Mikael Daez now shooting TV series Blood in Dispute with Andrea Torres in Cambodia

Mikael Daez describes what it is like to shoot a teleserye in another country? "Ibang-iba ang experience namin, kahit yung mga terms at salitang ginagamit nila...mas maliit ang crew namin. In a way, parang indie film siya pero teleserye ang ginagawa namin."


Kasalukuyang nasa Cambodia ngayon ang Kapuso actor na si Mikael Daez kasama ang kanyang ka-loveteam na si Andrea Torres para sa ginagawa nilang international TV series na Blood In Dispute.

Mga foreign actors ang katrabaho nila sa kamay ng isang foreign director rin.

Sa pamamagitan ng email messaging ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael habang nasa Cambodia ito.

Ayon kay host-actor, “Kakatapos lang ng third taping day namin.

“Kakaiba ang taping experience rito dahil iba nga ang kultura ng mga tao.

“We have a Canadian director, Canadian D.O.P. [director of photography], Canadian cameraman, ’tapos yung crew namin, Cambodian.

“Nakita namin ang mga differences sa pagte-taping nila, kasanayan nila.

“So nakakatuwa dahil ibang-iba ang experience namin, kahit yung mga terms at salitang ginagamit nila.

"Kailangan masanay kami, hindi parang 3, 2, 1, action! Sa kanila, ‘Frame, action.’

"Yung mga ganoong maliliit na bagay, siyempre, nakakapanibago rin.

“Kami ni Andrea, nag-e-eenjoy kami kasi bagong experience siya and alam namin na minsan lang mangyayari ‘to.

“Yung aliw factor sa aming dalawa, nandoon talaga.”

DIFFERENT STYLE. Bihirang mangyari sa mga local stars ang makuha para sa isang international series at makasama ang mga foreign actors.

Kumusta ang working environment nila sa Cambodia at ano na ang mga natutunan nila ni Andrea?

“Well, naramdaman na namin ni Ada na napakainit, napakainit dito sa Cambodia! Mas mainit pa kesa sa Pilipinas.

“But at the same time, medyo mas maliit ang crew namin kumpara sa iba.

“So, in a way, parang indie film siya pero teleserye ang ginagawa namin.

“Kasi ang indie films, maliliit lang ang crew, limited lang ang equipment.

“Pero nagagawan namin ng paraan, style-style lang siguro.

“Style ng director, style ng crew. Pero masaya kaming lahat dito, positive vibes palagi.”

Halos araw-araw raw ang taping schedules nilang dalawa.

“Monday to Friday may taping kami at Sabado at Linggo naman, puro promo, punung-puno din ang sched namin dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero dahil naaaliw kami at grateful kami sa experience, parang hindi na kami masyadong napapagod.

“Siyempre, yung physical na pagod, nandiyan palagi, pero parang sobrang thankful lang namin.”

Ilang beses na rin nakapunta si Mikael sa Cambodia, at hindi maitatangging kilala na siya ng mga Cambodian dahil sa teleserye nila ritong naipapalabas doon.

“Parang nasa Manila rin,” masayang kuwento ni Mikael.

“Naglalakad ka, biglang may magpapa-picture, pero mas mahiyain sila.

"Nandiyan yung mga Pinoy, talagang sisigaw, titili. Dito, mas shy sila.”

POSITIVE SIGN. Ang huling seryeng pinagsamahan nila ni Andrea ay ang Ang Lihim ni Annasandra.

Maituturing daw na pinakamalaking break ng loveteam nila ang pagkakapili sa kanila para gumawa ng teleserye sa Cambodia.

“Well, siyempre sa loveteam namin, magandang makita na umaasenso ang loveteam namin ni Andrea.

"At mukhang yun nga ang nangyari rito, hindi lang kami nagsu-shoot sa Pilipinas, dito na kami sa ibang bansa.

"I think, very positive sign po yun.

“Very happy kami, ang dami naming ginagawa rito, talagang nagagandahan kami.

“Iba-iba yung mga itsura ng ipapalabas namin at magagawa naming produkto rito at iba-iba nga yung gumagawa.

"So very new, unique, at magugustuhan ng mga Pinoy siya, refreshing siya e ibang-iba.”

Isang bokator fighter raw ang karakter na ginagampanan ni Mikael sa Blood in Dispute. Bokator ang tawag sa martial arts sa Cambodia.

Kuwento pa ni Mikael tungkol sa mga karakter nila, “Actually yung roles namin dito, very cute.

“Pinoy talaga kami. May kalahating Cambodian, pero lumaki ako sa Pilipinas.

“Napadpad ako sa Cambodia dahil sa martial arts. Muay Thai ako sa Pilipinas ‘tapos gusto kong matutunan ang martial arts ng Cambodia.

“Si Andrea na girlfriend ko na, sumunod sa akin, ‘tapos yun na, nagsimula na ang kuwento namin dito sa Cambodia.

“Siyempre, may mga nakilala kaming Cambodian.”

Ang Blood in Dispute ay co-produced ng GMA-7 at Cambodia TV Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN