Barbie Forteza at David Licauco, magkasama sa month-long summer special

by Rommel Gonzales
Mar 18, 2023
barbie forteza david licauco daig kayo ng lola ko
Maria Clara at Ibarra stars Barbie Forteza and David Licauco star in the special month-long episode of Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady and Luke. The two Kapuso stars are also slated to work in another project this summer.
PHOTO/S: GMA Network

Magkakasama muli ang magka-love team na sina Barbie Forteza at David Licauco ngayong summer.

Pagkatapos ng matagumpay nilang pagsasama sa prime-time series na Maria Clara at Ibarra, magkasama muli ang dalawa sa month-long special na Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke.

At mukhang masusundan ito ng isa pang panibagong proyekto.

Sa ginanap na Zoom mediacon para sa Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke noong March 7, 2023, tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Barbie kung ano ang summer plans nila ng kanyang pamilya at ng boyfriend niyang si Jak Roberto.

“Summer plans? Thankfully I’ll be working, I’ll be going places ngayong summer so medyo planned out na siya, which I’m really happy about,” sagot ni Barbie.

“And I’ll see you there, David,” sabi ni Barbie sa katabing si David.

Sagot naman ni David, “I’ll see you there.”

Nangangahulugang magkasama sila sa isang bagong project na ngayong summer nila gagawin.

Tinanong ng PEP.ph ang dalawa kung saang lugar ang tinutukoy nila.

“Letter A, okay!” ang tumatawa pa ring pa-clue ni Barbie.

“Stop me, stop me, Barbie, stop me!” sagot naman ni David.

“Huwag niyong hamunin si David, pati date sinasabi!” tawa pa rin nang tawang reaksiyon ni Barbie.

“Palabas na, e,” palusot ni David.

So, iisa pala ang summer plans nilang dalawa—work and bakasyon?

“Yeah,” mabilis na sagot ni David.

Ayon pa kay Barbie, “Actually, yung summer plans namin, hindi ganun kainit, no? Parang medyo malamig siya, no?”

Hirit naman ni David, “Medyo malamig. Puwedeng Baguio siguro, yung mga ganun, Tagaytay, mga ganun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Puwedeng sa aircon, ganun!”

Tumatawang pagsang-ayon ni Barbie, “Puwedeng sa aircon!”

Ang Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke ay tungkol sa sumpa, karma, suwerte, at kamalasan.

Tinanong namin si Barbie kung naniniwala ba siya sa sumpa.

“Naniniwala ba ako sa sumpa? Sa sumpa siguro hindi. Pero sa suwerte at malas, sa karma? Oo.

“Pero sumpa, not really,” tugon niya.

Hindi pa ba siya umabot sa punto na sa sobrang galit niya sa isang tao ay muntik na niya itong isumpa?

“Parang hindi ko siya sinumpa, parang pinatay ko siya sa isip ko.

“Hindi ako umabot sa sumpa, patay agad, ganun kalala!” tawa nang tawang pagbibiro ng Sparkle actress.

Bawi niya, “Hindi, wala, hindi ako… I don’t curse people, really.”

Bilang sariwa pa rin sa alaala ng marami ang phenomenal hit nilang Maria Clara At Ibarra, ano ang greatest o best lesson learned niya mula sa paggawa ng nabanggit na serye kung saan gumanap siya bilang pangunahing tauhang babae na si Klay?

Ayon kay Barbie, “Na siguro as Klay na lang po, kahit na anong course ang kinuha mo sa college o kahit anumang pinagdadaanan mo sa buhay bilang isang tao, importante pa rin na balikan ang history kasi doon babalik yung pagiging makabayan mo.

“Doon babalik yung pagmamahal mo sa bayan mo.

“So, kailangan talaga, you have to know your roots and kung papaano talaga ipinaglaban ng mga kalahi natin itong bansa natin para mas mahalin natin siya.”

Ano naman ang natutunan niya sa pagiging bidang babaeng karakter sa Lady & Luke?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang natutunan ko sa Daig Kayo Ng Lola Ko [Presents] Lady & Luke ay, coming from my character Lady, siguro is to be more sensitive around other people.

“Na parang huwag kang masyadong maging selfish. Kumbaga, yes, may problema ka, yes may pinagdadaanan ka, pero hindi lang ikaw ang may problema.

“So, hindi lang ikaw ang nahihirapan, sa pag-handle ng buhay.

“So you have to be sensitive, you have to be considerate, iwasan ang pagiging control-freak at pagiging bossy and matutong makisama.”

Nagsimulang umere ang Lady & Luke sa GMA nitong March 12. Patuloy itong mapapanood ngayong March 19, at sa March 26 at April 2 tuwing alas sais ng gabi.

Sa direksiyon ni Rico Gutierrez, nasa cast din ng Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke sina Vince Maristela, Gilleth Sandico, Hannah Precillas, at Bodjie Pascua.

Katuwang din sa pagbuo ng kuwento ng Lady & Luke sina creative director Aloy Adlawan, creative consultant Jojo Nones, headwriter Agnes G. Uligan, at episode writers na sina Patrick Louie Ilagan at Loi Argel Nova.

Kasama rin sa team ang writers na sina Rona Lean Sales at Renei Dimla.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maria Clara at Ibarra stars Barbie Forteza and David Licauco star in the special month-long episode of Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady and Luke. The two Kapuso stars are also slated to work in another project this summer.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results