Yassi Pressman active again in showbiz after taking a break

by Jerry Olea
Mar 15, 2023
yassi pressman kurdapya presscon
Yassi Pressman on what excites her in terms of projects: “The thing that I enjoy the most po is pag nalalagay po ako sa isang lugar na hindi ko po alam kung anong gagawin. Hinahanap ko po sa sarili ko at sa mga tao pong nakapalibot sa akin, na kumukuha po ako sa kanila kung gusto po nilang magbigay ng knowledge."
PHOTO/S: Jerry Olea

Twintastic si Yassi Pressman bilang Kuring at Daphne sa komediseryeng Kurdapya, na magpa-pilot episode sa Marso 18, 2023, Sabado ng 6:00-7:00 p.m., sa TV5.

Read: Yassi Pressman, nagdalawang-isip tanggapin ang comedy role sa Kurdapya

“Sobrang excited ko po dito sa Kurdapya!” bulalas ni Yassi sa mediacon noong Marso 9, Huwebes, sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City.

“Unang-una, bago po sa akin maging kambal. Bago po sa akin ang mapagkatiwalaan po ng isang comedy project.

“Na feel ko po, napakabaduy ko po pero ginagamit naman ni Direk Easy [Ferrer] ang pagkabaduy ko!

“At si Kuring naman po at si Daphne, ang pagkakaiba po nila… si Kuring ay wala talagang pakialam na tao sa kahit anong bagay, pero yung puso niya, sobrang buung-buo.

“Mahal niya yung nanay niya, yung heart niya pure sa mga tao, pero lagi lang ho talaga siyang nilalait, inaapi.

“And siya naman, parang lumalaban pa rin naman siya pero hindi matapang at hindi yung makakasakit siya.

“Minsan sa utak niya, feeling niya sumasagot siya, e, alam mo yun? Tapos ika-cut niya po, tapos biglang aalis na lang siya.

“Throughout the story, maganda po yung pag-grow nila.

"Ahh, kay Daphne naman po… Daphne is super-spoiled brat!

“Ahhm, ipinanganak po na mayaman, gusto niya pong kunin yung kumpanya nung tatay niya.

“Pero dahil po siguro hindi po siya nabibigyan ng atensiyon, nagrerebelde po siya. So, ginagawa niya lahat ng mga bad stuff para lang po mapansin.

“And they learn from each other po. And they complement each other din po na matututunan din po nila along the way.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang leading men ni Yassi sa Kurdapya ay sina Marco Gumabao at Nikko Natividad.

Kasama rin sa cast sina Ryza Cenon, Katya Santos, Lander Vera-Perez, Jela Cuenca, Akihiro Blanco, Juliana Parizcova Segovia, Candy Pangilinan, at iba pa.

kurdapya poster

KURING AND DAPHNE

Kanino mas naka-relate si Yassi, kay Kuring o kay Daphne? Aling characteristics ng dalawa ang meron din siya?

“Ahhmm meron po akong mga sarili ko po with both of the characters. Si Kuring… siguro po si Kuring,” sambit ni Yassi.

“Si Daphne po kasi talaga, maldita! Malditang-maldita po talaga siya. Pero marami po siyang matututunan about herself, alam niyo po yun? Growth.

“Pero si Kuring naman… marami ring natututunan si Kuring pero in the beginning, mas Kuring po yata ako.

“Kasi minsan kahit meron akong prim and proper version of myself, ngayon mas naging open na rin po ako kahit ahhmm two years ago, or sa YouTube po minsan pag nagba-vlog nalalabas ko rin yung pagka-kalog side ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Na mas nagiging Kuring din po talaga, na nagugulat din poyung mga tao na I’m that energetic, that open or daldal. Kaya yun, I think mas Kuring.”

yassi pressman kurdapya

Sa istorya ng komediseryeng Kurdapya, nagpalitan ng sitwasyon ang kambal na sina Kuring at Daphne. Kaya bale apat ang “characterization” ni Yassi — Kuring, Daphne, Kuring pretending as Daphne, and Daphne pretending as Kuring.

Nag-workshop ba siya bilang paghahanda sa challenging role na ito?

“Actually, dumiretso na po kami dahil sa time limit. Pero tinitimpla po namin lalo po nung mga unang araw,” pagtatapat ni Yassi.

“Kasi medyo sanay po ako dun sa subtle, natural nung una. Kaya sinasabi ni Direk, ‘Hayaan mo na, Yas! Bitawan mo na lang! Let go talaga!’

“Sabi ko, ‘Talaga, Direk? Gaano ka-let go?’ Sabi niya, ‘Yung talagang let go na let go!’ Kaya sabi ko, ‘OK, sige!’ Kaya chine-check ko sa kanya lagi, ‘OK po ba, Direk?’ Ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa pagdadrama sa pelikulang More Than Blue at pagho-host ng game show na Rolling In It Philippines, nahirapan ba siyang mag-adjust sa pagko-comedy?

“Ang na-enjoy ko po sa Rolling, seasonal po kami. So every year, parang meron ulit kaming bagong season tapos may pahinga po,” saad ni Yassi.

“Sa hosting po kasi before, nung dumating po yung MTV dito sa Asia, kinuha din po nila ako. Dun ko po nalaman na, ‘Ahh kaya ko palang mag-host.’ Na hindi ko inakala rin.

“The thing that I enjoy the most po is pag nalalagay po ako sa isang lugar na hindi ko po alam kung anong gagawin.

“Hinahanap ko po sa sarili ko at sa mga tao pong nakapalibot sa akin, na kumukuha po ako sa kanila kung gusto po nilang magbigay ng knowledge.

“Parang dito, kay Direk Easy po, andami niya pong nabibigay sa akin, pati sa mga komedyante around me na nagpapalakas po ng loob ko.

“And yun, nae-enjoy ko po ang mga bagay na hindi ko pa po nagagawa noon. And ayun, it’s a learning process po for me.”

TAKING THINGS SLOWLY

Naghinay-hinay sa showbiz load si Yassi. Hindi siya masyadong napagkikita noong kasagsagan ng pandemya, at ngayon na lang sa Kurdapya siya nagpapakaaktibo muli sa showbiz scene.

Pag-amin ni Yassi, “Sinabi ko po kina Boss na I’m gonna take things slowly muna dahil po marami pong nangyari sa akin over the pandemic din.

“Maraming realizations and the value of time was so important to me na nabigay ko po yung halos apat, limang taon ko rin po na araw-araw din na nagtatrabaho.

“Na parang pinatayo ko po yung bahay ko para sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, and for my dad.

“And when I lost my dad din po, dumiretso rin po ako sa trabaho. And after everything, sabi ko, OK, kami na lang po ng kapatid ko.

“So habang kaya, itong panahon na ito, I’m going to treasure this time. I’m gonna bawi sa mga taon po na nawala ako, and really give them my all.

“Para pagbalik ko po sa trabaho, mabigay ko uli yung 100 percent ko. Kasi ahhmm wala po dun ‘yung… kulang sa puso ko na… ‘Sana, nabigay ko ito!’

“So, after po nung napuno na ako nun, kukunin ko po yung pelikula, two weeks, two months, ganyan, balik ulit sa bahay and then now, ready na po ako ulit!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman on what excites her in terms of projects: “The thing that I enjoy the most po is pag nalalagay po ako sa isang lugar na hindi ko po alam kung anong gagawin. Hinahanap ko po sa sarili ko at sa mga tao pong nakapalibot sa akin, na kumukuha po ako sa kanila kung gusto po nilang magbigay ng knowledge."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results