Sparkle artist Kim Perez reveals strategy to stand out among the many Kims in showbiz

by Jojo Gabinete
Mar 15, 2023
kim perez sparkle
Kim Perez: "Bata pa lang ako, pinu-pursue na ng father ko na mag-artista ako. Siya talaga ang may gusto dahil sobrang mahiyain ako. Nalulungkot ako dahil hindi niya nakita na natupad ang kanyang pangarap na maging artista ako. Namatay siya dahil sa heart attack when I was 12 yeas old."
PHOTO/S: @mr.kimperez on Instagram

Ang dating pulis na ama ng Sparkle artist na si Kim Perez na si Albert ang may pangarap pumasok sa showbiz ang kanyang anak, pero hindi na niya ito nasaksihan dahil binawian siya ng buhay labindalawang taon na ang nakararaan.

Read: Johnny "Mr. M" Manahan explains how artists of Sparkada are chosen

Twelve years old lamang si Kim nang maulila siya sa ama dahil sa atake sa puso kaya nanghihinayang siyang hindi naabutan ng tatay niya na natupad ang pangarap nito para sa kanya.

“Ang father ko was pulis na pastor, PNP!” natawang sabi ni Kim nang ikuwento niya ang kasaysayan ng pagsisimula ng kanyang showbiz career.

“Quezon City police siya pero pareho sila ng nanay ko na dating mga sundalo.

“Bata pa lang ako, pinu-pursue na ng father ko na mag-artista ako. Siya talaga ang may gusto dahil sobrang mahiyain ako.

“Nalulungkot ako dahil hindi niya nakita na natupad ang kanyang pangarap na maging artista ako. Namatay siya dahil sa heart attack when I was 12 yeas old.

“Never niyang nakita na nasa TV ako, kasi ito yung pangarap niya para sa akin.

"Ultimo yung commercials na nagawa ko, never niyang nakita,” pagbabahagi ni Kim tungkol sa pumanaw na tatay niya na nag-udyok sa kanya para seryosohin ang pag-aartista.

GOD'S PLAN

Pangalawa si Kim sa anim na magkakapatid.

Retirado na rin mula sa serbisyo ang nanay niya.

Nagpakatotoo ang 24-year-old aspiring actor nang ipagtapat nitong hindi naging madali ang buhay nila dahil nagkaroon sila ng mga problema sa pananalapi nang mawala ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Kim, “Biglang nag-collapse yung finances ng family namin dahil nagkaroon ng problem sa pension ng mother ko.

“Yung pension ng father ko, lifetime lang, hindi transferable. Kailangan namin magsikap.

“Nag-stop na ako sa commercials kasi mahirap, hindi stable job. Siguro kung hindi naging artista, flight attendant or chef. Nandoon talaga ang passion ko sa pagiging chef.”

Naniniwala si Kim na plano ng Panginoong Diyos ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay.

WHO IS KIM PEREZ?

Mark Timothy Perez Mativo ang tunay na pangalan ni Kim.

Ang dating manager niyang namayapa na rin ang nagbigay sa kanya ng screen name na Kim Perez.

Nang pumirma si Kim ng kontrata sa Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network, hindi na binago ang kanyang screen name.

Ito ay sa kabila ng isa siya sa maraming mga showbiz personality na Kim ang pangalan gaya nina Kim Atienza, Kim Chiu, Kim de Leon, at Kim Domingo.

Ayon kay Kim Perez, “Yung pagpasok ko sa Sparkle, akala ko papalitan nila ang screen name ko kasi marami nga ang Kim.

“But for me, very catchy naman ang Kim Perez, yun nga lang marami akong kapangalan.”

Ano ang gagawin niya para umangat siya sa showbiz sa kabila ng palasak na pangalan na Kim sa showbiz?

“Number one, attitude. Siguro, second na lang yung acting at talent.

“Ipapangako ko sa sarili ko, gagalingan ko kasi nandito na ako. Mas magiging dedicated talaga ako,” sagot ni Kim.

Huminto muna si Kim pag-aaral para pagtuunan ang showbiz career niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nag-stop ako sa HRM na HM course na ngayon, pero thankful ako dahil may ibinibigay na program ang Sparkle para sa mga huminto sa pag-aaral.”

Nagpapasalamat si Kim dahil may regular show siya sa GMA-7, ang sports romance series na Hearts on Ice, na nagsimulang umere noong Lunes, March 13, 2023.

Madalas ding napapanood si Kim bilang guest co-host sa morning program na Unang Hirit.

Nakagawa na siya ng isang pelikula, ang Cheat Day ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Alexa Miro.

Kaibigan ni Derrick ang karakter na ginampanan ni Kim sa Cheat Day.

Wala pa siyang balita kung kailan ipalalabas sa mga sinehan ang kauna-unahang pelikula na ginawa niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Perez: "Bata pa lang ako, pinu-pursue na ng father ko na mag-artista ako. Siya talaga ang may gusto dahil sobrang mahiyain ako. Nalulungkot ako dahil hindi niya nakita na natupad ang kanyang pangarap na maging artista ako. Namatay siya dahil sa heart attack when I was 12 yeas old."
PHOTO/S: @mr.kimperez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results