Ciara Sotto clarifies ALLTV morning show will resume airing soon

by Julie E. Bonifacio
Mar 11, 2023
Ciara Sotto
Ciara Sotto reiterates ALLTV network's stand regarding some shows that temporarily stopped airing "due to technical issues: "Wala silang sinabi ever na titigil kami, na maaalis ang mga show sa ALLTV. Hindi po talaga."
PHOTO/S: Julie E. Bonifacio

Nilinaw ni Ciara Sotto ang estado ng M.O.M.s (Mhies On A Mission), ang programa nila nina Ruffa Gutierrez na nabalitang kasama sa mga tinanggal sa ALLTV.

READ: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere

"Hindi po kasi totoo na… sinasabi po kasi nila na nawala na yung show. That’s not true.

"In fact, we still promote every single day. We just paused for a while, while they’re fixing some technical problems. Pero they’re still airing our show.

"Saka ang dami pa rin naming pondo. Ang dami-dami naming pondo," diin ni Ciara.

Pero may assurance naman daw ang management sa kanila na hindi sila mawawala sa ere.

"Yeah," sambit ni Ciara.

"Wala silang sinabi ever na titigil kami, na maaalis ang mga show sa ALLTV. Hindi po talaga."

May assurance din daw sa kanila kung kailan sila babalik para mag-taping muli.

"Yes! Parang one month lang ang alam ko na rest namin, e. Or two months lang because of technical problem. Tuluy-tuloy pa rin kami."

Duda ni Ciara, inaayos ang ilang technical issues ng network.

"Technical issues lang talaga. Kaya hindi nga rin namin alam bakit may mga isyu. Nagulat nga rin po kami. ‘Ano yun?’ ‘Saan yun nanggaling?’

"Pati nga po ang ate ko sa MTRCB, nagtanong,” saad niya.

Ang “ate” na tinutukoy ni Ciara ay ang current MTRBC chair na si Lala Sotto.

CIARA CLUELESS ABOUT EAT BULAGA CONTROVERSY

Ang isa pang mainit na issue na sinagot ni Ciara ay tungkol sa isa pang TV show na “mawawala sa ere” umano — ang Eat Bulaga. Ang ama ni Ciara na si Tito Sotto ang isa sa main hosts ng show. There was also a time na naging host din sa show si Ciara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?

READ: https://www.pep.ph/news/local/171885/tito-sotto-eat-bulaga-rebranding-issue-a718-20230303

READ: Long-running show, magkakaroon ng malaking pagbabago sa pag-alis ng isang well-loved personality

Pagkumpirma niya, "Oo nga. Ang daming intriga ngayon, di ba?

"Actually, hindi ko rin po alam yung mga nangyayari doon ngayon dahil syempre, hindi ko rin naman sika nakakausap.

“Pero siyempre, ang TVJ [Tito, Vic and Joey], hindi tatagal ng 40 years iyan kung hindi nila alam kung paano mag-handle ng mga ganyang intriga, di ba?"

Pati ang pangalan ng TV host na si Willie Revillame ay nadadawit sa Eat Bulaga brouhaha.

"Ay, ganoon po ba? Hala!" nagtatakang sabi ni Ciara.

"Wala akong alam. Ang alam ko lang bakit parang medyo maingay

"Pero what is Eat Bulaga without TVJ, di ba? It's not gonna be Eat Bulaga anymore."

In case magkaroon nga ng possibility na matuloy ang pagsasara ng Eat Bulaga, anong masasabi niya?

Pag-amin niya, "Siyempre, masa-sad ako kasi naging part na yun ng buhay ko, ng maraming tao at lahat ng pamilyang Pilipino na nanonood ng Eat Bulaga. So, masa-sad ako kung totoong mawawala na yan. But I really don't know what's happening."

Sa tingin ba niya it's about time na mag-retire na ang daddy niya sa showbiz?

Aniya, "Actually, naka-lie low na siya.

“Sa weekends lang siya pumapasok, e. So, talagang naka-rest sila. Kung kailangang nilang pumasok ng weekday, papasok sila.

"Semi-retire, oo. Pero sila talaga ang poste ng show. And one for all, all for one ang tatlong yan. Alam natin yan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ciara sa grand media launch ng NDM Studios ng director-writer-producer na si Njel de Mesa. Kabilang si Ciara sa mga bida ng trilogy film ng NDM Studios titled Subtext, sa direksyon ni Njel.

Kasama ni Ciara sa Subtext si Paolo Contis, Hannah Arguelles at Ely Cellan.

“Partner ko dito si Paolo Contis. Nag-shooting kami for one day for that film because yun nga, it’s unconventional kasi may pagka-comedy siya na biglang nagiging serious,” lahad niya.

Ang Subtext ay based sa script na napanalunan ni Direl Njel as 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ciara Sotto reiterates ALLTV network's stand regarding some shows that temporarily stopped airing "due to technical issues: "Wala silang sinabi ever na titigil kami, na maaalis ang mga show sa ALLTV. Hindi po talaga."
PHOTO/S: Julie E. Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results