Ikinalugod ng viewers ng GTV, sister station ng GMA-7, at napanood nila muli si Kim Atienza na naghahatid ng ulat tungkol sa panahon kahapon, May 25, 2023.
Simula kasi nang lumipat si Kim sa GMA-7 ay hindi siya nagbabalita ng tungkol sa weather.
Ginawa ni Kim ang weather report sa show nilang Dapat Alam Mo! kung saan kasama niyang anchor sina Emil Sumangil at Patricia Tumulak.
Ang iniulat ni Kim ay ang tungkol sa paparating na super typhoon Mawar, na pagpasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ay tatawagin nang Bagyong Betty.
Sa Instagram ngayong Biyernes, May 26, ibinahagi ni Kim ang clip ng nasabing weather news niya.
Sabi niya sa caption: “#BettyPH lumakas nanaman habang papasok ng PAR. Ingat sa mga taga Northern Luzon sa malakas na hangin at ulan. MM, western Visayas at Mindanao, maulan din dahil sa pinalakas na Habagat. #kuyakimanona #dapatalammo”
View this post on Instagram
Komento ng isang netizen, “With all honesty, this is the first time to see Kuya Kim doing the weather report in the Kapuso network. Thank you Kuya Kim for informing Kapusos to keep us safe! May you be safe too!”
Heart emojis ang tugon dito ni Kim.
Sabi naman ng isa, “Sana kayo po muna ulit mag report ng weather news habang di pa din nakakabalik si Mang Tani”
Face with open mouth emoji naman ang sagot ni Kim.
Mensahe naman ng isang netizen, “Thank you for the update kuya kim ! Everyone stay safe.”
Inamin naman ng isa na, “Nakaka miss mag news weather forecast si kuya kim”
Raising hands emoji naman ang sagot ni Kim.
Ayon naman sa isa pa, “kuya kim,,tama po, sobrang nakakamiz ang pagbabalita mo regarding sa weather forecast at my kasama pang kaunting kaalaman,,,”
Nang lumipat si Kim sa GMA-7, naalarma ang mga tagahanga ng resident meteorologist ng GMA na si Nathaniel "Mang Tani" Cruz dahil baka raw palitan na siya nito.
Si Kim, o mas kilala bilang Kuya Kim, ang dating resident weatherman ng ABS-CBN primetime newscast na TV Patrol sa loob ng 17 taon.
Si Nathaniel, o mas kilalang bilang Mang Tani, ang resident weatherman ng GMA-7 primetime newscast na 24 Oras.
Read: Nathaniel "Mang Tani" Cruz trends amid Kim Atienza's GMA-7 transfer
Nilinaw rin niyang malabong palitan niya si Mang Tani bilang eksperto sa lagay ng panahon.
Aniya, "Funny nga, we were both trending in the Internet, 'Kuya Kim' and 'Mang Tani' kasi pinaglalaban kami. Sabi papalitan ko raw, et cetera, et cetera.
"Walang ganun. Gawa-gawa lang ng netizens."
Read: Kim Atienza says he cannot replace Mang Tani: "He was my mentor when I was a beginner in ABS-CBN."