“Oh, my God! Na-pressure ako!” natatawang sambit ni Julie Anne San Jose sa tanong kung kakasa ba siya sa isang back-to-back concert kasama ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
Guest si Julie Anne sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, May 24, 2023.
Binato ng tanong si Julie Anne mula sa isang netizen: “Si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ang pambato ng Kapuso pagdating sa concert performance. Curious kami kung handa ba siyang mag-perform kasama si Popstar Royalty Sarah Geronimo? Lalaban kaya siya sa isang back to back concert with Sarah G?
Seryosong sagot ng Kapuso singer, “Unang-una, Tito Boy, hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo. There can only be one Sarah Geronimo.
“It would be an honor, of course, na maka-duet po si Miss Sarah. Because I really look up to her.”
Hindi pa raw nakakatrabaho ni Julie Anne si Sarah.
Halatang hindi komportable si Julie Anne sa salitang ginamit na “lalaban,” kaya ginamit ni Boy ang phrase na “back to back” na performance with Sarah.
“More on like maghahanda, yes po, of course. Definitely. Of course…
“Kasi nga po she’s one of the people that I really look up to and isa siya sa mga naging influences ko rin sa music,” sabi ni Julie Anne.
Kasunod nito, ibinahagi pa ni Julie Anne nang mapanood niya si Sarah na nag-perform sa simbahan sa kanilang lugar sa Quezon City noon.
“Actually, share ko lang, naging choir po ako sa isang church po namin sa may Mindanao Avenue, and then malapit po si Miss Sarah doon.
"Tapos nakita ko po siya sa church nag-perform siya kasi Christmas noon so, like, wala lang, fangirling. Nag-fangirl talaga ako.
“It would be such an honor. I love her,” ani Julie Anne sa posibilidad na maka-duet si Sarah.