Janno Gibbs wants to do sitcoms again

Janno Gibbs is presently finishing an album that will feature his own compositions of theme songs for GMA-7's recent teleseryes.



Inspirado at ganado ang King of Soul na si Janno Gibbs ngayon sa kanyang career kaya naman masaya ito na nakapag-produce muli ng bago niyang album, ang Novela under GMA Records.

Orihinal na kanta ang laman ng bagong album ni Janno na karamihan ay sarili niyang komposisyon ng mga theme songs ng mga teleserye ng GMA-7.

Noong April 15 lamang inilabas ang “physical format” o CD ng bagong album ni Janno kunsaan ang carrier single niya ay ang kantang “Lalake Lang Ako.”

Ayon kay Janno, isa raw sa una niyang ginawa ay tanungin ang asawa na si Bing Loyzaga tungkol sa lyrics ng kanta.

“Kasi yung song, ito yung side ng lalake, kaya tinanong ko si Bing kung okay lang ba kung babae ang makakarinig.

“Hindi ba siya offensive?

“Sabi naman niya, point of view naman daw kasi ng lalaki.

“Kaya may lyric din na, ‘Ako’y binata pa naman. Huwag lang malalaman ng misis ko kung ‘di malintikan.’”

Natawa lang si Janno nang biruin ito sa pocket presscon niya kung kanta raw ba niya sa sarili ang carrier single.

ACTING. Sa isang banda, kung novela naman ang buhay niya ngayon, anong teleserye naman kaya ang nakikita niya na puwedeng mapaghambingan?

Napaisip ito bago sinabing, “Yung bagong soap ng GMA-7, hindi pa siya ipinapalabas, pero tingin ko yung Healing Hearts.

Ang Healing Hearts ang bagong teleserye na pagbibidahan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Hindi pa pala niya masasabing healed na nga siya?

“Well, nandoon, pero mas bagay yung Healing Hearts,” natatawa niyang sabi.

Aminado si Janno na nami-miss na niya ang pag-arte.

“Nakakamiss, oo naman, pero mas nami-miss ko yung mag-sitcom.

"So kung may gusto man akong gawin ngayon, yung sitcom kasi marami rin akong nababasa, nagtatanong sila.

“Kailan daw ba ko magsi-sitcom ulit? Parang na-miss din nila yung Mokong days, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So sana, makapag-sitcom din, magpatawa naman.”

PLAYING IT BY EAR. Pagdating sa musika, kumpara raw sa kanyang kumpare at kaibigan na si Ogie Alcasid, hindi raw siya marunong sa mga instrument.

Kapag gumagawa raw siya ng kanta ay sinasabi niya ito sa kakapa ng melody.

Sabi niya, “Hindi ako marunong sa instruments, unlike si Ogie.

“Ako kasi, kapag gumagawa ng kanta, madalas yung melody ang una kong naiisip.

“Saka ko iisipan ano kaya ang magandang words, ganun…”

Para kay Janno, tumayming naman daw na wala siyang teleseryeng ginagawa nang gawin niya ang album dahil nakapag-focus siya rito.

Ang mga kantang nakapaloob sa Novela album ni Janno ay “Bangong Kaibigan;” “Dading” (duet with Glaiza de Castro); “Ikaw, Ako at Siya” (theme song ng Ang Dalawang Mrs. Real with Jaya and Julie Ann San Jose); “My BFF” (with Jillian Ward and Mona Louise Rey); “Never Gonna Let You Go” (duet with Jennylyn Mercado); “Paraiso Ko’y Ikaw;” “Sa Iyong Mundo” (featuring Chi and Gans Gibbs, theme song of Kambal Sirena); “Cheezy Call (duet with Solenn Heusaff); “Bagong Umaga (theme song of Strawberry Lane, featuring Julie Anne San Jose); “Lihim” (theme song ng Ang Lihim ni Annasandra), at ang wedding theme song nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na “Mestizang Caviteña.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN