Naging emosyonal ang Kapuso actress na si Beauty Gonzalez nang mapag-usapan ang karakter na ginagampanan niya sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, March 11, 2023, na “Takas Sa Impyerno.”
Ito ay sa kabila na hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na gumanap siya bilang isang misis na "physically abused.”
“May nagampanan na akong role na nabubugbog ako, battered wife, marami na… you know, all of my roles, ipinapakita ko talaga na you have to know your worth, you have to fight for your right.
"And walang kahit sino man na magsaksak sa ‘yo or sirain ang future mo, Lumaban talaga tayo, ‘no,” natawang sabi niya sa kabila ng pagiging emosyunal.
timing for this month
Ipinagdiwang noong March 8 ang International Women's Day at sa U.S. naman ang observance ng National Women's History Month para sa buong buwan ng Marso.
Nakikidiwang din ang Pilipinas sa mga event na ito mula nang isabatas noong 1988 ni Pangulong Corazon Aquino ang Women's Week tuwing unang linggo ng Marso at Women's Rights and Intenational Peace Day tuwing Marso 8 naman.
Sa ilang mga bansa, kasama na ang Pilipinas, impormal na kinikilala ang March bilang "International Women's Month."
Kaya para kay Beauty, "timing" nga raw ang Magpakailanman episode nila, kunsaan, isa nga siyang misis na minamaltrato at ikinukulong ng gumaganap na mister niya na si Lucho Ayala.
“It’s perfect timing kasi, it’s International Women’s Day, so I really hope that a lot of women will watch this and realize na you have a choice.
"May choice ka to get out of any situations and no matter what happens, don’t ever think na wala kang matatawagan na tulong.
"Maraming tao sa paligid mo na handang tumulong para sa ‘yo.”
Naiiyak pa rin na sabi niya, “Timing, timing ‘to.”
BLESSED AS KAPUSO
Malaking bagay naman kay Beauty na makaganap siya sa nabanggit na Kapuso drama show sa kauna-unahang pagkakataon.
Sabi nga namin sa kanya, sa dami na rin ng nagawa niya sa GMA Network mula nang maging Kapuso siya, parang nakagugulat na ngayon pa lang pala siya makakapag-MPK (shortened title ng Magpakailanman).
“I’m very blessed and thankful sa GMA na tuluy-tuloy ang mga binibigay na projects sa akin and sobrang ang gaganda ng mga proyekto. Iba-iba talaga.
"Loving Ms. Bridgette na may kasamang bagets; nakatrabaho ko, the King of GMA, si Dingdong [Dantes] sa Alternate; and to The Fake Life with caliber actors, Ariel Rivera and Sid Lucero.
“And now, I’m working in a new show, Stolen Life with Gabby Concepcion and Carla Abellana.
"And siyempre, as a Kapuso, isa sa masasabi kong Kapuso na talaga ‘ko kapag nag-Magpakailanman ako.
“Parang thankful ako na finally, nag-align ang mga stars and nagkaroon ako ng time at nakuha ko ang perfect script na feeling ko kaya kong gampanan. And hopefully, I can send the message out.”
Masayang dugtong pa niya, “Finally, I can say na I’m almost pure Kapuso na talaga kasi may mga iba pa 'kong ige-guesting.
"Pero itong Magpakailanman, malaking ano na ‘to sa akin. I’m very thankful to Ms. Cathy Garcia-Ochoa for giving me this opportunity.”
experience being violated
Dahil naging emosyunal habang ikinukuwento ang ginampanang karakter sa Magpakailanman, tinanong tuloy namin si Beauty kung naranasan din ba niya noon na ma-violate bilang babae. Nakapasok ba siya noon sa isang abusive relationship?
“Yes, it happened to me,” pag-amin niya. “It happened to me in the past, but I compromised a little bit but not everything about me.
"Not my values, kung ano ang ibinigay sa akin ng family ko, structure sa akin na pagkatao ko, hindi naman umabot sa gano’n.
"But yes, I did compromise a little bit, kasi minsan, tanga tayo sa pag-ibig. Pero, nananaig yung values na ibinigay sa akin ng mga magulang ko.
"Pero dasal talaga, when you pray, the Lord will guide you in the right place.
"Minsan too much na talaga, enough is enough, darating ka rin sa point na gano’n, but, yeah, thankful ako na yung values ko, medyo malakas.
“And that is what I want to pass with my daughter.”
At dahil nga babae rin ang anak ni Beauty, ngayon pa lang, kinumusta namin siya kung paano niya nai-impart sa anak ang pagpapahalaga sa pagiging babae.
“Ano, dati kasi, lumalaki ako na puro sermon,” natawang sabi niya. “Ngayon, iba ang style ko. I lead by example. I show to her rather than lagi ko siyang sinesermonan.
"Kasi dati, yun iyong karanasan ko. Now, I realize na it’s not what they say, what my parents say to me before, it’s what they see.
“So, I myself, I show it to my daughter na this is my values. I make sure na nakikita niya more than sa naririnig niya sa sinasabi ko. And I’m praying that it will work.”
May natutunan din daw siya sa karakter na ginampanan niya sa MPK. Na bilang babae, kailangang mahalin at bigyan talaga ng pagpapahalaga ang sarili.
“Number one, love yourself and know your worth,” sabi niya. “You have choices, you don’t have to be trapped in a situation.
"Ang daming pwedeng hingan ng tulong. Pwede kang lumapit sa kahit sinong tao. I’m sure, there are still kind people pa rin who’s ready to help.
“So yeah, you have choices talaga. Wag kang maniwala na wala kang choice. And if you see somebody—I’m calling out, kung may makita kang kapitbahay, kaibigan na gano’n ang situwasyon na na-trap, help them find a way.
“Kasi sometimes, yung mga taong nasa gano’ng situwasyon, they feel hopeless na rin. Try to reach out. Kasi, wala namang masama kung tutulong ka rin, ‘di ba?
“At the end of the day, you’re helping yourself if you’re helping other people.”
LIVING HER LIFE
Sabi namin kay Beauty, tuwing nakikita namin ang posts niya sa kanyang Instagram, nakikita ang peace, joy, at contentment na meron siya sa buhay niya ngayon. Pwede talagang mapasabi na, “sana all” kagaya niya.
Masasabi niya nga ba na ‘she’s living her life?’
Nakangiting sagot naman niya, “It’s a choice. I make it a point every day that I wake up to be happy. I wake up to be thankful. Do good things with people around me.
“I always believe na if we do good things, good things will also happen to you. So, I make it a choice talaga na paggising ko, happy ako and easy lang. Kasi, siyempre, life is short. Hindi natin alam ang mangyayari sa atin.
“So, I wanna do more things with my family. God forbid naman, kung may mangyari sa akin, ang maiisip ko lang yung mga happy memories. That’s what I’m trying to do. Kahit simple lang, enjoy lang, easy lang.”