Ang biggest break ni Ashley Ortega ay dumating after 10 years of being Kapuso.
Ito ang Hearts On Ice, kung saan magkapareha sila ni Xian Lim, na kilalang leading man.
Hindi naman daw niya inuusisa kung bakit ngayon lamang siya nabigyan ng serye na siya mismo ang bida.
Ani Ashley, “Hindi naman po, actually. Siguro iyon din yung reason kaya nandito ako ngayon, because I’ve been really, really, really patient in my career.
“At saka lagi kong iniisip naman na hindi naman fame yung habol ko sa industriyang ito."
ASHLEY ON BAGGING FIRST FEMALE LEAD ROLE
Napaiyak daw siya sa tuwa nung nalaman niyang siya ang bida sa prime-time series.
“Siyempre naano rin ako, na parang, ‘Wow, this is my time! Na nakuha ko na ito.'
“Kaya nga I would always tell people nung nalaman ko na nakuha ko itong show na ito, I cried kasi parang yung ten years na iyon, it was all worth it.“
Isang professional figure skater si Ashley sa tunay na buhay kaya raw laking tuwa niya na ito rin ang role niya sa teleserye.
Bulalas niya, "Maliban sa nabigyan ako ng pinakamalaking break, figure skating pa.
"I don’t think, hindi naman sa pagmamayabang, I don’t think any artist can, you know, can do what I do, as a figure skater.
“So talagang siguro at the right time. God gave it to me at the perfect time.”
CAREER GOAL: LONGEVITY
Ang beteranang aktres na si Amy Austria ay kasama rin ni Ashley sa serye na na nag-ere ng pilot episode ngayong Lunes, March 13, 2022.
Ano ang pakiramdam niya?
Sagot ng mestiza actress, "My main goal as an actor is tumagal sa industriyang ito that’s why I really admire the veterans, like sila Ms. Amy, lahat ng mga veterans na nakakasama ko sa show.
“Kasi fame can… hindi naman tumatagal iyan, e. I mean, hindi ko na nilalagay sa mindset ko na iyon yung habol ko.
“Gusto kong tumagal sa industriya, gusto kong maging respetadong aktor, and until now I love what I do.
"And lahat naman ng mga roles na ibinigay sa akin, supporting man or maliit na role, I always look at it as a big role for me.
“Tulad ng sa Legal Wives, for example, I was in a supporting role there, pero na-acknowledge nila doon unexpectedly, and hindi ko naman in-expect na magba-viral pala ako doon.
“So siguro, that’s what keeps me going, yung talagang hunger ko sa pagiging artista, sa craft ko."
ON KIMXI FANS
Very loyal ang mga fans ng KimXi, handa ba siyang i-bash at awayin ng mga followers ng girlfriend ni Xian na si Kim Chiu?
Natatawang sagot ni Ashley, “Ay, naku ready na po ako! Hindi pa nga nagsisimula yung show, inaaway na nila ako.
“I supported their movie, sila ni Xian, nanood ako ng premiere ng movie nila sa Megamall.
"May mga natatanggap na ako’ng comments pero dedma na lang.”
Ano ang pinakamasakit na sinabi tungkol sa kanya?
“Masakit? Marami,” at tumawa si Ashley. “Pero hindi naman ako nagpapaapekto sa kanila.
"I kinda feel bad lang kasi siyempre pati si Xian bina-bash nila, hindi lang kasi ako.
“So parang, it’s the both of us.
"So parang siyempre they’re a couple, dapat yung fans nila they support each other, so hindi naman ako more of nalungkot yung pag-atake sa akin.
“You being bashed is part of showbiz, yung mga negative na tao, that’s what they do.
"I feel bad lang na pati si Xian bina-bash kasi siya so parang dun lang.
“Dine-dedma ko lang, actually bina-block ko sila, e. Kasi ang hahaba ng mga paragraph nila na bashing lang talaga.
“Nilalagyan nila ng malisya yung pagsasama namin ni Xian sa show.”
Ano ang natatandaan ni Ashley na pamba-bash na medyo ikinaloka niya?
“Na bakit daw si Xian Lim isang GMA talent lang ang na-pair sa kanya, na parang… laos daw ako, bakit ako daw yung pinartner, mga ganun.
“And, you know, I don’t wanna, baka naman gamitin nila against me, pero ano naman iyan, it’s part of it.
"Like, actually, pinapakita ko nga kay Xian, sabi ko, ‘Dedma mo na lang iyan.’ Sabi ko sa kanya, ‘Bakit pati ikaw bina-bash?’
“Dalawa kami, so iyon, pero dedma na lang, I mean it’s part of it, and okay naman kami ni Kim, and alam naman namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalagahan.
“We’re just good friends, we’re very professional lang, so I don’t think there’s something I should worry about or may kailangan akong itago na dapat affected ako sa sinasabi ng iba."