Inanunsiyo ng ABS-CBN na hanggang June 30, 2023 na lamang ang operasyon ng TeleRadyo, ang isa sa kanilang news channels.
Hindi na raw kaya pang palawigin ng parent company nitong ABS-CBN Corporation ang operasyon ng TeleRadyo dahil sa dinaranas nilang pagkalugi mula pa noong 2020.
Bahagi ng pahayag ng ABS-CBN ngayong Martes, May 23, 2023: “TeleRadyo has been incurring financial losses since 2020.
“Since ABS-CBN can no longer sustain TeleRadyo’s operations, ABS-CBN is left with no choice but to cease the operations of TeleRadyo effective 30 June 2023 to prevent further business losses.
“The company is deeply saddened by this closure and having to part ways with the many passionate and committed people who have made TeleRadyo an important source of news and information for many Filipinos.”
Ang TeleRadyo ay napapanood sa Facebook, YouTube, at iba pang online platforms ng ABS-CBN.
Sa kabila nito, patuloy raw gumagawa ng paraan ang ABS-CBN upang makapaghatid pa rin ng balita sa publiko.
May paparating umano silang partnership sa isang bagong news company.
Dagdag pa sa statement, “However, intending to find ways to continue providing news to the public, ABS-CBN is entering into a joint venture with Prime Media Holdings Inc.
"The new company will produce various programs, which will be supplied to broadcasters and other 3rd party platforms including Philippine Collectivemedia Corporation.
“Under the agreement, ABS-CBN will have a minority stake in the joint venture, and Prime Media Inc. will be the majority stakeholder.
"This gives some of our former personnel a chance to find job opportunities. It is also a way to continue providing accurate and balanced news and information to the country.”
FROM DZMM TO TELERADYO
Unang narinig sa himpapawid ang DZMM, ang AM radio station ng ABS-CBN, noong July 22, 1986, sa pamamagitan ng programa ng beteranang radio anchor na si Fidela "Tiya Dely" Magpayo.
Ilan sa pioneers ng istasyon sina Tiya Dely, Noli “Kabayan” de Castro, Ernie "Ka Ernie” Baron, at Cesar "Kuya Cesar" Lacbu Nucum.
Ang ibig sabihin ng "MM" sa DZMM ay "Malayang Mamamayan.”
Taong 2007, nag-level up ang programming ng DZMM dahil bukod sa napapakinggan sila sa radyo, napapanood pa ang anchors nila sa telebisyon.
Dito nabuo ang tawag sa istasyon na DZMM TeleRadyo.
Kasabay ng pamamaalam sa ere ng ABS-CBN Channel 2 noong May 5, 2020, natigil din ang broadcasting ng DZMM TeleRadyo.
Read: ABS-CBN went off the air 7:52 tonight, May 5, 2020
Ito ay matapos pagkaitan ng Kongreso, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.
Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal
Ngunit makalipas ang ilang linggo, nagbalik sa online ang news channel at tinawag itong TeleRadyo.
Makalipas ang halos tatlong taon, magpapaalam na rin ito sa himpapawid.
Read: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline; how much income did ABS-CBN lose in 2020?