Annabelle Rama-Ruffa Gutierrez fights are not for publicity, according to new It Takes Gutz director

Isa sa pinakaabangang episode sa Season 3 ng It Takes Guts to be a Gutierrez ay ang kasalan pero ayaw i-detalye ng bago nitong director na si Steven Gilfeather kung sino ang ikakasal.



This July, mas magle-level up pa daw ang drama at tensiyon sa third season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Bukod sa maraming mga bansa ang inikutan ng pamilya Gutierrez para sa Season 3 ng show, may bago rin itong director na mula pa sa Scotland: si Steven Gilfeather.

Si Steven ang taga-pamahala ng content ng E! News Asia. Nakatrabaho na rin niya kasama ang ilang Filipino celebrities katulad nina Anne Curtis at Piolo Pascual para sa kanilang documentary sa E! News Specials.

In-offer na daw kay Direk Steven ang Season 2 ng show pero hindi daw ito umubra dahil sa hectic ng kanyang schedule.

Napi-pressure ba siya ngayong finally ay natuloy na ang paghawak niya sa isa sa top reality shows in Asia Pacific?

Sabi niya, “I don’t feel pressured because I made shows for many, many years around the world so you know, I dealt with celebrities for many, many years.”

Kabilang sa mga nahawakan nitong programa sa Great Britain ay ang Big Brother at Strictly Come Dancing.

Dagdag pa niya, “For the Gutierrezes, I see them as friends more than anything.

“Although they're charismatic when they walk into a room, they’re not scary, they’re just normal people.

“And you know, and I think if you show them respect, they will show you respect back.”

Si Annabelle Rama, bilang co-producer, ang nakiusap sa kanya para i-direk ang kanilang show.

Na-intimidate ba siya kay Annabelle?

Biro niyang tugon, “No, not anymore. I think she’s intimidated of me.”

Limang episodes na daw ang nakunan nila para sa show. Isa sa mga bansang ipi-feature ng show ay ang bakasyon ng pamilya sa Bali, Indonesia.

Sabi pa ni Direk Steven, espesyal ang Season 3 dahil magkakaroon daw ng kasalan sa isa sa mga episodes nito. Ayaw pa niyang sabihin kung sino ang ikakasal.



Ano ang masasabi ng bagong director tungkol sa mga away nina Annabelle at Ruffa Gutierrez?


“At first, I thought it’s just for publicity but it’s not. I found out it’s true. I think Annabelle is just misunderstood. She gets mad because as a mom, she really cares for Ruffa as her only daughter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May lima pa silang episodes na kukunan para sa Season 3. At ayon sa nakarating na balita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isa daw ang America sa pupuntahan ng pamilya Gutierrez para sa ilang episodes ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN