Pokwang cries while recalling hardships in life



Marami mang mapapait na karanasan si Pokwang mga nakaraang taon niya sa buhay, hindi naman daw niya kailanman naisip na kuwestiyunin ang Maykapal.

Sa press conference ng bago niyang teleserye, ang Nathaniel, na ginanap kagabi, April 14, naiyak ang aktres nang balikan niya ang dati niyang buhay bago pa siya maging artista.

“Sobrang blessed na ako,” sabi ni Pokwang.

“Kapag iniisip ko 'yong buhay namin dati, 'yong natutulog kami ng walang pagkain, napaka-blessed ko.

“'Yong napag-aral ko ang anak ko sa magandang eskwelahan, na pangarap ng ibang magulang.”

Hindi na napigilan ng Kapamilya aktres ang maging emosyunal nang maalala niya ang tinitirahan nila noon.

Kwento niya, “'Yong nabigyan ko sila ng kani-kanilang bahay.

“Dati pinapalayas lang kami, wala kaming matirahan na paupahang bahay.

“Pero ngayon, lahat sila nabigyan ko na ng kani-kaniyang bahay.”

Patuloy pa niya, “Kaya ako, 'yon na lang ang sinasabi ko sa mga kapatid ko, 'Kapag hindi kayo naabutan, huwag kayong magtatampo. Tingnan n'yo na lang 'yong mga nakatira sa ilalim ng tulay, napakasuwerte pa rin ninyo.'”

Dahil dito, sabi ni Pokwang, “Wala akong dahilan para maging insecure pa.”


NEW BLESSING. Bukod sa matiwasay na buhay na nararanasan niya at ng pamilya niya ngayon, nagpapasalamat din si Pokwang sa bagong teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN.

Isa raw ito sa ipinagpapasalamat niya ngayon.

“Blessed lang ako kasi nasama na naman ako sa isang proyekto na kapupulutan ng aral.”

Kung madalas ay nakikita si Pokwang na nagpapatawa sa telebisyon, bahagya raw itong mababago sa Nathaniel.

Paglalarawan niya sa kanyang karakter sa teleserye, “Masaya ako kasi 'yong character ko rito, si Beth, hindi lang puro kadramahan o iyak lang nang iyak.

“Dito kasi, balanse lang, comedy and drama, basta masaya.”

Ang Nathaniel ay pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at ang bagong child actor na si Marco Masa. Ang pilot episode nito ay mapapanood ngayong Lunes, April 20, sa ABS-CBN Primetime Bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang rin dito sina Coney Reyes, Benjie Paras, Isabelle Daza, Jayson Gainza, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, ang kambal na sina Fourth at Fifth Solomon, at dating Hawak Kamay child actress na si Yesha Camile.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN