Piolo Pascual and Angel Locsin shoot sexy scenes in Calatagan, Batangas


Piolo Pascual and Angel Locsin shot this sexy scene for Lobo in Calatagan, Batangas. Noah (Piolo) and Lyka (Angel) went into hiding in an obscure resort because people from the Wayas and Lunas were looking for them. Unfortunately, Noah was captured while Lyka went back to the city on her own. Shortly after her 21st birthday, she transformed into a white she-wolf.


Nasaksihan na ng lahat sa wakas ang pagpapalit-anyo ni Lyka (Angel Locsin) nang magkatotoo na nga ang hula na siya ang huling bantay ng mga Waya. Samantala, patuloy namang binabantayan ng fans ang lumalalim na relasyon nina Lyka at Noah (Piolo Pascual). Kapanapanabik ang action scenes ni Noah lalo na ngayong tumitindi ang conflict niya sa kanyang mga superior sa military.

Sa paglabas ng tunay na pagkatao ni Lyka, masusubukan ang tibay ng pag-iibigan nila ni Noah. Gaano katindi nga kaya ang pagmamahalan nila para sa isa't isa sa harap ng kahindik-hindik na pagbabagong magaganap? Sa mga susunod na linggo, masasagot ang mga tanong na ito: will their love survive this test, o ito na ang makapaghihiwalay sa kanilang dalawa?"

Samantala, natuwa naman ang male fans ni Angel sa pagsusuot nito ng two-piece swimsuit sa telebisyon. "Grabe ang tensyon ko," kuwento ni Angel. "Kasi for TV ito e, hindi katulad kapag magazines na pose lang, ito may acting involved, pero comfortable naman ako kay Piolo lalo na at this point dahil matagal na rin kaming nagtatrabaho together, so at least, hindi ako nahirapan sa aspetong 'yon."

Hindi naman maitatanggi ni Piolo ang sarap ng pakiramdam niya sa pagtanggap ng mga tao sa kanilang tambalan, pati na rin ng TFC subscribers. Sa recent trip nila ni Angel at Shaina Magdayao sa Dubai ay talaga namang dinumog sila ng mga tao roon.

"Wala akong masabi nung lumabas kami ng stage," kuwento ni Angel. "Grabe, overwhelming ang feeling, mahal na mahal nila ang Lobo at ang mga shows ng ABS-CBN, nilalapit daw namin sila sa mga pamilya nila dito sa Pilipinas. Kaya in that sense, nagpapasalamat kami at nagiging instrumento kami, nagiging inspirasyon sa mga Pilipino dahil sa mga programang ginagawa natin. Ang Lobo, malaki ang faith namin sa project, na makakapagpasaya kami ng tao, makakapagbigay-aliw, makaka-inspire. At salamat din sa production at management, hindi kami pinabayaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Promise naman ni Piolo at Angel sa mga sumusubaybay sa palabas, "Naging masarap, mahirap, naging challenging ang buhay para kina Lyka at Noah. Naging kabahagi kayo nun. Maraming salamat," sabi ni Piolo.

Ayon naman kay Angel, "Mas magiging makulay, masaya, magulo, kumplikado ang buhay nilang dalawa. Abangan n'yo po ang mga sorpresa namin sa mga susunod na linggo sa Lobo!"

Ang Lobo, na direksyon nina Cathy Garcia Molina at FM Reyes, ay mapapanood gabi-gabi, sa Primetime Bida block ng ABS-CBN.


Click HERE to view behind-the-scenes photos of Lobo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN