Ten-year-old Pinay singer Gwyneth Dorado enters Asia’s Got Talent grand finals



Pasok na sa finals ng Asia’s Got Talent ang 10-year old Filipino singer na si Gwyneth Dorado.

Kabilang si Gwyneth sa first batch of semi-finalists at siya ang nakakuha ng pinakamaraming number of votes mula sa mga manonood ng AGT noong nakaraang Thursday, April 23.

Si Gwyneth ang unang Pinoy act na aabante sa finals. Kasama niya ang Japanese dance group na Triqstar Japan at ang acrobatic duo from China na sina Gao Lin at Liu Xin.

Nag-perform si Gwyneth para sa chance na makaabante siya sa finals. Inawit niya ang isang Jessie J. song na “Nobody’s Perfect.”

Ang mga judges na sina Vanness Wu at Anggun ay na-impress sa performance na iyon ni Gwyneth.

Ayon sa F4 member na si Vaness, "I love it. I thought you were amazing. You're so fierce and you came out with a lot of energy.

"Mahal kita, all over again!"

Pero si David Foster ay hindi masyadong nagustuhan ang rendition niya ng naturang awitin.

May naging problema raw sa pitch ni Gwyneth.

Ayon kay Foster, na mentor ng Pinay singing sensation na si Charice: “Maybe you were nervous, maybe you couldn't hear properly. You jumping from a little piece of a guitar to a band is not exactly what I would have hoped for from you, at this point in your career. Having said that, we're going to hear a lot more from you for sure.”

Comment naman ni Melanie C: “Gwyneth, I'm a big, big fan of yours and I know you're a big, big star in the future.

“I love Jessie J. I bet you love Jessie J and I guess she would have loved that, too. You are fearless, and that's what you have to be as a performer... fearless. So you keep going.”

Mabilis nag-post ng kanyang pasasalamat si Gwyneth sa kanyang Facebook page ilang minuto lang pagkatapos sabihin na siya ang nakakuha ng highest number of public votes mula sa unang batch ng semi-finalists.

“Thank GOD! What a wonderful blessing!

“To all those who have tirelessly supported me especially those who have voted me, thank you so much for believing in my talent. I am very grateful for your help!

“Philippines, Asia, World! This is it! Your votes and confidence in me have brought me to the finals. I will always give my best for all of you. Thank you very much! Maraming maraming salamat po. I love you all! Mahal ko po kayo!

“I am sooooooo happy....‪#‎toGodbetheglory
#‎asiasgottalent
‪#‎axnasia
#‎teamgwyneth

Para makaboto para sa winners, puwede gawin ito sa pamamagitan ng text messaging, sa Facebook page ng AGT at sa pamamagitan ng mobile app ng Asia’s Got Talent.

Magbubukas ang voting matapos ang broadcast ng bawat semi-final episode at mananatiling bukas up to four days later.

Sa simula pa lang ng competition ay sobra nang na-impress ang apat na judges ng AGT sa talent ni Gwyneth nang awitin nito ang song ni Katy Perry na “Roar” habang nag-gigitara sa first round of auditions pa lamang.

Natuto raw si Gwyneth na tumugtog ng gitara noong 2 years old pa lang siya at hindi na raw siya nahiwalay sa instrumento na ito.

Natuwa naman si David Foster nang malaman niyang gusto siyang makilala ng personal ni Gwyneth.

“I can't imagine how good you're gonna sound when you're 13. I think this business has a place for you,” sabi pa ni David Foster kay Gwyneth.

Ang ibang kasamahan ni Gwyneth sa first batch na na-eliminate ay ang sumusunod: Gonzo from Japan, Nitish Bharti from India, The Brothers from Indonesia, Oscar Chu from Taiwan at ang Filipino dance group na Velasco Brothers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN