Mikael Daez trains in Cambodian martial arts for international teleserye

Mikael Daez and Andrea Torres will lead the other Asian actors In their first international teleserye that will be released in Cambodia and the Philippines.


Gaganap si Mikael Daez bilang isang Bokator fighter sa international TV series na Blood In Dispute.

Ang Bokator o “pounding a lion” ay traditional martial arts ng Cambodia.

Unang action role ito ni Mikael.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Miakel bago sila lumipad ni Andrea Torres sa Cambodia, tinanong namin siya kung ano ang preparasyon niya para sa kanyang role.

Sagot ng Kapuso actor, “For the past… well, last week nag-break ako from Muay Thai.

“Pero Muay Thai kasi is very similar to Bokator, iyon yung parang foundation niya… nag-research na rin ako.

“And I was doing Muay Thai for around two and a half weeks.

“Nag-basketball kasi ako, ‘tapos na-sprain ko yung paa ko kaya tumigil ako.

“But it was okay, okey na siya, ayan o,” sabay pakita ng kamay niya na may mga sugat, bukod sa sprain nito sa paa, dahil sa pagkakatumba sa isang basketball game.

Kasama raw ang pagba-basketball sa preparasyon ni Mikael.

“Parang nagpakundisyon lang ako so parang cross-training ko na yung basketball.

“Basketball sa aspalto, aspalto yung nilaruan ko, e, napatid ako.

“Pero okay naman, buhay pa, malayo sa bituka!”

BLOOD IN DISPUTE. Ang Blood In Dispute ay mini-series na co-production sa kauna-unahang pagkakataon ng GMA at ng isang foreign TV station, ang Cambodia TV Network o CTN.

“Siyempre happy ako!” bulalas ni Mikael tungkol sa bago niyang international TV project.

“Because I think two and a half years ago, kami ni Miss Hazel [Abonita, GMA’s program manager], nag-Cambodia na kami, iyon yung first time ko.

“And napakaganda talaga ng reception, ang warm ng reception nila.

“And then, naulit siya last year rin, kami nina Andrea, and then parang gusto nila ulitin.

“E, instead of another visit, naging teleserye!

“Nakakatuwa kasi yung last visit namin ni Andrea, iyon yung pinag-uusapan namin ng general manager doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ‘Yeah, hopefully we could get to do a project, something bigger than this.’

“Nagkatotoo nga! So, tuwang-tuwa ako dahil, I guess, naging priority kami sa kanila.

“Parang medyo unbelievable kasi hindi naman namin inaasahan ni Andrea na makikilala kami dun.

“So ngayon na nangyari, nakakatuwa.”


EXCITING. May pressure ba sa kanya na foreign actors at director ang makakatrabaho niya?

Tugon ni Mikael, “Hindi naman, I think more of excited.

“If ever may pressure man diyan, I think natabunan siya ng excitement.

“I mean, very exciting yung nangyari, yung offer sa amin.

“Very exciting na nandun kami sa Cambodia for three weeks so, I guess, natatabunan lahat ng mga emosyon ng excitement.

“Kaya i-enjoy-in namin ni Andrea, we will work together to make sure the project is good.

“I think yung proseso nung pagpasok ko… paggawa nung project, hindi maiiba sa proseso dito sa Pilipinas.

“It has to be a team effort, kailangan from the director, the production, to the actors, team effort para maganda yung project.”

Hardcore action star ba ang ganap niya sa show?

Sabi ni Mikael, “Feeling ko, at the end of the day, love story... ako lang, ha, iyon yung tantiya ko.

“Hindi ko pa nakikita yung buong script… kasi sa Cambodia, type nila yung mga serye natin.

“E, ang mga serye natin, kahit ano ang mangyari, yung ending niya, love story pa rin.

“Hindi ba? I-horror mo na ‘yan, love story pa rin ‘yan, e!” tawa niya.

Naayos naman daw ang schedule ni Mikael para hindi magkaroon ng conflict ang kanyang pag-alis sa taping niya for Ismol Family at Bubble Gang, at maging ang "Midnight Express" segment niya sa Saksi.

Mamamalagi sa Phnom Penh, Cambodia si Mikael at Andrea hanggang sa May 7 para sa shooting at promo ng Blood In Dispute.

Makakatrabaho nina Mikael at Andrea ang international actors na sina Khat Vaihang, Maes Thorn Sreynai, at Tep Rindaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang direktor nito ay ang acclaimed Canadian director na si Ken Simpson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN