Isabelle Daza shoots kissing scene with Gerald Anderson for first teleserye in ABS-CBN

Among the biggest supporters of Isabelle Daza during the screening of her first Kapamilya project was her mom, Gloria Diaz. She quips, "Iisa lang ang eksena ko, pero nandito siya, halata bang stage mom siya?"


Unang proyekto ni Isabelle Daza ang inspirational teleserye na Nathaniel mula nang lumipat siya sa bakuran ng ABS-CBN ngayong 2015.

Kaya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa special celebrity screening ng teleserye sa Cinema 7 Trinoma kahapon, April 12, hindi niya maitago ang excitement na mapanood ang pinaghirapang nilang first five episodes.

Bungad ni Isabelle, "I'm excited, at siyempre, nervous din kasi unang proyekto ko ito sa ABS-CBN.

"Ako si Atty. Amantha Amante dito, ang girlfriend ni Paul Laxamana [Gerald Anderson].

"So, makikita natin ang mga bala ko sa istorya, ayoko munang i-reveal kung anu-ano ang mga ito."

Nakatakdang umere sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang Nathaniel sa April 20.

Bukod kay Gerald, kasama rin ni Isabelle dito sina Shaina Magdayao, Pokwang, Connie Reyes, at ang pinakabagong child discovery ng Kapamilya network na si Marco Masa.


KISSING SCENE. Isa sa mga ipinakitang eksena sa special screening ay ang kissing scene nila ni Gerald. Ano ang naging pakiramdam niya tungkol dito?

Nakangiting sabi ni Isabelle, "Oo nga, hindi pa kami gaanong magkakilala ni Gerald, may kissing scene na kaagad.

"So, nag-workshop kaming dalawa, parang getting-to-know you.

"Masayang kasama si Ge at si Tita Connie, sila ang lagi kong kasama."

Handa na ba siya sakaling may mag-bash sa kanyang fans nina Gerald at ang girlfriend nitong si Maja Salvador?

Tugon ng 27-year-old actress, "Ready na, you have to take it talaga.

"Pero alam ko, naiintindihan din ng fans na kailangan ng mga ganung factor.

"I'm sure, hindi rin naman sila nagagalit kay Paulo Avelino, 'di ba?"

Si Paulo ang leading man naman ni Maja sa Bridges of Love, na kasalukuyang ding ipinalalabas sa Kapamilya network.

Dugtong pa ni Isabelle, "Wala lang, deadma.

"I can't let everything I read affect me, otherwise, I'll go crazy, right?

"Friends naman kami ni Gerald, ni Shaina, at si Maja rin, kinakausap ko na, 'Ka-work-work ko ang dyowa mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya,"Oo nga, e.'"


FRENCH BF. Mayroon naman daw boyfriend ngayon si Isabelle—ang Frenchman at football player na si Adrien Semblat.

Okay din ba rito na mayroon siyang kissing scene sa kanyang leading man?

Pakli ng aktres, "Oo naman, naiintindihan naman niya."

Isa rin sa sumuporta sa kanya ay ang kanyang ina, ang beteranang aktres na si Gloria Diaz.

Natatawang sabi ni Isabelle, "I know. Nandito siya.

"Iisa lang ang eksena ko, pero nandito siya, halata bang stage mom siya?

"Hindi ko pa siya nakakausap para sa kanyang mga comment."


PRAISE-WORTHY. Samantala, wala raw masabi si Isablle sa galing ng kanilang lead stars, lalo na sa mabibigat na eksenang ipinalabas.

Isa rito na very remarkable ay ang breakdown scene nina Gerald at Shaina matapos mamatay ang kanilang months old na anak na si Nathaniel dahil sa aksidente.

Ani Isabelle, "Ang galing ni Shaina, at si Gerald din.

"Actually, lahat sila magaling, bawal ang hindi magaling.

"Yung role ko, may pagka-kontrabida, pero may bawi rin sa gitna.

"Meron siyang twists toward sa gitna, yun ang aabangan nila.

"So, para siyang play of characters, play of roles.

"Nakaka-proud, and talaga palang magaling ang Dreamscape, ngayon ko lang ito na-experience."

Dugtong pa niya, "It's very welcoming, very professional. Now I know why it's ABS [CBN]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN