Lotlot de Leon hails Magpakailanman co-stars Jake Vargas and Kiko Estrada "good actors"

Sa unang beses ay makakatrabaho ni Lotlot de Leon ang Kapuso young actors na sina Jake Vargas at Kiko Estrada sa "Kapatid Sa Ina" episode ng Magpakailanman hosted by Mel Tiangco.


Sa unang beses ay makakatrabaho ni Lotlot de Leon ang Kapuso young actors na sina Jake Vargas at Kiko Estrada sa "Kapatid Sa Ina" episode ng Magpakailanman hosted by Mel Tiangco.

Gaganap si Lotlot bilang ina nina Jake at Kiko.

Kaya hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng komento si Lotlot tungkol sa acting ng dalawang young Kapuso male stars.

Sabi niya, “Mabuti, mainam!

“Tinatanong ko si Jake, kasi si Jake pala, he lives in Subic and he travels just to work.

“Bilib ako sa kanya!

“Sabi ko nga, bakit hindi siya kumuha ng bahay within Metro Manila.

“At least man lang… when he’s tired from taping or back-to-back ang trabaho niya.

“Masipag, siya ang nag-aasikaso sa pamilya pala niya, e.”

Ano naman ang pakiramdam na kung dati ay kasamahan niya sa That’s Entertainment si Gary Estrada, ngayon ay ang anak nitong si Kiko ang katrabaho niya?

“Actually, sabi ko, ‘Sino ang mommy mo?” at tumawa si Lotlot.

Ang dating aktres na si Cheska Diaz ang ina ni Kiko.

“Sabi ko kay Kiko, they’re both good friends of mine, yung mom and dad niya.

“Ano naman si Cheska, she’s very… like 'pag nagkikita kami, parang kahapon lang kami huling nagkita.

“Mabait si Cheska, si Gary ganun din.

"Nakatrabaho ko si Gary ilang beses na, e.

“But he’s [Kiko] very much, ano siya, e, mas para siyang si Joko.”

Kapatid ni Cheska ang aktor ding si Joko Diaz.

“Nakikita ko si Joko sa kanya [Kiko]. Mas nakikita ko yung Diaz sa kanya.

"Siguro yung sa mata, parang kay Gary.

“Magaling umarte! He’s very good, at saka may lalim, may lalim siya, grabe!

“He has a very bright future ahead of him, kaya ipagpatuloy niya.

“At saka mas gagaling pa kasi bata pa, e,” pagtukoy pa ni Lotlot kay Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol sa isang sanggol na ninakaw ang kuwento ng "Kapatid Sa Ina" na may matinding twist sa muli nilang pagtatagpo na mag-iina.

Ang episode na ito ay mapapanood sa Magpakailanman sa Sabado, April 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN