Manny Pacquiao celebrates his victory on "Pinoy Records"


Manny Pacquiao, the new World Boxing Council super featherweight champion, will reminisce his sweet victory on the GMA-7 show Pinoy Records. It airs this Saturday, March 29, after Wish Ko Lang.


Mula sa kanyang matagumpay na laban sa Las Vegas, ipapakita sa GMA-7 show na Pinoy Records ang mga hindi pa nakikitang footage matapos ang pagkakapanalo ni Manny "Pacman" Pacquiao laban sa Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez. Makikita rin ang masayang pagsalubong ng mga taga-General Santos sa Pambansang Kamao.

Samantala, sa segment na "Sikat on the Spot," magtatagisan sina Viva Hotbabe JC Parker at comedienne Angelika Jones para maging Slide Queen. Ipapakilala naman ni Chris Tiu sa "Idol ng Bayan" ang Philippine Sepak Takraw Team. Ang sepak takraw, isang laro na kilala rin sa tawag na sipa, ay gumagamit ng rattan ball.

Dinayo rin ni Chris ang kauna-unahang Pinoy restaurant sa Las Vegas, ang Epoy's Philippine Fast Food and Restaurant.

Sa "Todo Mo Na," kilalanin si Catalino Remillion, ang lalaking hindi marunong umaray. Nakahanda siyang magpasagasa sa kotse habang nakahiga sa pako. At kaya niya ring hilahin ang isang jeepney sa pamamagitan lamang ng perdibleng nakakabit sa kanyang mga braso. Siya na nga ba ang tatanghaling Master of Pain?

Abangan din sa "For the Record," ang isang short feature on the phenomenal hit show Marimar.

Mapapanood rin sa March 29 episode ang bagong segment na "Hayop sa Galing" kung saan makikipagtagisan ang isang tao laban sa isang hayop. Para sa pambuwenang handog, magpapabilisan sa pag-inom ng isang galon ng tubig ang isang tao at isang camel.

Lahat ng 'yan sa isang espesyal na handog ng Pinoy Records para sa tagumpay ni Pacman! Abangan ngayong Sabado, March 29, pagkatapos ng Wish Ko Lang.

Pinoy Records is hosted by Manny Pacquiao and Chris Tiu every Saturday after Wish Ko Lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN