Akihiro Blanco comfortable working with Inah Estrada in their Wattpad series

Akihiro Blanco hopes for an offer of a kontrabida role. "Kasi feeling ko, dun talaga lalabas ang aking pagiging artista," he says.


Kahit first time ni Akihiro Blanco na makatrabaho si Inah Estrada, kumportableng-kumportable raw ang Kapatid actor habang ginagawa nila ang Wattpad Presents: The Nerdy Girl Turns Into A Hottie Chick.

Ang The Nerdy Girl Turns Into A Hottie Chick ang pinakabagong installment sa series of Wattpad stories na binibigyang-buhay ng TV5 sa telebisyon.

Magsisimulang mapanood ang kanilang episode ngayong Lunes, April 20, 9 P.M.

Sabi ni Akihiro tungkol kay Inah, “Kumportableng-kumportable kaagad ako sa kanya.

"Hindi ko nga alam, kasi hindi pa kami nag-i-start ng taping ni Inah... akala ko, dahil first time namin, akala ko, walang chemistry.

"Pero nung nandun na kami sa set, yung time na umarte na kami, sobrang, 'Wow, iba talaga ang feeling!'

"Kumportable kaagad ako at marunong siyang umarte.

"So, nagulat ako, at mabuti na lang na meron pala kaming chemistry."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Akihiro sa presscon ng Wattpad Presents: The Nerdy Girl Turns Into A Hottie Chick noong Biyernes, April 17.


FAMOUS PARENTS. Pero nakaramdam ba siya ng kaba habang magkaharap sila ni Inah sa camera?

Pag-amin ni Akihiro, "Oo, talagang may kaba ako.

"Kasi ang parents niya, artista rin.

"Sigurado ako na papanoorin 'yan ng daddy at mommy niya.

"Kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin nila.

"Pero wala naman sa akin yun. Basta ako, go with the flow lang."

Si Inah ay anak ng award-winning actors na sina John Estrada at Janice de Belen.

Dahil una nilang nagsama bilang magka-loveteam, tinanong namin si Akihiro kung ano ang pulso niya sa tandem nila ni Inah.

Sabi ng Artista Academy alumnus, "Siguro ako... kasi ako, love ko talaga itong acting, sobra.

"Wala naman siguro sa akin na kung ipi-pair ako sa iba.

"Sa akin talaga, ang ginagawa ko ay trabaho, kaya kailangan kong galingan.

"I hope magustuhan ng supporters itong tandem namin, kasi unang pagkakataon nga kaming magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana subukan nila, at sila na rin ang mag-judge.

"Kung ako ang tatanungin, okey kami, may chemistry kami ni Inah."


FIRST IMPRESSION. Ano naman ang unang naging impression niya nang makilala ang dalaga nina John at Janice?

Nangingiting saad ng binata, "Cute siya, maganda.

"Akala ko nga, fourteen years old lang siya nung una, kasi maliit at saka mukhang bata, e.

"Yun pala, halos magkasing-edad na rin pala kami, around twenty-one ba siya o twenty-two...

"At nagulat ako, dahil batchmate niya pala ang ate ko sa OB Montessori, sa Greenhills.

"Batchmate ko rin yung kapatid niyang mas bunso sa kanya.

"Ako, magtu-twenty na ako ngayong July."


DREAM ROLE. Sa puntong ito, inalam namin kay Akihiro kung ano ang kanyang dream role na hindi pa niya nagagawa simula nang maging artista siya.

Sagot niya, "Kasi, nagsimula ako sa pa-cute-cute na role, 'tapos sa rom-com nga, tulad nitong Wattpad.

"Yung dream role ko talaga para sa sarili ko, gusto kong ma-try na maging kontrabida, as in sobrang kontrabida.

"Gusto kong maging masama [sa role], kasi feeling ko, dun talaga lalabas ang aking pagiging artista.

"At saka action, kung mabibigyan ng chance."

Sa contract stars naman ng TV5, sino ang gustung-gusto niyang makatrabaho?

Tugon ng 19-year-old actor, "Sana lahat ng mga nakasama ko sa Artista Academy ay makatrabaho ko.

"Kasi, lahat sila ay kumportable ako at mga kaibigan ko talaga.

"Pero yung isa lang talaga, gusto ko si Eula [Caballero], kasi best friend ko.

"At saka, 'pag nag-uusap kami, tawanan lang kami nang tawanan.

"Siguro kung makatrabaho ko siya, sigurado ako na sobrang laugh trip talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN