Coco Martin cries over MMK tribute for SAF 44; describes Angel Locsin as “napaka-humble na tao”


Naluha si Coco Martin nang inalala niya ang Garry Eraña, isa sa mga Special Action Force (SAF) commandos na nasawi sa trahedya na naganap sa Mamasapano, Mindanao.

Makakatambal ni Coco si Angel Locsin sa unang pagkakataon para sa two-part special ng Maalaala Mo Kaya tungkol sa Fallen 44.

Si Coco ang gumanap bilang SAF elite police unit member na si Garry samantalang si Angel naman ang gumanap bilang fiancee na si Suzette Tucay, isang lawyer. “Ginawa po naming ‘to bilang pagbibigay-pugay para sa mga kababayan natin na isinakripisyo ang kanilang mga sarili. Isa itong magandang paraan para mabigyang-halaga natin ang lahat nang ginagawa nila para sa ating bayan,” bungad ni Coco sa solo presscon niya na ginanap para sa two-part special na ito ng MMK, ang longest-running drama anthology ng ABS-CBN.

Bago magsimula ang Q&A ay ipinalabas muna ang trailer ng episode na ipapalabas sa dalawang magkasunod na Sabado ng gabi, April 25 at May 2.


Hindi naman napigilan ni Coco na mangilid ang luha sa kanyang mga mata pagkatapos mapanood ang trailer ng episode niya sa Maalaala Mo Kaya.

“Very emotional yung episode kasi siyempre ipinakita talaga namin dito kung ano yung totong buhay noong isa sa mga karakter doon sa SAF Fallen 44, si Sir Garry Eraña. Talagang pinandigan namin kung ano yung totoo, kung ano yung dapat ipakita doon sa buhay nila. Kung ano yung dapat ikwento.
“Siyempre na-experience namin hindi lang yung training, katulad kagabi, mas nakaka-touch kasi dinalaw kami nu’ng kapatid ni Sir Garry Eraña. Nakipagkwentuhan siya and then, almost everyday kasama naming lahat yung mga SAF kasi sila talaga yung mga ka-eksena namin.

“Kumbaga, sabi ko nga, ginawa talaga naming makatotohanan yung bawat eksena nu’ng episode namin, yung ginawa namin. And then, sila lahat yung nagkwento kung ano yung totoong nangyari.

“Nakaka-touch kasi sabi ko nga, sa buhay ng tao alam mo yung meron ka’ng natutunan eveyry time na may nakakausap ka lalung-lalo na kapag nalaman mo kung ano yung totoo bilang isang tunay na tao at kung ano yung mapapanood sa trabaho nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRUST FROM THE FAMILY. Kasama ni Coco sa presscon ang production manager ng Maalaala Mo Kaya na si Roda dela Cerna. Ayon sa kanya, mula mismo sa pamilya, girlfriend, at mga kaibigan ni Garry nagmula ang kwento ng buhay niya ang ilalahad nila sa MMK.

“Bale, after noong mangyari yung insidente may isang feature na tumatak sa amin, yung magkaibigang namatay. Magkatabi sa libingan. So, noong pinuntahan namin yung pamilya, initially, isang kwento lang yung pipiliin namin. Pero dahil magkadikit sila, hindi namin mapaghiwalay.

“Yung assault team, sila yung nakapatay kay Marwan. Ang back-up yung team ni Gary Eraña, eto po yung pino-portray ni Coco.

“So, magkaibigan sila na sabi nga ni Eraña, kapag umalis tayo dito, mamamatay ang Seaborne [84th Special Action Company]. So, parehong nag-sakripisyo para ano, para magampanan kung ano yung inuutos sa kanila. Hindi namin mapaghiwalay talaga yung kwento.

“Mahirap para sa amin na kuhanin yung kwento kasi right after na mainterview ng ABS-CBN, yung RNG [Regional Network Group] doon, pinasabi agad na interesado ang MMK.

“So, hindi na sila nag-entertain ng kahit na ano’ng network para kausapin pa. Kami lang po ang inentertain nila na TV network .

“In fact, nu’ng dumating kami, nandoon yung ibang TV networks. Pero ang sabi nila, ABS-CBN lang ang kakausapin namin. Nakakatuwa kasi pinagkatiwala [nila sa amin] at itong dalawang taong ‘to ay mga officer, mga leader ng kani-kanilang commando,” lahad ni Roda.

ON ANGEL LOCSIN. Gagampanan naman ni Ejay Falcon ang karakter bilang kapwa SAF commando at kaibigan ni Coco sa special episode ng MMK.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sina Coco at Angel Locsin bilang fiancee niya na isang lawyer.

Pinili ba sila to play their respective roles o siya ang nag-request sa MMK na gawin ang kwento ni Garry sa telebisyon?

“Actually, siyempre, pinili [kami], hehe. Pinili kami,” ani Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano’ng na-feel niya noong mapili siya for the role?

“Nakaka-proud siyempre kumbaga, lagi naman kaming mga artista, sa totoo lang, lagi kaming naglo-look forward na after ng soap opera namin or after the movie, basta isang beses bawat isang taon sana makagawa kami sa MMK. And then, ayun, siyempre sobrang proud din ako na isa ako sa mga napili para gumanap doon, kami ni Ejay [Falcon]. And then, napakalaking kaligayan din po para sa akin na nakasama ko rito si Angel Locsin.”

Kumusta naman katrabaho si Angel for the first time?

“Ay, sobrang ano, ang tawag nga namin sa ginagawa namin barkadahan. Kasi habang ginagawa namin yun kahit napakahirap ng training, napakahirap ng mga eksena.

“Honestly, ah, malungkot kasi nga siyempre unti-unti kumbaga, mong nakikilala ang bawat karakter lalo na kapag pumapasok ka doon sa mga eksena.

“Pero sa kabila noon, kapag magaan kasi yung mga kasama mo kahit gaano kahirap yung ginagawa ninyo, napapagaaan lahat. Nakakatuwa, na-surprise ako na napakahumble niya bilang isang katrabaho. Saka yung dedikasyon niya, kumbaga, kung ano yung pagkakakilala ko kay Angel sa loob at labas ng pelikula at telebisyon, noong nakilala ko siya ganoon siya. Napakabait at napaka-humble na tao.”

Sa stature niya ngayon sa pelikula at telebisyon, bakit patuloy siya o maging ang iba pa’ng malalaking artista gaya ni Angel ang patuloy na gumagawa ng episode para sa MMK?

“Yun din ang mahirap ipaliwanag sa bawat artista. Siguro after na magawa namin ang isang proyekto, minsan dito namin nahaharap yung ibang challenge as an actor.

Kasi alam namin na dapat everytime na gagawa kami sa MMK, dapat handa kami. Hindi lang emosyonal, pisikal. Katulad nito, naka-ilang MMK na ako pero ito ‘ata ang pinakamahabang ginawa ko kasi four days ko ‘tong ginawa. And then, meron pa’ng training.

“Sabi ko nga, kahit kasabay nito yung ginagawa ko’ng pelikula at Wansapanataym, sabi ko nga, kasi kapag sa MMK dapat ready ka. Kasi alam mo’ng espesyal yung ginagawa mo.

Ang pelikula na tinutukoy niya ang You’re My Boss kunsaan nakapareha niya si Toni Gonzaga at Wansapanataym naman ay ang Yamishita's Treasures kunsaan leading lady niya si Julia Montes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga every time nga sa bawat artista alam ko na kapag gagawa ka ng MMK, napaka-espesyal nito para sa amin.

“Kasi para po talaga kaming gumagawa ng isang proyekto na talagang pinaghahandaan namin.”

Two years ago noong huling lumabas si Coco sa MMK bilang underground boxer.

“Boxer naman po ako doon pero madugo po ‘yun. Dream ko po ‘yun, e.”


A photo posted by @mr.rodelnacianceno onApr 13, 2015 at 9:01pm PDT




AUTHENTIC GEAR FROM SAF. Nag-shoot ba sila sa mismong lugar na pinangyarihan ng Mamasapano tragedy?

“Hindi po,” sagot ng production manager na si Roda.

“Ginaya na lang po namin lahat. Kunyari po yung bridge, at 1 am nagpapagawa kami ng tulay para magaya.

“Halos lahat po, kasi hindi rin naman, naging mapagparaya rin naman po ang SAF para ibigay yung mga kailangan namin. Like kunyari kahapon, noong nalaman namin na meron silang night vision goggles, from Zamboanga nagpalipad sila, nagpadala sa amin para magamit namin.

“Kasi ito yung mga hindi na natin nakita, e. Hindi alam ng lahat ng tao na fully-equipped sila nu’ng sumugod sila doon.”

May mga kailangan ba silang sundin na protocol from the military or sa government at hintaying matapos muna ang investigation sa Senado bago nila ipalabas ang episode?

“Wala naman po. February pa lang po nag-start na kami. Nagkakausap na po kami nila Coco tungkol sa project na ‘to. Kaya lang maraming kailangang paghandaan. Kasi research-based nga po, ayaw naming magkamali. Ayaw naming mapulaan. So, every step of the way, [may] coordination po talaga with SAF.

“Napaka-open po nila sa amin, from costume, lahat. Hitsura, lahat. So, even yung grupo na kasama namin sa shoot, sila yung papalit doon sa 55 na isa lang ang nag-survive.

“Sila na yung ipapadala sa Zamboanga. Opo, totoo po’ng mga sundalo, at may survivor po kaming kasama habang nagsu-shoot.

“Opo, mas masakit yun doon sa naka-survive. Friends na po sila ni Coco,” paliwanag ni Roda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung mga nasa isipan at nararamdam ni Coco noong ginagawa niya ang karakter ni Garry?

“Noong una po, sabi ko nga, noon araw mataas ang pagtingin ko sa ating mga kapulisan.

“Honestly, inamin ko, dahil sa nangyaring ‘to, ngayon ko lang nalaman na meron palang tinatawag na SAF, Police Special Action Force.
“Sila yung laging nasa likod. Kasi kumbaga, for security purpose, yun ang ina-ano nila na parang hindi sila humaharap sa media. Tapos nu’ng nangyari nga ‘to, sabi ko nga, yung training na ginagawa nila, yung preparation, yung pag-aaral. Hindi yung basta makatapos ka lang sa PNPA after that magiging SAF ka na?

“Hindi, marami ka pa’ng mga training na dapat kunin, may commando, sa scout ranger at maraming-marami pa’ng iba. Kumabaga, sabi ko, doon pa lang ‘yung sakripisyo at dedikasyon na ginagawa nila para makapasok doon, sobrang hirap na.

“Sabi ko nga, bakit, kasi ang alam ko ang pulis ‘di ba nakadestino sa Manila? Tapos yung mga nanghuhuli dito sa atin sa Manila, sa mga masasamang-loob, meron palang mga pulis na parang pwede sila sa bundok at pwede sila dito sa urban. Sabi ko, may ganoon pala ‘no? Tapos ‘yung dedikasyon nila, basta iba.

“Every time na nakakausap ko sila iba yung mentalidad nila. Para sa akin, iba yung pagkatao nila, e, yung napaka-humble. Sabi ko nga, dati akala ko ang galing ng military.

“Akala ko military lang sila, kumbinasyon. Sabi ko, meron pa lang ano, kaya sabi ko tuloy sa sarili ko kung magkakaroon ako ng pagkakataon, sabi ko gusto ko ring maging SAF. Kasi, bilang lalaki, lalo na ako ‘di ba minsan gumagawa ako ng mga aksyon ganoon, sabi ko, ang sarap pala ng ganoon. Ang sarap pala ng ganoon.

“Tapos tinatanong ko sila na parang ah, ano’ng dahilan kung bakit ito ang pinasok ninyong trabaho? Sabi lang nila, yung dedikasyon, yung kagustuhan mo’ng makatulong sa bansa, protektahan ang bansa mo at para sa pamilya mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit alam na alam mo na yung kahit yung kinikita nila na hindi enough para tustusan ang pamilya nila. Yung titiiisin nila yung mahabang panahon na hindi nila kasama ang pamilya nila.

“Sabi ko, ako nga lang, e, mawalay lang ako ng ilang linggo sa pamilya ko parang ang bigat-bigat na. What more yung tipong aalis kayo, pupunta kayo doon, alam ninyo yung haharapin ninyo na baka sakaling hindi na kayo makabalik sa pamilya ninyo.

“Kumbaga sabi ko, napakaraming katangin nila na todo ko talagang hinangaan. Bukod doon sa, sinasabi ko nga , hindi dahil gusto lang nilang humawak ng baril kundi alam nila ‘yung gusto nilang pasukin.

“Alam nila yung pinapasok nila yung pinapasok nila, alam nila yung pinaninindigan nila at alam nila yung prinsipyo nila sa buhay.”



ON DEALING WITH EXPLOSIONS. Ano ang unforgetable experience ni Coco pagagawa ng episode na ito tungkol sa SAF?

“Marami,” natatawang sagot ni Coco.

“Kasi talagang ano, sabi ko nga, kapag gagawa ka ng MMK dapat naghahanda ka, emosoyonal at pisikal. Kasi hindi talaga biro, hindi kayo maglalaro, talaga yung dedikasyon. Naglolokahan nga kami, e. Para ‘to sa sining, para ‘to sa pagmamahal sa bayan, ganoon kami. Kasi nga natatapos kami alas dose ng tanghali kinabukasan. Uh, ten o’clock, 11 am. Kanina at least maaga-aga, almost 6 am, ayun.

“Ako hindi ko makalimutan talaga kanina, kahapon nag-shoot kami, kasi unang-una, ang bigat talaga noong vest na pinapasuot sa akin, 35 kilos. Tapos may mga magazine pa yun. Tapos, plus the baril, plus the boots. Tumayo ka lang, honestly, kung hindi ka sanay sa training talagang babagsak ka.

“And then, siyempre kailangan naming paninidigan yun dahil nandoon kami bilang artista at yun ang ginagampanan namin. And then, yung pagod. Sabi nga namin, kokonti pa lang yung tinatakbo namin pero parang hingal kabayo na kami sa sobrang hirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, kapag nagsasabugan, as in yung talagang ‘Direk, parang totoo na ata ‘to, ah!’ Kasi ang lalapit talaga noong mga sumasabog and then yung talagang totoong barilan kung barilan.

“Sabi ko nga, yung suportang binigay sa amin ng MMK talagang para pagandahin at gusto namin ipakita na parang totooong-totoo talaga, kung ano yung totoong nangyari talagang inachieve namin. Kaya nga kahit yung tulay, honestly, sabi ko nga, grabe naman ang location na ‘to, parang totoo.

“Kasi kung ano yung nakita natin doon, napanood natin, almost the same kung ano yung pinag-shootingan namin. Sa Lumban, Laguna po kami nag-shoot.

“Saktung-sakto kasi ‘di ba makikita ninyo doon may ilog and then, after the ilog maisan. And then after that, mahabang field na palayan. Ganoon, ganoon talaga ang pinag-shootingan namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN