Isabelle Daza on why she would rather not appear on ABS-CBN's noontime show: “I want to give respect sa Eat Bulaga.

Isabelle Daza on choosing not to appear on It’s Showtime: “I want to give respect sa Eat Bulaga.” The actress was previously a co-host of Eat Bulaga before she transferred to ABS-CBN in November 2014.


Para sa kanyang unang teleserye sa ABS-CBN, mapapanood si Isabelle Daza sa inspirational drama series na Nathaniel.

Ang teleserye na ito ay tungkol sa isang batang anghel (played by child actor Marco Masa) na bababa sa lupa para sa misyon na ibalik ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos at ipaalala ang kabutihan sa puso ng bawat isa.

Ang first few episodes ng Nathaniel ay ipinalabas sa celebrity screening sa Trinoma, Cinema 7, noong Linggo, April 12. Dumalo ang cast members na sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Coney Reyes, Pokwang, Jayson Gainza, Freddie Webb at marami pang iba. Pagkatapos ng screening ay nakapanayam ng PEP si Isabelle Daza tungkol sa kanyang unang teleserye matapos itong lumipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Ani Isabelle, “Ako rito si Atty. Martha Abante na magiging girlfriend ni Paul Laxamana [to be played by Gerald Anderson], so makikita natin yung mga masasamang balak ko rito sa teleserye.

“Ayun nakita n’yo naman, unang labas ko palang sa screen, may kissing scene agad kami ni Gerald, hindi ko pa nga masyadong kilala si Gerald, may kissing scene na agad kami. Nakakaloka!”

Paano ka nag prepare sa scene na yun? Medyo awkward ka ba?

“Nag-workshop kaming dalawa ni Gerald para medyo magkapalagayan kami ng loob before the scene. Masaya si Gerald ka-trabaho at magaling siyang aktor.”

“May pagka-kontrabida yung role ko rito pero may bawi din sa gitna, so parang play of characters, play of roles.”

Anong masasabi mo sa Nathaniel ngayong napanood ang first few episodes nito?

Isabelle: “Nakaka proud, tapos ang galing pala talaga ng Dreamscape, ngayon ko lang na experience yun.”

Kamusta ang first teleserye mo sa ABS-CBN? How was the experience?

Isabelle: “Very welcoming and very professional. Now I know why it is ABS-CBN.”

Parang narinig namin na ayaw mo mag-guest sa It’s Showtime? Ano ang reason? Pag binigyan ka ng chance na mag promote sa It’s Showtime, mag promote ka ba ng Nathaniel doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isabelle: “Ah, I think, it’s all in the right time. Pwede naman but at the right time. Pero siyempre, I want to give respect sa Eat Bulaga where I came from. At hindi ko naman kailangan mag-guest sa It’s Showtime or mag-hurado dun para lang mag-promote kasi I want to give respect sa Eat Bulaga. And I think Showtime will understand that.”

Kung kukunin ka bang host ng It’s Showtime, okay lang ba sa iyo?

Isabelle: “Huwag muna ngayon, I’m focusing on Nathaniel, yun na muna. Yun yung first project ko siyempre I have to focus on my first teleserye.”

Pero, ikaw ba personally ine-enjoy mo ba yung role being an evil character dito sa Nathaniel. Kasi first teleserye mo, tapos medyo evil agad ang role mo?

Isabelle: “Yes! In-enjoy ko, kasi ang hirap, parang ang hirap maging evil at may balak pang masasama. Parang it’s not me kaya dun ako na challenge.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN