Gabbi Garcia welcomes pressure of headlining GMA primetime series Let The Love Begin

Gabbi Garcia on being launched by GMA Network: “Siyempre po nakaka-flatter po iyon, everytime na naririnig ko po yun. Kasi hindi naman po lahat ng artists nabibigyan ng chance na nabigay sa akin na chance, so napaka-surreal pa rin lahat ng nangyayari."


Kung sa simula ay sa pagkanta nalilinya si Gabbi Garcia, ngayon ay hinuhulma siya bilang isang leading lady.

Ilulunsad na nga ang tambalan nina Gabbi at Ruru Madrid sa primetime series na Let The Love Begin.

At ikinasisiya ito ni Gabbi.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo naman po.

“As much as possible, gusto ko pong maging versatile performer.

“Na kahit saan pa ako ilagay, sa dancing, sa singing, sa acting, makaka-deliver ako.

“So, it’s a good thing din po na mas nai-stretch out po ngayon yung acting skills ko.”

Bini-build up din siya bilang isa sa mga prinsesa ng GMA.

Sabi ni Gabbi tungkol dito, “Siyempre po nakaka-flatter po iyon, everytime na naririnig ko po yun.

“Kasi hindi naman po lahat ng artists nabibigyan ng chance na nabigay sa akin na chance, so napaka-surreal pa rin lahat ng nangyayari.

“And sana nga po mag-work out rin po, and I will make sure na gagawin ko po lahat ng best ko para makaabot ako sa gusto kong maabot.”

Aminado si Gabbi na may kaba at may pressure siyang nadarama tungkol dito.

“Hindi po mawawala yun, pero iyon nga po, it’s good to be pressured din para ma-remind ako every day na I need to work harder, extra hard, na maka-deliver ako ng mas magaling and mas mag-grow pa ako as an artist.”

DONITA ROSE. Isa sa mga kontrabida ni Gabbi (bilang Pia) ay si Donita Rose (bilang si Celeste).

Unang drama series ito ni Donita at unang contravida role din niya.

Isang karangalan daw para kay Gabbi na “api-apihin” siya ni Donita.

Saad ng Kapuso young actress, “Siyempre po, it’s such an honor na ako ay maapi ng isang Miss Donita Rose sa kanyang pinakaunang kontrabida role.

“And sana maging harmonious po yung relationship namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit on-cam medyo magka-bad vibes kami, pero off-cam naman po sobrang okay po kami ni Miss Donita.

“Lagi po kaming nag-uusap.”

Wala pa raw eksenang sampalan na kinukuna sa kanila ni Donita.

Kung sakaling mayroon, handa ba si Gabbi na masampal?

“Oo naman po!” bulalas niya.

“Willing naman po ako dun. Kung ikagaganda po ng istorya, at kung ikagaganda po ng eksena, why not po?”

GARDO VERSOZA. Masaya rin si Gabbi na isang beteranong aktor, si Gardo Versoza (bilang Tony), ang gaganap na ama niya sa Let The Love Begin.

“Machete!” pagtukoy ni Gabbi sa famous role na ginampanan ni Gardo.

Hindi pa raw sila nakukunan ng eksena na magkasama ni Gardo.

“Looking forward po ako sa first scene po namin ni Mr. Gardo Versoza.

“Kasi siyempre, Mr. Gardo Versoza na po siya, napaka-overwhelming po na makatrabaho po siya.”

Kasama rin sa cast ng Let The Love Begin bilang leading man ni Gabbi si Ruru Madrid, na gaganap bilang si Erick, at ang nagbabalik-Kapusong Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas bilang si Jeni.

Mapapanood na sa May 4, kasama rin sa show sina Ms. Gina Pareño bilang si Lola Tacing, Gladys Reyes bilang si DJ Kay Fairy, Neil Ryan Sese bilang Simply Jay Zee, Noel Trinidad bilang si Manong Milton, at si Mark Anthony Fernandez bilang si Jom.

Nasa Let The Love Begin rin ang mga Kapuso young stars na sina Phytos Ramirez bilang si Uno, Abel Estanislao bilang si Makoy, Nomer Limatog bilang si Jules, AR Angel Aviles bilang si Elsa, at si Rita Daniela bilang si Luchie.

Ito ay sa direskyon ni Miss Gina Alajar.

Bukod sa Let The Love Begin ay regular ding napapanood si Gabbi tuwing Linggo sa InstaDAD, na pinagbibidahan naman ni Gabby Eigenmann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN