, e, and wala na akong choice, but do my best and accept it.

“So ayun."

Natutuwa naman siya sa suporta ng fans.

"...Maraming nakaka-appreciate sa iyo, and yung fans ngayon, parang mas kilala pa nila ako than my friends, so sobrang naa-appreciate ko talaga sila.”

DAVID ON BALANCING SHOWBIZ, BUSINESS, and hobbies

Bukod sa pagiging artista ay isang businessman rin si David.

Paano niya nababalanse ang kanyang oras at panahon sa showbiz commitments at sa mga pag-aari niyang negosyo?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Actually, medyo tedious na siya, kasi dati kumbaga yung mga shows ko, hindi naman every day may trabaho, e.

"But then siyempre sa showbiz, I mean right now, almost every day, actually every day akong may trabaho, tapos two a day pa minsan."

Aminado siyang hindi makapag-focus sa negosyo dahil sa schedule.

"So medyo nako-compromise ko talaga yung that side of me kasi sa pagnenegosyo, hindi naman siya madali, e. Kailangan mong maging creative every single day, kailangan mong mag-isip, kumbaga ganun.

"But then siyempre kailangan kong mag-adjust, and slowly siguro mapi-figure out ko rin, na kumbaga ma-balance ko silang dalawa.

“Siguro, sana next week kaya ko na,” at tumawa si David.

Ano ang hobbies o pampa-relax ng isang David Licauco?

“Naku! Basketball. Nagdyi-gym pa rin ako everyday.”

Mahilig ding magpamasahe at magpa-spa si David, sakto nga na endorser siya ng Blue Water & Day Spa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco on his new image: “Nagkaroon kasi ako ng mga fans na bata because of Maria Clara At Ibarra, so child-friendly na tayo ngayon."
PHOTO/S: @davidlicauco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results